[10] Roses and Lipstick

Start from the beginning
                                    

"Good morning sir," bati ng receptionist.

"Good morning. Miss, under whose name is the room 3055?" tanong niya habang palinga-linga sa paligid.

Tumingin sa computer ang receptionist. "It's under Mr. Blake Marlon Monteverde sir."

"Oh I see. That's me," napapangiti ngunit nagtatakang wika niya. "I'll check out," sabay abot niya sa kanyang credit card.

"Okay sir. Would you mind waiting for few minutes?"

Kinuha ng receptionist ang card niya. Pagsauli nito'y hindi siya nakatiis na di magtanong.

"Were you the one on duty when I checked in?" kunway kaswal na tanong niya sa babae.

"Ah... y-yes sir."

"Was I the one who registered myself?"

"Hindi po sir, may kasama po kayo."

Lumakas ang pagkaba ng kanyang dibdib ngunit nanatiling natural siya sa pakikipag-usap. "Was it a woman?"

"No sir. I think it was your driver."

"Oh I see," nakangiting sagot niya. Para siyang nabawasan ng libong tinik sa dibdib. "Thank you."

"Your welcome sir."

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga habang naglalakad papalabas ng lobby. Laking pasasalamat niya sa narinig. Marahil ay inutusan ng mga kasama ang isa sa mga drivers ng mga ito para ihatid muna siya sa hotel.

Inabot niya ang ticket sa valet at habang hinihintay ang sasakyan ay muli niyang tiningnan ang cellphone. Alas tres y medya ang huling missed call ni Alex, baka nakatulog na ito sa pag-aantay at pag-aalala sa kanya. Ano bang paliwanag ang ibibigay niya? Kailangan niyang mag-isip kung saan hindi mauuwi ang lahat sa pagtatampo ng asawa. Hinding-hindi niya pa nakakalimutan na nung huling pagkalasing niya'y tatlong araw siya nitong hindi kinausap.

Bago dumiretso ng uwi'y dumaan muna siya sa bilihan ng mga bulaklak. Bumili siya isang dosenang pulang rosas para sa asawa. Sana kahit papaano ay makabawi siya ng kaunti sa pag-aalalang ibinigay niya dito sa araw na ito.

Pagdating ng bahay ay maingat na maingat siyang nagbukas ng kuwarto. Patay ang lahat ng ilaw maliban sa lampshade na nasa working table niya. Naabutan niya si Alex na nakatulog sa nasabing mesa. Nakasubsob ito habang hawak-hawak ang cellphone. Wala ang anak sa kama, tiyak na pinatulog ito ng asawa sa sariling kuwarto upang di na maghintay sa kanya.

Inilapag niya ang bulaklak sa tabi ng kinasusubsuban ni Alex. Hinawi niya ang buhok nito at marahang hinalikan sa pisngi. Bubuhatin niya sana ito patungong higaan ngunit unti-unti itong naalimpungatan.

Ang mga pulang rosas agad ang unang nakita ni Alex pagkamulat na pagkamulat ng mga mata. Ngumiti siya sa pag-aakalang nanaginip siya ng maganda. Hinawakan niya ang talulot at marahang hinaplos-haplos nang may namumungay pang mga mata.

Ang Misis Kong Astig!Where stories live. Discover now