♠Chapter 1♠

3 2 0
                                    

Marami ng mga estudyante na naglalabasan na sa kanilang mga dormitoryo.

Dahil malapit ng magsimula ang kanilang mga klase.Ang mga estudyante dito ay hindi ordinaryong estudyante lamang. Sila ay mga anak ng mga sindikato o mafias. Lahat ng pumapasok rito ay pinoproteksiyonan ng may-ari na isa rin sa mga kinatatakutang mafia sa buong mundo.

Malayang nagagawa ng bawat estudyante ang kanilang mga gusto sa paaralang ito.

*****

Sa di kalayuan may isang babaeng nakatayo sa harap ng gate ng nasabing paaralan. Nakasuot rin ito ng katulad ng mga estudyanteng nag-aaral sa paaralang iyon.

Nagsimula siyang lumakad papalapit at nang bubuksan na niya sana ay biglang may nagsalita sa kaniyang likuran.

"Don't block my way." Boses na puno ng otoridad kung pakikinggan.Nilingon niya ito.

Nakatayo roon ang isang lalaki na nakasuot rin ng unipormeng katulad ng tatak ng kaniya. Pasimple niyang tingnan mula ulo hanggang paa ang lalaki.

Maputi ito at may matangos na ilong. Mapupula rin ang labi nito. Nang madako sa mata ng lalaki ang kaniyang titig ay masasabi niyang wala ni katiting na emosyon ang makikita rito.

"Quit staring. Just get out of mf fucking way!."Inis na saad ng lalaki. Dahil naiinis na ito sa paninitig ng babaeng nasa kanyang harapan.

Binigyang daan ng babae ang lalaki.

Nang makaalis ang lalaki ay agad naring pumasok ang babae.

****

Samantala, sa gym arena ng eskwelahan ay maraming nagtipon-tipong mga estudyante ang naroroon para makita kung papaano pahirapan ng limang babae ang isang babae. Halos hindi na makagalaw ang babae dahil sa natamong bugbog sa kaniyang katawan.

Pinagtatawanan siya ng mga manonood. Wala siyang magawa dahil isa lamng siyang mababang klase sa madaling salita weak.

"Iyan ang nababagay sa iyo. Pasalamat ka nga hindi ka pa namin pinatay, ha!."Mapanuyang sabi ng babaeng may maikli ang buhok. Kaya nagsimula na naman silang pagtawanan ang kawawang babae

Sa dikalayuan nakamasid ang babaeng kanina ay nasa harap ng  gate ng eskwelahan. Tinitingnan kung ano ang susunod na gagawin ng mga estudyante.

Napansin ng babaeng bugbog sarado na may nakamsid sa kaniya, kaya tiningnan niya ito.

Nang makita niya iyon ay mababakas sa kaniya ang pagkagulat. Ang babaeng nakamasid sa kaniya ay ngayoy wala ng mababasang ni kahit ano sa kaniyang mukha. Lalong lalo na ang mata nito na animo'y malainosenteng kulay abo, ngunit parang kaya ka nitong gawing abo sa kahit anumang oras.

Kahit may salamin o nerd glasses ang babaeng nakatitig sa kaniya ay hindi parin niya makakaligtaan ang mg matang iyon.

Ilang sandali lang ay umalis na ang babaeng nakamasid at pumunta sa kaniyang silid-aralan.

Kahit may iniindang sakit ay hindi maiwasang ngumiti ng babaeng nabugbog dahil sa muli niyang nakita ang kaninang babae. Para sa kaniya ay isa na itong malaking karangalan na tiningnan siya nito.

Hindi nakatakas sa paningin ng lalaking nakamasid rin ang pagngiti ng babaeng binubugbog. Siya ang lalaking nakasalubong ng babae kanina sa gate.

*****

Matapos ang eksena sa gym arena ay nagsipasok na ang mga estudyante na animo'y walang nangyaring gulo kanina.

Sa isang classroom ay nagsisimula na ang kanilang klase. Nang biglang pumasok ang tatlo sa pinakasikat na estudyante.

Ito ay ang pinakamalalakas sa buong campus.

" Nandito na sila."Bulong ng isang estudyante.

"Umupo na kayo Mr. Clark, Ms. Mia at Mr. Theo." Yumukod pa ito sa huli.

Ng umupo na ang mga ito ay magsisimula na dapat ang klase nang muling may pumasok ang isang babae. Nakayuko ito na parang inaantok.

"Who are you?." Mataray na sabi ng guro na kanina ay parang maamong tupa ngunit nagayon ay matapang na.

Hindi nagsalita ang babae at ibinigay nalang ang hawak nitong envelope na nagsasaad na isa siyang transferee.

Tumaas ang kilay ng guro ng mabasa ang nilalaman nito.

Profiles:

Name:
Snowace Madrigal

Age:
17

Gender:
Female

Mother:
Unknown

Father:
Unknown

Guadian:
Mr. Shawn Nicoles

Previews School:
Home school

Status:
Scholar

Tuluyang kumunot at noo ng guro dahil sa nalamang scholar ang bago niyang estudyante.
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Sa isip ng guro ay hindi magtatagal ay aalis rin ang babae dahil sa itsura palamang nito ay isa itong mahinang klase. Pero ang ipinagtataka nito ay papaano nakapasok ang isang nerd na katulad ng babae at scholar pa. Ngayon palang siya nakakita ng estudyanteng pinagbigyan ng kanilang paaralan na maging scholar ang babae.

"Introduce yourself."Utos ng guro. Ilang bulong-bulungan ang pumuno sa buong klase. Inilibot ng babae ang kaniyang paningin sa unang pagakakataon ay hindi na ito nakayuko.

Mas lalong nag-ingay ang klase dahil sa nalamang nerd ang babae.

Sa may bandang dulo doon nakaupo ang tatlong pinakamalalakas na estudyante. Ang lalaki sa may bandang gitna ay nagngangalang Clark Thompson, ang babae naman sa kaniyang kanan ay si Mia Hinland, at ang lalaking nasa may gilid ng bintana ay si Theo Gray Silvans. Siya ang top1 sa pagiging malakas. Ang pamilya nila ay nabibilang sa mga Mafia, hindi lang bilang miyembro dahil sila mismo ang namumuno sa kanilang clan. Siya ang susunod na magiging tagapagmana nito.

Hindi pinansin ni Snowace ang mga bulong-bulungan. Hindi narin siya nagpakilala dahil ang ayaw niya sa lahat ay ang magsalita kung hindi naman mahalagang bagay.

"I said introduce yourself!, you stupid brat!, tandaan mo your just an scholar!." Galit na wika nito. Pero hindi na pinansin ng babae ang sinabi ng guro.

Kaklase niya rin ang babaeng nabugbog kanina. Siya ay si Therese Montero. Tahimik siyang nagmamasid sa gagawin ni Snowace. At masaya rin siyang makaklase si Snowace.

Naupo si Snowace sa pinakadulong upuan at doon ay yumuko siya. Hindi dahil natatamaan siya sa mga maaanghang na salitang binabato sa kanya o iiyak siya. Dahil yumuko siya dahil sa wala pa siyang tulog at inaantok na siya. Masama pa namang puyat siya dahil baka kung ano pang magawa niya.

*****

Sa cafeteria nakaupo sa pinakadulong upuan nakaupo si Snow. Hindi pinapansin ang mga mapanghusgang mga titig sa kaniyang paligid. Nagbabasa siya habang kumakain ng kaniyang binili kanina.

Dumating bigla si Therese at may dalang tray. "Ahmm, p-pwede ba akong m-makiupo dito?." Nag-aalinlangang tanong nito sa nakaupong dalaga.

Tumango lamang ito sa huli. Nang hindi tumitingin sa kausap dahil busy ito sa kaniyang pagbabasa at pagsubo, kumbaga busy ito sa pagmu-multi-tasking.

Tahimik lamang silang kumakain  at hindi pinapansin ang ingay sa paligid ng magsalita ng mulo si Therese.

"AC namiss kita." Nahihiyang pahayag niya. Saglit na huminto sa pagbabasa ang babae at tiningnan ang kausap. Bahagya itong tumango senyales na ganoon rin ang kaniyang nararamdaman.

Maluha luha naman si Therese sa narinig. Matagal na simula ng huli silang magkitang muli. Simula ng mga bata ay iniidolo na ni Therese si Snow. Sumumpa siyang poprotektahan niya ang kaniyang kaibigan.

Dahil isa sila sa mga magiging sandata upang makuha ang inaasam na kapayapaan at gagawin nila ang lahat maprotektahan lamang ang kanilang susi upang makamit ito..........

******

Vote

And

Comment

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ace CardWhere stories live. Discover now