CHAPTER 1
Kendrick P.O.V
"Hoy, kanina ka pa tulala diyan! Si Gelo na naman iniisip mo, no? Ayieee!" panunukso ni Sheena, sabay kurot sa tagiliran ko. Napaatras ako sa gulat at hindi ko maiwasang mapangiti kahit may kirot pa ang pisngi ko.
"Hindi ah! Iniisip ko lang kung bakit ang panget mo," sagot ko na may halong inis at pag-iwas—kahit ang totoo, si Gelo pa rin ang nasa isip ko.
"Grabe ka, hindi na kita bati!" dramang sagot niya, kunwaring na-offend, sabay pout na parang batang nawalan ng kendi. Napatawa na lang ako—ganun talaga si Sheena, mababaw pero laging nandyan.
Habang masaya kaming nagkukwentuhan, biglang pumasok si Gelo sa cafeteria. Parang huminto ang oras. Sabay-sabay ang kilig screams ng mga babae at bading, parang artista ang pumasok. Gwapo kasi, varsity player pa, at model ng school.
"Bess... laway mo oh," bulong ni Sheena, sinamahan pa ng isang mapang-asar na siko sa tagiliran.
"Ang gwapo niya talaga... at ang hot..." bulong ko, nakangiti habang pinagmamasdan siyang dumarating. Di naman niya ako pinapansin—okey na ako sa tingin mula sa malayo. Pero tumingin siya. Diretso sa amin. At ngumiti.
Parang may sumabog na confetti sa dibdib ko.
"KYAAAA!" tili ni Sheena. "Nginitian ako ni fafa Gelo! Am gonna die!"
"Excuse me, ako ang nginitian niya!" asar kong sagot, kahit kinakabahan din. Pero pinutol 'yon ng turo niya kay Athena—ang campus crush din. "Ayon o, siya ang tinignan."
Sabay tahimik kaming dalawa, sumuko na lang sa sad truth. Tinuloy namin ang pagkain.
Pagkatapos naming kumain, lumabas kami ng cafeteria. Habang nagbabasa ako ng text mula kay Papa, bigla akong napatili nang may mabangga ako sa hallway.
"Aray!" sambit ko, hawak ang balakang habang nakaupo sa sahig. Nilingon ko kung sino ang binangga ko—at nanlaki ang mata ko.
Si Gelo.
Nakasimangot siya, mukhang hindi natuwa sa nangyari.
"S-sorry, di ko po sinasadya..." mahina kong sabi.
"Hay naku, baklang TANGA na nga, lampa pa!" sigaw niya, at naramdaman kong dumilim ang paligid sa mga titig ng mga tao sa hallway. "Lampa. Ganyan ba talaga kayo—papansin tapos magso-sorry lang?" Napahiya ako.
Tinulungan ako ni Sheena. Tumitig ako kay Gelo. Kung dati ang kilig ko'y puro saya, ngayon may halong sama ng loob.
Tangina. Akala ko ka-kilig ka. Pero ang sama pala ng ugali mo.
Habang naglalakad kami palayo, nagrereklamo si Sheena. "Hoy, parang baliw ka na... kausap mo sarili mo."
"Mas baliw ka. Ako na nga 'tong na-disgrasyado, ako pa rin sira ulo?" sabay tawa ako at tumakbo—dahil alam kong hahabulin ako ng beshie kong baliw.
GELO'S P.O.V.
Takte. Hindi pa nagsisimula 'yung araw ko, gulo na agad.
Habang naglalakad ako sa hallway, may biglang sumalpok sa dibdib ko. Napaupo pa siya. Pagtingin ko—boom. 'Yung baklang nakita ko kanina sa cafeteria.
"Aray..." reklamo niya, habang hawak ang balakang niya. Parang kawawang kuting na basang-sisiw.
Seriously?
"Hay naku, baklang TANGA na nga, lampa pa!" simula ko, kita kong napatigil siya agad. "Lampa. Ganyan ba talaga kayo—papansin tapos magso-sorry lang?"
Napatingin ito sakin ng masama. Abah lalaban ka sakin. At naglakad sila palayo kasama ang babaeng tumulong sa kanya.
Kaya nag simula na din akong malakad papunta sa kung saan kami nakatambay ng mga kaibigan ko, na nakasimangot.
Bwisit talaga 'yung baklang 'yon—sinira niya buong araw ko. Simula noon, naiinis na talaga ako sa mga bakla. Ang lalandi, puro burat lang ang habol, at mukhang pera pa. Hindi naman ako galit dati, pero simula nang mangyari 'yung insidente sa dance sport—doon nagsimula ang lahat. 'Yung trainer namin, hayop. Simula nun, tingin ko pare-pareho lang sila.
"Bro, bakit ganyan 'yung mukha mo? Parang hindi maipinta," tanong ni TJ pagkapasok niya sa tambayan namin sa likod ng campus.
"Hulaan ko... may nakasalubong ka na namang bakla, no?" hirit naman ni Mike.
"Kaya pala ganyan 'yung mukha mo—lukot nanaman," dagdag pa ni TJ.
Alam na nila ang kwento. Nandoon sila nang hipuan ako ng trainer namin. Sila pa nga ang umawat sa akin noong muntik ko nang bugbugin 'yung hayop na 'yon.
"Pwede ba, tumahimik muna kayo? Ayoko nang makarinig ng kahit anong tungkol sa mga bakla. Ang sakit sa tenga. Lalo lang kumukulo dugo ko," sagot ko sa kanila habang nakakunot ang noo.
"Mike, may nakita ako kanina sa cafeteria—magandang bakla. Ang sarap tirahin," sabay sabi ni TJ at dinilaan pa 'yung labi niya.
"Weh? Totoo pre? Sige, mamaya puntahan natin," sagot ni Mike na agad nakisakay.
Kita mo 'tong dalawang 'to? Hindi pa rin nagbabago. Hilig pa rin mang-trip ng mga bakla.
Habang naglalakad ako sa hallway ng Education Department, nakita ko na naman 'yung baklang bumangga sa akin kanina. Tumatawa pa habang tumatakbo. Dire-diretso lang siya—siguro hindi niya ako napansin.
YOU ARE READING
Evil Boyfriend (MPREG STORY) [UNDER MAJOR REVISION]
RomanceThey says you only fall in love once, but that's not true because every time I see you, I fall in love all over again.
![Evil Boyfriend (MPREG STORY) [UNDER MAJOR REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/201486482-64-k836542.jpg)