chapter 1

6 2 0
                                        

Ako ay nasa sasakyan at papunta kame sa school kung saan doon ako mag-aaral kakarating ko lang dito sa pilipinas dahil galing akong america at kausap ko ang ang driver na si mang ernesto

"Oh, ano excited ka naba sa bagong school na papasukan mo" sabi niya habang nagmamaneho

"Opo" ang sabi ko naman habang may ngiti sa labi

After 1234567890 year, nakarating na kami

"Oh nandito na tayo, susunduin na lang kita mamaya magpapakabait ka ah" sabi nito

At ako naman ay bumaba sa sasakyan

"Ingat ka po mang ernesto" sabi ko habang kumakaway

Bago ako dito sa school nato kaya di ko alam kung ano ang pasikut-sikot dito, kaya hinanap ko na lang ang aking section. Habang ako'y naglalakad nadaanan ko ang isang library hindi pa naman nagsisimula ang klase kaya naisipan kong pumasok muna, kumuha ako ng libro at umupo ako sa upuan at ipinatong ko sa table ang libro at magsimulang magbasa, maya maya pa may lumapit sa aking tatlong studyante

"Pwede kaming maki-share" sabi nito na parang nagmamakaawa

"Sure" sabi ko naman habang nakangiti

Sabay sabay silang umupo,yung isa sa katabi ko at yung dalawa naman umupo sa harap namen

"Ako nga pala si jona" sabi nito habang nakangiti

"Ako pala si thea" sabi naman nung katabi ni jona

"Ako naman si ransom" sabi naman nung isang lalaki na katabi ko

"Ako si lisa" sabi ko naman at isa isa ko sila kinamayan

"Bago ka dito" sabi ni thea

"Ah,oo" sabi ko naman ng may konting hiya

"Kanina ko pa nahahalata kanina pa nakatingin sayo si edison" sabi ni jona

Pagkasabi niya non tinignan ko ang aking likuran at parang umiwas ng tingin siya

"Oo nga" sabi ni thea

Ringgggggg!

"Tara na" sabi ni jona

"Sana classmate ka namin para may kakilala ka" sabi ni ransom habang hawak ang aking kamay

"Baka naman pwede na tayong umalis at baka mahuli pa tayo" sabi ni jona

"Sana nga classmate ko kayo para may kakilala ako" sabi ko naman na bumitaw  sa pagkakahawak ni ransom

"Bye!" Sabay sabay naming sabi habang kumakaway

hindi ko pa nahahanap ang classroom ko kaya hinahanap ko muna ito at nahanap ko na rin ito

Ok class may bago kayong kaklase sabi ng teacher na si mrs. Cruz ay ako'y kanyang pinapasok sa loob upang magpakilala

"Hello ako nga pala si lisa matguzman" sabi ko sa mga bago kong classmate

"Oh, sinong gustong magtanong kay lisa at sasagutin niya" sabi ni mrs. Cruz sa kanyang mga istubyante

"Oh, sarah" sabi ni mrs. Cruz at itinuro ang isang istudyante

"Saan ka dati nagaaral?" tanong ni sarah daw

"sa america" ang sagot ko naman sa kanyang tanong

"Ok, salamat sarah sino pa ang gustong magtanong kay lisa" sabi ni mrs. Cruz

"Ok, edison" sabi ni mrs. Cruz at itinuro yung si edison

"May boyfriend ka na ba?" sabi ni edison na parang kinikilig

May Happy Ending Kaya Tayo Sa Huli?Stories to obsess over. Discover now