Chapter 1

4.7K 81 8
                                    

Second story, feeling thankful. Hahaha Fb lang? I love you guys. Please do COMMENT and VOTE!

I LOVE YOU.

---

"GRABE KA! Wala ka bang kahihiyan? Naghahabol ka sa lalaking di ka naman gusto." Iniripan lang ni Coffee si Nature at kumuha siya ng cookies na kinakain nito. Pero kinurot siya nito pagkakuha niya ng cookie.

"Aray naman Nature. Isa lang naman hihingin ko ah. Ang damot mo talaga kaya ang healthy mo e." Sabi niya dito. Magbest friends sila nito since first year college. Nakakatawang naging magbest friend sila nito samantalang unang meet pa lang nila ay hindi naman sila nagkasundo. Sinabihan niya kasi itong mataba dahil hindi siya nito pinapadaan sa bilihan ng pagkain. Sumagot naman ito na ang laki ng noo niya at nerd siya dahil sakanyang salamin kaya nagsimula na silang magrambulan. Parehas naman silang palaban kaya wala talagang nagpatalo sakanilang dalawa. Ngunit after nila mapunta sa Dean's Office ay kailangan nila magkasama 1 buwan. Kailangan kasi nila maglinis ng 2 rooms araw araw bilang parusa nila para hindi na sila isuspend at isumbong sa magulang. Kapwa takot mapagalitan kaya hindi na nagdalawang isip kahit magkagalit pa rin sila. Ngunit sa isang buwan na yun ay nagkasundo sila at naging magbestfriends pa.

"Alam mo, mas okay na sakin kumain ng kumain. Dahil may napapala ako. Kesa naman sayo, habol ka ng habol, 2 taon mo na yan iniistalk di ka parin mapansin pansin. Wala kang napapala." Sabi nito sakanya. Umirap na lang sya at kinain ang cookie na kinuha niya dito. Tama naman ito, buti pa sa pagkain may napapala, pero sa lalaking gusto niya wala siyang mapala. Matagal na siyang may gusto kay Charlie Peter Rodriguez or mas kilalang "Chumpy". Hindi niya rin alam kung bakit yun ang naging nickname nun pero okay lang dahil she find cute. Well lahat naman about sa loves niya ay cute para sakanya.

Masaklap lang talaga na tama ang kaibigan niya na wala syang mapala dito. Kung hindi man kasi siya pansinin nito, sinisigawan naman siya nito pag naiinis na sakanya dahil kakasunod niya.

"Sama sama niyang gusto mo. Buti sana kung mabait matatangap ko pa, gwapo nga kaso ang taas masyado tingin sa sarili. Saka tigilan mo ko sa healthy word na yan ah. Di na nga kita inaasar sa noo mo." Tinignan niya an kaibigan niya. Alam naman niyang nagbibiro lang ito hindi naman talaga malaki ang noo niya. Sadyang nasaktan lang talaga ang ego nito kaya yun ang sinagot nito sakanya dati. Hindi rin naman ito sobrang taba, chubby lang ito pero curvy. Kaso ang problema dito hindi mo rin talaga mapigil kumain. Naniniwala kasi to na kung ano pa itsura mo, kung maganda naman kalooban mo, may magmamahal sayo ng totoo. Kaso sa ngayon, muka na ngayon ang pamantayan. Kaya kahit ano pang buti ng kalooban mo kung madaming judgmental na tao, talong talo ka. Kaya tuloy madalas laitin si Nature kahit sobrang bait nito. Pero madalas din naman tong lumalaban.

"E anong magagawa ko, gustong gusto ko talaga siya." Hindi niya napigilan ang sarili na malungkot. Hindi niya kasi alam kung may pagasa ba sya sakanyang gusto pero ayaw niya talaga sumuko. Inayos niya ang salamin niya at umupo sa tabi nito.

"Hay nako Nature, wag na natin pagusapan.." Pinasigla niya ang boses niya. "Tara na baka malate pa tayo." Hinila niya ito, ngunit nagpahintay pa ito.

"Teka bibili lang akong chips." She rolled her eyes. Wala na talagang kabusugan ang kaibigan niya.

"HAY NAKAKAINIS TALAGA!" Pumasok na siya sa locker room niya pagtapos niyang magvolleyball. Hindi naman talaga sya maglalaro ngayon kaso nakita niya kasing maglalaro ang soccer team kung saan kasali si Chumpy kaya pinilit niya ang team niya maglaro. Ang kaso epic fail dahil tumama ang bola sa muka niya habang tinitignan niya si Chumps maglaro. Pinagtawanan tuloy sya ng mga to.

