Stage Two

3.4K 93 19
                                    

Kindly hashtag MutualUnderstanding (#MutualUnderstanding) for twitter comments!

Stage Two: Getting To Know Each Other

There is this certain person na makakagaanan mo kaagad ng loob no? Pero diba it was never an assurance na hindi nila tayo sasaktan

---

(2 weeks later)

*Kriiiiiiiiingggg!!!*

Pagkalabas ni Cher ng pintuan ay agad nang nagsitayuan ang mga kaklase ko para makabili na ng pagkain for recess.

Kinuha ko ung bago kong biling libro para basahin. Anong page na nga ba ako? Ah. 17 palang.

"Alam mo Chin. Hindi maganda ang nagpapalipas ng gutom." 

Di ko na kailangan pang ibaba yung libro para tignan kung sino ung nagsalita. Alam ko naman kung sino yun eh. The only guy that could make my heart beat fast when he speaks my name. Yes, it's no other than Dale. 

Sa dalawang linggo na naging katabi ko siya, I felt something.. new for me.

Everytime he would give me attention, it would always make me happy. Pero pag nasa iba na ung attention niya.. pano ko ba ieexplain. Naiinis ako? Hindi eh. Ah! Nadidisappoint ako.

HIndi ako tanga. I know this signs. May gusto ako sa kanya.

Pero mahal? Hindi ko alam. I belong to the group of NBSB kaya di don't have any idea what love feels like, I don't even know what it feels like to have someone.

Madalas kasi naiintimidate sakin ang mga lalaki. Yung tipong "I'm greater than them" and it would hurt their ego. Ganun. 

Ah basta. All i know is I have a crush on him.

"Sanay na akong hindi magrecess eh." sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagbabasa. 

Alam mo feeling na kahit di mo tinitignan ang isang tao, alam mong nakatingin siya sayo? Call me assuming pero yun ung nararamdaman ko. Feeling ko nakatingin siya sakin.

Kaya naman minove ko ng kaunti ung libro ko para makita siya ng konti.

Pero kaagad ko ding binalik kasi nakita niya akong nakatingin sa kanya.

CONFIRMED! Nakatingin nga siya sakin.

I saw him smile before I turn my eyes on the book. HANOBANAMANYAAAAAN. How would i concentrate on reading my book when i know there is a dashing guy staring at me.

Imaginin mo nalang kung gaano ako nagpipigil ng kilig while reading a book.

"Alam mo, i won't tolerate this." he sudeenly  said.

"Tolerate wha-"

I was about to ask him kung ano hindi niya dapat itolerate ng bigla siya tumayo at hinawakan ako sa kamay.

*Lub Dub. Lub Dub.*

Dati rati kapag nagbabasa ako ng mga romance novels natatawa nalang ako sa kakornihan nila. Yung tipong may kuryente daw na nararamdaman ang mga bida. Ano yun? Nagkaplug sila? Saksakan ng kuryente?

But when Dale's hand touch mine... i felt the sparks. Oo na. Kinakain ko na ng mga sinabi ko dati. Korny na din ako. Eh kasi naman. When he touched my hand, parang.. boom! Sparks. Ganun. I don't know how to describe this feeling. Pero sana naintindihan niyo.

"Chin? Are you ok?" he worriedly ask while tightening his holb on me.

"A-ah. O-oo." nahihiya kong sagot.

Mutual Understanding.जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें