"Wag ka nang malungkot, may goodnews ako sayo" at hinawakan nya ang kamay ko.

Hindi na ako nabigla, normal lang naman samin ito e... Kababata ko sya kaya komportable ako sa kanya... Minsan ko na rin syang nakasama sa pagtulog nung mga bata palang kami.!...

"Ano yun?" Excited kong tanong dito.

"Kukuhanin ka ni Mom If you want lang naman! Sa Canada tayo magaaral and after that tayo ang mag mamanage ng Company dun" masaya nyang balita!. Masaya ako dahil makakarating ako ng ibang bansa at makakasama ko sya sa pag aaral!. Pero may bandang malungkot din sakin dahil malalayo ako kay Jerome!. Hindi ko na sya makikita...

"Hindi naman kita minamadali! Pagisipan mong mabuti" dugtong pa nito.

"Sige pag iisipan ko Dek" Pilit ko syang nginitian.. " Anong gagawin mo dito ngayon sa Pinas?" Dugtong ko pa sa kanya.. kinuha nya ang supot sa may Front Seat at kaagad na inabot sakin.

"Mag aaral ka dito?" Gulat kong tanong sa kanya ng makita ang uniform nya.

Masaya itong tumango ngunit nawala ang saya nya ng sinabing hindi kami magkaklase.

"Ano ka ba?! Magkikita naman tayo e!" At bahagya ko syang hinampas sa braso.

"Syempre hatid sundo kita ngayon" at pinisil nya ang aking ilong..

Sinamaan ko lang sya ng tingin at bumalik na ng tingin sa labas...

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school..

"Punta lang ako sa Cr" pagpapaalam nya.

Tumango lang ako  at bahagya nya pang ginulo ang buhok ko sabay tawa ng malakas.

Papasok na sana ako sa aking silid ng may humila sa aking dalawang lalaki na hindi ko kilala...

"Bitawan nyo ko" sigaw ko sa mga ito dahilan para mapatingin ang ibang estudyante sa paligid namin.

"Wag kang maingay, malilintikan kami kay Boss e" at diniin nya pa ang hawak saking mga braso.

May tinakip silang panyo sakin at nahilo ako, naramdaman ko nalang na binuhat na nila ako....

Nang magising ako ay nakita ko ang dalawang lalaki sa aking harapan! Napansin ko din na nasa Locker kami ng mga lalaki...

"Jerome gising na" nabigla naman ako sa sinabi nyang pangalan! Si Jerome? Ihhhh...

Pumunta ito sa harapan ko at marahas na hinawakan ang aking dalawang braso tsaka niyugyog...

"Diba sinabi ko sayo na akin ka lang?! Sinabi ko na walang pwedeng humawak sayo kahit sinong lalaki! At talagang sa harapan ko pa" galit na sambit nito.! Nangilabot naman ako ng bigla syang nagtiim bagang at tsaka hinawakan ang aking panga.

"Je----Jeromee nasa--saktan akoo" impit na daing ko dahil sa higpit ng hawak nya sa aking Panga.

"Talagang masasaktan ka pag hindi ka lumayo sa mga lalaki.! Tandaan mo Dani ako ang nakakuha!" Naguguluhan ako sa nagiging reaksyon nya ngayon.! Parang lumevel up ata kademonyohan ng lalaking ito..

"Nicaaaa" malakas na tawag ni Jake sa likudan ni Jerome na naka jersey at pawisan! Halatang kagagaling lang sa training.

Hinawi nya ang braso ni Jerome at tsaka ako ikinulong sa kanyang mga bisig.! Humagulhol ako dahil sa takot..

"Kuya! What's Happening to you?" Takang tanong nito.

Nginisian lang nya kami sabay alis kasama ang dalawang alipores sinanggi nya pa si Jake...

"Ayos Ka lang ba Nic? Nasaktan ka ba?" Nag aalala nyang tanong.

Wala sa sarili akong umiling dito at tumakbo palabas ng Lockerr.!! Tinawag nya pa ako habang tumatakbo ngunit hindi ko sya nilingon.! Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko at napasalampak ako sa sahig ng may mabangga ako...

"NICA! Are you ok?" Nag aalalang tanong nito ng makilala ko kung sino sya ay mabilis ko syang niyakap...

"What's Wrong?"tanong pa nya ngunit nanatili lang akong tahimik habang naka subsob sa kanyang mga dibdib...

"Nica?" Tanong nya ulit.

"Wala dek ayos lang ako" at kumalas sa pag kakayakap sa kanya..

"Napano ito?" At piniling nya ang aking mukha...

"Nabangga kasi ako kanina dun sa may Court" ng makita kong hindi sya kuntento sa sagot ko ay iniba ko ang usapan. "Bagay sayo ang uniform" at pilit na tumawa.

"Halika na nga" hinila ko na sya dahil bakas sa mukha nya ang naguguluhan...

Inintay nya muna akong makapasok at nang makaupo na ako ay pumasok na sya sa katabing silid.. Kita ko ang pagpasok ng humahangos na si Jake at ng makita nya ako ay sinamaan nya ako ng tingin...

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Where stories live. Discover now