"Ahhhhhhhhhhh!!!!!!!" Sigaw sya ng sigaw dahil gusto niya lang mailabas ang hiya niya sa mga kagagahan niya kanina.

"Arrghhh! Everytime I remember what happened earlier gusto ko na magpakamatay. Shit happens." Tinangal na nya ang mga damit niya at sinimulan na maligo pero inis na inis pa rin sya.

~
NAGLALAKAD SI CHUMPY ngayon sa hallway kung saan patungo ang shower room ng mga lalaki. Tapos na sila magenhansayo ng bigla niyang naalala ang babae kanina sa Volleyball Team. Nakakatawa talaga ang nangyare dito kanina. Halatang halata naman na gustong gusto siya nito kaya nga nagpapansin ito kanina kaso. napahiya lang. Pero atleast napansin niya.

Hindi niya type ang mga ganung babae na ito pa ang naghahabol. Gusto niya yung sya naghahabol. Dahil "CHEAP" tignan para sakanya ang mga babaeng naghahabol. Kumbaga sa isang mall na may nakapaskil na malaking SALE, saka mo lang pagtutuunan ng pansin.

Naisip rin naman niyang gamitin na lang ito kaso naisip niya hindi naman siya ganung lalaki. Kaya hinayaan na lang niya ang babae maghabol sakanya kahit alam niyang wala naman na talaga itong mapapala sakanya.

But he must admit, the girl is sexy and pretty kahit nakasalamin ito. Hindi nga lang nagbbloom pa dahil hindi naman ito mahilig magmakeup katulad ng mga babae sa campus nila. Yes he likes girls who wears make ups. He's not against to it, he find it attractive kasi ibig sabihin, kaya lang naman nagmemakeup ang mga ito dahil para sa mga lalaki. Though may mga babae talagang OA kung magmakeup. Yung parang kamatis ang muka dahil sa dami ng blush on na nilagay sa magkabilang pisngi. Yun ang pinakaayaw niya, too much make up, muka ng clown. For some reason, nakakataas ng pride sa mga lalaki ang mga babaeng nagaayos. But of course, mas like rin naman niya yung mga walang make up na babae. They can easily go out without wearing anything on their faces, and still pretty and that's a plus for him. Like this girl.

"Wait bakit ko ba pinupuri ang babaeng yun e muka na ngang tanga kanina." Napailing na lang siya. Malapit na siya sa locker room ng biglang may naririnig siyang sumisigaw sa shower room ng mga babae. Hindi na siya nagdalawang isip at agad na dumiretso siya kung saan niya naririnig ang sigaw ng babae.

Agad na napatanga siya sa nakita.

~

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" Sigaw siya ng sigaw. Mapagkakamalan na nga syang baliw. Gusto niya lang isigaw ang frustrations niya. Nakalabas na sya ng shower at nakatapis lang sya ng twalya. Humarap sya sa mahabang salamin kung saan naroon ang sink. Balak niya magtoothbrush ng bigla na naman siyang sumigaw. Hindi rin niya maintindihan ang sarili sigaw lang sya ng sigaw at tumalon talon pa sya hangang sa sakto naman na nahulog ang tapis niya sa katawan sabay bukas ng pinto ng shower room ng mga babae. Nagulat sya sa pagbukas ng pinto kaya napalingon siya agad.

Agad na napanganga sya ng malaman kung sino ang nilalang na pumasok. At mas lalong nagpatanga sya ng maalalang nahulog nga pala ang twalya niya sa katawan. Ni hindi siya makagalaw. Pinagmasdan niya ito ngunit nakatingin lang ito sakanya.

Maya maya'y nakita niya kung pano pasimpleng nilibot ng mga mata nito ang katawan niya. Dun siya biglang nahiya at dali dali niyang tinakpan ang sarili. Syempre nataranta pa siya kaya hindi niya naisip damputin ang twalya at tumalikod na lang sya habang nakayuko. Tumingin siya sa salamin at dun niya napansin na nakalapit na pala ito sa likod niya. Napapikit siya ng biglang yumuko ito. Naramdaman nalang niya na may binabalot na ito sa katawan niya. At yun yung twalya niya.

Kung nakikita siguro siya ni Nature tawang tawa na ito sa muka niyang kamatis na sa sobrang pula. Tinignan niya ang repleksyon nito sa salamin. Nakatitig lang ito sakanya. His dark brown eyes. Hindi niya kinakaya na nakatingin sakanya ito ngayon. Nagtitigan lang sila hangang sa natapos na nito iablot sakanya ang twalya. Then he smirked and leave the girl's shower room. Napaupo naman siya sa sobrang hina ng tuhod niya.

---

XOXO

Coffee For Take Out (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon