Panimula

4 0 0
                                        

tok....

tok...

tok...

tok...

paulit ulit kong inuumpog ang ulo ko sa desk kaiisip ng mga ideas at contents para sa susunod na artwork ko.. it should be a masterpiece, unique and expressive. Pero parang walang pumapasok sa kokote ko ngayon, ewan ko ba.. Bahala na..

maya maya pa ay may narinig akong katok mula sa pinto ko, pero hindi na ko nag-abalang tumayo upang buksan iyon.

niluwa nito ang nakapameywang kong nanay at agad naman akong nagtakip ng tenga,marahil alam nyo na ang susunod na mangyayari..

ISAAANGG!! ANO NANAMAN BA YAN! bulyaw ni nanay sakin

agad naman akong tumayo at nagtungo sa kusina,magdamag akong gising at walang kain kaya kinuha ko ang cereal at gatas para sa umagahan ko,ayako nang magluto dahil sayang sa oras.

isang tandaan mo 25 ka na, wala ka ba talagang balak mag-asawa? bat di ka nalang tumulad sa ate mo?..

eto nanaman tayo at pagkukumparahin nanaman ako kay ate. Lagi nalang..

sawa na ko sa araw-araw na pagkukumpara dahil yan lagi ang nasusumbat sakin ni nanay, kesyo mo mayaman at may kaya si ate at ako.. hindi.

lumaki ako sa pamilyang hirap sa buhay, pero dahil kay ate at sa mga pagsisikap nya.. nabigyan nya kami ng magandang buhay.

kung dati ay nangungupahan kami.. ngayon ay may sarili na kaming bahay at lupa, may sariling kotse, pati negosyo.

pero lahat ng yon dahil kay ate.

kung sya ay miracle baby..

ako naman ang the UNWANTED baby.

10 years ang pagitan namin ni ate erika, at wala nga ako sa plano aaminin ko.

ako ang lahat ng kabaliktaran ni ate ikay, totoo yan

kung sya ang araw, ako ang ulan

mahilig syang makipag socialize sa iba, hangang hanga nga ako sa self confidence nya eh. samantalang hindi mo naman ako makikita sa kahit anong social gatherings. Pero kahit na magkaibang-magkaiba kami ni ate, hindi nya ako kinamuhian. Kahit na inggit na inggit ako sa kanya, mas pinapaulanan nya ko ng papuri at sya lang ang taong nakakaintindi sakin.

25 years na kong nasa poder ng magulang ko and trust me, wala akong planong bumukod o mag-asawa. Simply because i can't find a guy attracted to me, lahat na ng santo dinasalan ng magulang ko para makahanap na ko ng asawa,pero im not the usual girl na gugustuhin ng mga kalalakihan.

ISANG! NAKIKINIG KA BA!?

nagulat ako ng hampasin ni nanay ang mesa na nagpabalik ng ulirat ko., kanina pa sya dakdak ng dakdak sa harapan ko pero wala akong maintindihan.

tingnan mo sarili mo, graduate ka ng college pero nandito ka lang sa bahay? ano ng ginagawa mo? drowing ganon? ikauunlad mo ba yan!? padabog na sabi ni nanay, umalingaw ngaw naman sa tenga ko ang salitang Ikauunlad.Passion ko ang pagdodrawing, konti man ang kinikita ko dito pero masaya ako na ginagawa ko ang bagay na to, at hindi ko kailanman gagawing negosyo ang passion ko.

hindi ako ganon ka-desperada para negosyohin ang passion ko, ginagawa ko yon para sumaya ako, ma-satisfy at makatakas sa realidad na mayroon ako ngayon.

hindi ko na tinapos ang pagkain ko dahil nawalan na ko ng gana at dumeretso na ko sa kwarto ko at ni-lock iyon . Bahala na nga si batman!!

****

nagising ako mga bandang ala sais ng hapon sa kaka-isip ng concept sa panibagong artwork,hindi ko namalayang nakatulog na pala ako..

lumabas ako ng silid ko at natagpuan kong ang uusap si nanay at tatay sa kitchen at bahagyang napatigil sila ng makita ako.

Suprisingly, kalmado si nanay ngayon at napa-buntong hininga muna sya bago ako pinaupo kasama nila.

isang,kinausap ko ang tita baby mo, at sinabi kong doon ka muna titira at tutulungan mo sya doon.

Pero bakit pa don!? pwede naman dito ah!? protesta ko, nakita kong nagpipigil si nanay na hampasin ako ng dyaryo pero pinakalma sya ni tatay

ni wala ka ngang asawa at trabaho, tapos mag rereklamo ka!? At ang tanda tanda mo na tapos hindi mo manlamang naisipan na bumukod! bahagyang napataas ang tono ni nanay habang nakikipag staring contest naman ako sa kanya.

tama sya, sila naman ang gumagastos sa lahat, wala akong laban kung magrereklamo pa ko.

pero bago pa ko makapagprotesta ay binigyan ako ng pagpipilian ni nanay...

Mamili ka isang, sayo na 'tong bahay kung mag aasawa ka o pupunta ka sa islang yon at magiging malaya ka?

-Agatha



A/N
Hi! Agatha here! first time ko pong gumawa ng story sa wattpad kaya pasensya na po kung medyo cliché.
Saka may mga grammatical errors
din pero i'll try my best to correct it
as much as possible. Thanks!

La-La-LanguyinStories to obsess over. Discover now