Chapter 15

2K 49 4
                                    

Napaaga ang update! <3
----

"BITCH." Sabi ni Coffee kay Nature ng magkwento ito ng encounter kay Daxis.

Narinig daw kasi nito si Daxis na may kausap rin sa phone na hindi nagtatanong. Nagtamang hinala lang ito, hindi katulad nya na may iba syang naramdaman ng gumamit si Chump ng endearment.

"Hoy. Don't call me that. Parehas lang tayo no. Narinig ko nga sya na may kausap." Irap nito sakanya.

Minsan talaga ang tamang hinala ng mga babae ay dapat na hindi i-entertain once na hindi ka naman sigurado.

So ibig sabihin, hindi ka rin sigurado sa narinig mo? Sabi ng puso nya.

Gumamit nga ng Honey diba? Sagot naman ng utak nya.

Gumamit lang ng honey, may girlfriend na? Sagot na naman ng puso nya. Nung mga nakaraang na lumipas, wala syang ginawa kundi magmukmok sa bahay. Trabaho, bahay lang. Masyado syang naapektuhan ng nangyare sakanila ni Chump. At malamang sa malamang ay magkikita sila nito.

Katulad ngayon, may meeting sila ng kapatid ni Daxis para sa wedding. And she's afraid that he will be there also. Masyado pa siyang bitter.

At the latter, she chose to believe that he really has a girlfriend.

Tumingin siya kay Nature at sinagot ito.

"Wala ka namang narinig na endearment diba? So why did you do that to him? I know you're angry and you want vengeance. But the point here Tree, how come you're acting like this?" Sagot nya sa best friend nya. Hindi naman kasi porket na broken sya, papaboran niya ito na magalit kay Dax porket may kausap lang sa phone.

Nagsalubong kilay nito. And she knows Nature is confused and irratated.

"Acting what?" Hindi na talaga maipinta muka ni Nature. Parang sinasabi nito sa muka na 'you should be on my side!'

Bumuntong hininga si Coffee bago magsalita. "You have been acting like a jealous girlfriend."

Tinignan niya ang itsura nito. Agad na rumihistro ang gulat sa muka nitong maganda. Nang makarecover to, gusto sana nyang matawa. Pero hindi niya magawa dahil sa kaba at sakit na nararamdman nya.

"What!?" With matching pamewang pa si Nature at taas ng kilay.

"How could you say that? C'mon Coffee you know me, I just hate him. At alam mong hindi ako magseselos sa isang katulad nya na manloloko." Mahabang paliwanag nito sakanya.

She just shrugged and linger. Nakatulala lang si Coffee sa kawalan, hindi niya magawang bigyan ng atensyon sa ngayon si Nature. Hindi lang naman kasi ito ang nasasaktan. Pati sya.
Kahit di naman nya aminin yun, alam na alam niyang nasasaktan to.

"O, ayan na naman yang mga mata mo." Napalingon siya dito at napangiti ng konti. Yung ngiting pilit.

Umupo na si Nature sa upuan katapat ng table nya.

Hindi na lang siya sumagot. She just stared at the window beside her. Nasa isang building kasi ang office nya kaya pag tumingin ka sa labas ay makikita mo ang magulo at busy na Makati. Pwedeng pwede ka talaga magemote kung trip mo.

She knows she can't be jealous with her best friend. Pero, ibang klase talaga ang tapang nito when it comes to heartbreak. Yes, Coffee had seen her worst during her 1st break up with Dax. Pero hinarap nito iyon kahit ang sakit sakit. And now, even she's hurting inside, she can handle it. Unlike her, para na siyang mababaliw.

"So we come to this? After telling me a bitch, you will just ignore me like I don't even exist?" Sabi nito sakanya. Pero nagbuntong hininga lang ulit sya. And it was a long one. Malungkot na malungkot talaga sya.

Coffee For Take Out (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon