Card 1 ♦ The Invitation

5.6K 170 6
                                    

Card 1  The Invitation

“You’ve got the wrong person.”

Mataman kong tinitigan ang dalawang lalaki nakaupo sa harapan ko. They were identical twins--spiky, messed up hair which almost embodied the sky with its pitch dark color, revealing their snow-like complexion as the right side of their face were covered. Their ocean deep-like eyes were blank, I was not sure if it's always like that, or they are only concealing the emotions and thoughts to themselves. The difference between them lies within the clothes they're wearing, although they wore just an alternate green long sleeves paired with black pants while the other one was clothed with black long sleeves and green pants. They were same as my age, around 18, as I could have guessed awhile ago, when they suddenly barged into my apartment and started blabbering things I could not even understand.

Ang alam ko lang, hindi ko sila kilala.

Apparently, I knew from the beginning that there’s something odd in them. I can sense that they are not humans, though up until now, I cannot decide if they are allies or worse, enemies.

I am not in shape for a battle right now.

Tumingin ang lalaki sa kakambal niya habang hawak-hawak ang ilong nito, “Shet ‘pre! Pahinging tissue. Kanina pa tayo ine-English nito, sasabog na ilong ko.”

Naiiling na binatukan na lang siya ng kakambal, “Umayos ka nga! Mapapagalitan na naman tayo ni Miss Elina nito eh.”

“Tsk. Di naman mabiro. Dalian mo na nga lang dyan nang maka-uwi na tayo. Kanina pa ako inaantay ng babe ko oh!”

“Eh kung tinutulungan mo kaya ako?”

“Kung bakit ba naman kasi tayo pa ang pinadala dito eh,” reklamo niya saka sumandal at hinilot ang kanyang sentido. “At kung bakit ba naman kasi ayaw pa nitong pumayag eh.”

I shot him a killer look. Mukha namang tumalab ang ginawa ko dahil napaiwas siya ng tingin. Who could resist it anyway?

“Mukhang naiinip na ang kasama mo. You should leave,” I said in a calm yet authoritative tone. “Now.”

Akmang tatayo sana ako para buksan ang pinto nang biglang sumungab sa akin ang isa sa kambal. Saktong bumagsak kami sa sahig nang makarinig ako ng isang pagsabog.

“Ah fuck! Nandito na agad sila?!” rinig kong sigaw nung isa.

“Shit! Get the hell—“ hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla siyang tumayo, at saka binuhat ako katulad ng mga pagbuhat sa mga prinsesa.

“Sorry princess, but we need to bring you with us.” He grinned and called to his twin. “Eiji, ikaw na bahala dito.”

“Aye aye, twin captain!”

Before I knew it, we were out of my apartment. Kahit sa malayo, naririnig ko ang mga pagsabog na nanggagaling sa tinitirhan ko. At alam na alam ko kung ano ang kinakalaban ng lalaking nagngangalang Eiji ngayon.

The other guy here, Eiji’s twin, was jumping from building to building like it was normal act for him. Mabuti na lang at walang taong pakalat-kalat ngayon, kundi baka mabigla lang sila sa kanilang makikita.

Although I highly doubt they can even notice us. Ang mga katulad namin, hindi ganun kadaling mapansin. We were good at hiding our true selves. Kaya naming makihalubilo sa mga tao nang hindi nila nalalaman na iba kami sa kanila.

Biglang tumigil ang lalaking bumuhat sa akin sa tabi ng kalsada at dahan-dahan akong ibinaba.

“Wag kang mag-alala princess, I can protect—“

“I don’t need your protection,” I said firmly, starting to take steps away from him. “I’m used to this anyway.”

“O-oy teka! Hindi pa tayo tapos mag-usap!” Habol niya.

“There’s nothing to talk about.”

“Ah! Bakit ba—“ Napatigil ang pagsasalita niya nang sumabat pa ang isang boses.

“Ang mama mo.”

Natigilan ako.

Ilang saglit din akong nakatitig sa daan bago ko bahagyang inilingon ang ulo ko. Kalahati lang ng mukha ko ang kanilang nakikita.

“Kaya ka naming tulungan sa paghahanap sa mama mo.”

Eiji's voice echoed through the empty streets and compared earlier, I can sense that he is serious right now. Mukhang sanay na rin siya sa pakikipaglaban sa ‘kanila’ dahil mabilis siyang natapos.

“Totoo ang sinasabi ng kakambal ko, Mavis. Matutulungan ka ng head master sa problema mo. Kaya sana, pakinggan mo muna kami.” Segunda pa ng kapatid niya.

Napabuntong-hininga ako. Mukhang wala na talaga akong balak tigilan ng dalawang ‘to.

Hinarap ko sila, “What will I do?”

Nagkatinginan ang kambal, isang kakaibang ngiti ang sumilay sa kanilang labi.

“Simple lang naman ang gagawin mo," sabay na sabi nila. "Mavis Alair Celestine, you will represent Miss Elina in the upcoming Game of Cards."

House of CardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon