"Shut up, A. Diet ako," nakasimangot na sabi ni Elcie pagkatapos ng litanya ni Adam.

"Diet? Kailan pa? As far as I know you, you don't do diets, E."

Paano ito magda-diet kung pagkain ang palagi nitong kaharap? Chef kasi si Elice. Kaga-graduate lang nito tatlong buwan na ang nakararaan sa isang culinary school sa Paris. Ngayon ay nagta-trabaho ito bilang sous chef sa Silver Grande Hotel.

Sinabuyan siya nito ng tubig. "Dahil sa'yo! Sabi mo kasi mas malaki na ang braso ko sa braso mo. Sabi mo pa, hindi mo na ako iaangkas ulit sa bike mo dahil baka ma-flat 'yon. I hate you, you fucking jerk!"

"Ah..." Natawa ng malakas si Adam ng maalala kung kailan niya sinabi ang mga iyon. "Bumili naman ako ng sasakyan para sa'yo," aniya. Pinaulanan siya ng tubig ni Elice dahil doon pero tawa lang ng tawa si Adam.

"'Kala mo, magugustuhan ng date ko ang brasong 'to," pagkuwa'y sabi ni Elice.

Napakunot-noo dito si Adam. Parang nanigas ang kalamnan niya nang marinig iyon mula sa kaibigan. "Date? May date ka? Kailan? Kilala ko ba 'yan?" sunud-sunod na tanong niya rito.

"Nope. Hindi ko pa rin nga siya kilala eh," sabi ni Elice pagkatapos nitong umiling.

She was bashful. Pagdating sa usaping dating at pag-ibig ay nahihiya talagang magsabi sa kanya si Elice. Siguro ay may kinalaman iyon sa naging confession nito sa kanya noong high school o wala siyang female hormones para intindihin ito sa bagay na iyon kaya hindi ito nag-o-open kay Adam sa usaping ganoon.

"Blind date? Hindi ikaw ang tipo na pumapatol sa blind date, E. Desperada ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

Muli siyang sinabuyan ng tubig ni Elice. "Joke lang."

"Weh?"

"Fine. May nakilala akong babae sa isang cake shop last week. Siguro nasa early fifties na siya. Nag-click kami dahil pareho kaming addicted sa cakes. Nag-recommend kami sa isa't isa ng mga paborito naming cake shop hanggang sa naging mas personal na ang usapan namin. May anak daw siya na single. He's five years older than me. Baka interesado daw akong makipag-date. Gwapo daw naman 'yon. Siyempre, tinanggihan ko. Pero ano bang masama sa blind date?"

"Are you lonely, E?" nag-aalalang tanong niya rito.

Elice is just Elice. Ni hindi pa ito nagkaka-nobyo dahil hindi pa daw ito handa pagkatapos ay gusto nitong makipag-blind date ngayon? No. Hindi siya makakapayag na dumaan sa ganoon ang kaibigan niya. Elice could get any man she wants. She's beautiful and awesome. Gusto niyang makakilala ito ng isang lalaki sa normal na paraan hindi sa isang blind date. Pero kahit na ang isiping makakakilala ito ng isang lalaki kahit sa "normal" pang paraan ay pakiramdam ni Adam ay parang may pumo-pompyang sa ulo niya.

"No, you dork. Pero gusto kong ma-in love at gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam ng may nagmamahal sa'kin," ani Elice.

Medyo natamaan si Adam sa sinabi nito dahil pakiramdam niya'y nagkukulang siya bilang kaibigan nito. Kaya nilapitan niya si Elice at niyakap ito ng mahigpit. "I love you, E. Always," masuyong sabi niya rito saka ito hinalikan sa noo.

"Right. Kaya pakainin mo na ako ngayon. Nagugutom na ako," reklamo ni Elice pagkatapos.

Kaya umahon na sila mula sa pool at naglakad patungo sa restaurant doon. Malapit na sila sa may restaurant ng maulinigan nila ang pag-uusap ng isang pareha ng babae't lalaki saka isang resort staff. Nag-uusap ang mga ito tungkol sa isang "hidden spring" na tumutupad daw ng mga kahilingan.

"Ang alam ko, hija, nagpapakita lamang ang spring na iyon sa mga piling tao at hindi basta-basta makikita ng kung sinumang may gusto. Kung hinahanap ninyo ang spring na iyon ngunit hindi kayo ang piling tao, hindi ninyo makikita iyon kahit anong gawin ninyo," paliwanag ng resort staff sa pareha.

Something TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon