Chapter 1

3 0 0
                                    

***

Nandito kami sa school bus ng Nhalifer High para sa field trip ng mga Grade 12 students.

Patungo kaming Crocodile Island na sa kabila pa.And kailangan naming sumakay sa bangka para makatungtong don.

Kailangan kasi sa Mapeh namin 'to na makapag-explore kami ng kahit na isang Isla lang.

"Ready all your things,malapit na tayo" anunsyo ni ma'am.

Kinalbit ko ang katabi kong si Joy na nakaidlip na ata."Oy,malapit na daw tayo.

3 days and 2 nights kami don,parang camp out ganon na 'rin.Ni-ready na namin ang mga gamit namin at saktong nakarating kami sa daungan ng mga bangka.

Lumapit si Sir Lorencio kay Ma'am Aguilla,may ibinulong ata.Nakita kong parang kumunot ang noo ni Ma'am Aguilla.

"Grade 12 come here" maya-maya'y utos nito.Pinalibutan namin sila Ma'am Aguilla,Sir Lorencio,Ma'am Diane at Sir Leri.

"Tatlo lang daw na bangka ang naarkila and the maximum capacity of each boat is 10 people.50 kayo lahat kaya kailangang may 1st batch at 2nd batch ganon" sumang-ayon naman ang lahat.Napagdesisyunan namin ni Joy na magpahuli na lang para hindi hassle.

Bumili na lang muna kami ng mga sitserya at soft drinks sa tabing tindahan at naki-charge ng cellphone at power bank.

Tatlong power bank ang dinala ko at may dalawa akong simcard na dala-dala.Parehong may load.Dinala ko pa ang pocket Wi-Fi ko.Tsk.Ganyan kapraning sila Mama at papa.

'Yung cellphone ko lang Ang ipinacharge ko saglit since 'yun lang ang hindi full.

Pagkabalik ng bangka samin about a half an hour ago 'rin ay sumakay na kami.

"Napuno na phone mo?" tanong sakin ni Joy.Umiling ako."Nope.But atleast nadagdagan" wika ko.

Hindi na nga hassle ang mga sumakay ng 2nd batch unti na lang kami eh.Di na siksikan.

Kinuha ko ang cellphone and took a selfie with the nature.Sa ibang shots ko naman ay sumisingit si Joy.Selfie addict talaga..

Sa kalagitnaan ng aming biyahe sa dagat ay pansin ko ang pagbabago ng panahon.Dumidilim na ang langit,at ang masama don ay ang pagsalubong namin sa masamang panahon.

"Manong safe paba?" tanong ni Ma'am Aguilla.Si Ma'am Aguilla at Sir Lorencio na lang ang kasama namin since sila Ma'am Diane at Sir Leri ang sumama sa first batch.

Tumango naman'yung nagmamanipula ng bangka."Kaya pa 'yan Ma'am,medyo nakalayo na tayo sayang naman kung babalik pa kayo sa daungan" usal naman mama.

Napahawak na kami sa gilid ng bangka dahil sa lakas ng alon.Gumegewang-gewang na nga 'tong bangka.Medyo nababasa na nga 'rin kami tuwing humahampas ang malakas na alon.

"Manong balik na tayo!" sigaw ni Ma'am Aguilla habang nakakapit sa gilid ng bangka.Umiling naman ang lalake."Ma'am mas delikado na pag babalik pa tayo don.Mas malakas na alon pa ang sasalubungin natin kapag bumalik tayo.Kumapit lang kayo makakarating tayo dun ng ligtas" sabi naman nung lalake.

"Hello Sir Leri?" lumingon ako kay Sir Lorencio at nakitang may kausap sa phone.

"Yeah.Ang lakas ng alon and we're e
really in danger lalo na ang mga bata...Oh?....Okay sige we'll wait for it"

Ibinaba na niya ang tawag at lumingon samin.

"May paparating daw na rescuers.Just pray guys na well land there safely"

Tahimik lang akong nagdasal habang 'to si Joy ang ingay-ingay.Mapapasigaw pa pag tumatagilid ang bangka.Nakakatakot naman kasi talaga.Yung akala mo tataob na talaga.

Trip to lost IslandWo Geschichten leben. Entdecke jetzt