Coffee Confessions #1

7 0 0
                                        

Tara, pag-usapan natin lahat ng bagay na hindi natin masabi kahit kanino habang ninanamnam ang sarap at init ng kape

Kamusta ka na nga ba? Isang simpleng tanong ko sayo. Pero hindi ako tatanggap ng sagot na okay lang o ayus lang, dahil gasgas na yan.

Magsisinungaling pa ba tayo dito? Siguro nga okay ka lang pero bakit ganun? Parang hindi sapat yung salitang okay lang, bakit parang hindi tama gamitin ang mga salitang yun eh talaga namang okay ka? O okay nga ba ikaw?

Gusto mong sabihin dun sa taong nagtanong sayo na hindi ka naman talaga okay na malayo ka sa pagiging okay, gusto mong mag open kasi kaibigan mo naman sya, pero bakit ganun? Parang ang hirap baka hindi nya maintindihan bakit parang ang sarap sarilinin na lamang?

Higupin muna natin ang ating mga kapeng lumalamig na...

In times na gusto mong magdrama, laging ang sarap umupo sa isang tabi at humigop ng kape habang nag ooverthink. Pinapatay ang sarili ng paunti unti dahil sa labis na pag-iisip, nagbabakasakaling makatakas sa rehas ng kalungkutan.

Ang sarap sigurong na may taong laging andyan para sayo no? yung tipong kahit hindi ka magsalita alam nila yung talagang nararamdaman mo at HINDI LANG YUN, yung taong tatanggapin lahat ng meron sayo, all your flaws, twisted mind lahat lahat na ng imperfection mo Nakita na nya pero kahit ganun, tanggap ka pa rin nya ang sarap ng ganun diba? Sige humigop ka ulit ng kape

Paubos na yung sakin pero hindi pa rin tayo tapos pagusapan lahat ng kadramahan natin sa buhay.

Minsan bigla na lang trip ng tear ducts mon a magbuhas ng napakaraming luha, trip ng tenga mo makinig ng sad songs habang nag iisa sa kwarto mo, let me tell you something...sinasaktan mo lang sarili mo, binibigyan mo ng layang pumasok sa Sistema mo yung bagay na nagkukulong sa isang bagay na ina-asam mo. Ang iyong kasiyahan.

And speaking of kasiyahan, kumusta ang kape mo? Di ba ang sayang pag usapan to over a cup of coffee?

Ano nga ba ang purpose ko dito? It is because I am feeling the same, and I am hoping to put a smile on your face the way I want it on my face also, kahit bakit hindi na lang tayo masaya habang buhay diba? Bakit malungkot tayo.

Enough of this, tuluyan nang naubos ang kape ko. Panahon na siguro para wakasan ko na ang usapang ito for now,

Maybe hindi nito napawi ang kalungkutan mo siguro dahil wala naman talagang remover para sa lungkot.

Gusto ko lang ng may kasamang magkape ngayon...

sa uulitin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Coffee ConfessionsWhere stories live. Discover now