Chapter Three: The boy who . . . will wait for me.

92 5 20
                                    

>Bianca’s POV<

                Days have passed. Ang bilis ng story no? Lagi nalang,” ilang araw na ang nakakalipas”. Eh kasi naman boring ang kwento ng buhay ko. Kung ikukuwento ko, mabobore lang kayo. Andito ako ngayon sa cafeteria kasama si Aiana. Ilang araw narin nya ako sinasamahan sa lunch. :)

“Talaga Bianca? Ginawa ni Blue yun? Hahahaha, hanep talaga yung lalaking yon! Hahaha”

“Hay naku Aiana, kinabahan talaga ako nun, akala ko kung ano na ang gagawin nya >.<” Heto at kinukuwento ko kay Aiana yung nangyari samin ni Blue nung isang araw. Ang kulit nya kasi eh, lagi nya akong kinukulit kung ano ba talaga ang nangyari at magkasama kaming nalate =.=”

“Hay naku, teka, oo nga pala Bianca! Sasama ka ba mamaya?”

“Ha? Saan? Anong meron?”

“Ano? Hindi mo talaga alam?”

“Ha? Hindi, tatanungin ko ba kung alam ko.” Eh ano ba talaga yun? (?_?\)

“Studyante ka ba talaga ng Merchiston University?? May laban sila Blue at Gian ng football mamaya”

L….o….a…d…i…n…g…

“Ha? Football?” Napafacepalm naman si Aiana sa sinabi ko. Bakit? Eh sa hindi ko talaga alam eh.

“Hay naku Bianca! Di mo ba binabasa yung mga posters sa announcement board?? May football tournament po tayo ngayon. Oh ano, sasama ka ba?”

=.=” sorry naman, di ko talaga binabase yung announcement board, kadalasan kasi ang mga nakadikit dun mga party party =.=”

“Ano, wag nalang Aiana. Hindi ko naman kasi hilig yan eh.”

“Ay naku Bianca! Di ako papaya na wala ka dun! Sumama ka na dali! First time kong magkaroon ng best friend na babae tas di pa ako sasamahan *pout*” Ay, nagpacute pa ang Aiana. =.=” Bagay naman sa kanya hahaha ^___^

Sasama kaya ako?? Isip..

Isip…

Isip…

“haist, sige na nga Aiana. Anong oras ba yan?”

“Talaga? Sasama ka? Yehey!! Mamayang 5:00pm ang simula ng tournament. Hintayin nalang kita sa labas ng room ha! Text ko na sina Gian at Blue na sasama ka. Thank you Bianca!!”

“Sige, pero teka diba 5:00pm ang simula ng tournament? Eh pano yan, anong oras ba ng awas natin?”

“Ay naku, halata talagang di ka nagbabasa ng announcement board =.=”

“Eh kasi naman, puro party party dun, tinitingnan ko lang yun pag ranking ng honors =.=”

“Hay naku, Half-day lang po tayo ngayon, actually ngayong lunch awasan na. Kaya pagkatapos ng pagkain natin umuwi ka na at magpahinga, mamayang 5:00 ah!”

“Sige na.”

“Thank you talaga Bianca!! Sige uwi na ako! Magiipon pa akong energy para pangcheer ko kay Gian mamaya. Bye!!” Tapos tumakbo na sya palabas ng cafeteria. Hay naku, di naman sya excited =.=”

Pano ba nya ako napapayag?? Ewan, makauwi na nga =.=”

---

“Oh anak, bakit ang aga mo umuwi?” sabi sakin ni Papa. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

The Boy Who... [ I wanted to hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon