❤so near yet so Far❤

198 26 1
                                    


ERROL'S POV.

"sino kayo??? You stay away from me! I dont know you all!"

Nagulantang kaming lahat sa sinabi ni Jhella, ngayon lang sya ulit nagising pagkatapos nyang magwala kahapon. Tatlong din syang under coma.. Great relief na sana na gumising na sya pero may mas malaking problema.

" Ms. Sales, hindi mo ba sila nakikilala? Siya ang papa mo, at sila ang mga kaibigan mo" sinubukang syang hawakan ni Dok, pero lumayo sya agad. Takot na takot sya, punong puno ng pagtataka yong expression ng mukha niya.

"Ms. Sales, anong first name mo? Natatandaan mo ba?"

"Hindi, nasaan ako? Sino kayo!?" Nagsimula na naman syang magwala at magsisisigaw. Lumapit sa kanya yong dalawang nurses at tinurukan na naman sya ng pampakalma. Naawa ako sa kanya.. habang nakikita kong unti-unting pumipikit yong mata niya. Hindi ko maiwasang maluha. Bakit kailangan pagdaanan ni Jhella yong ganito kabibigat na pagsubok. Masyado syang mabait para danasin to.

"Matindi ang naging epekto sa kanya ng aksidente Mr.Sales mukhang napuruhan ang bahagi ng utak niya kung saan responsable ang memory . Dahil don kaya wala syang maalala. I'll do some tests to know kung anong klase ng memory loss ang nangyare sa kanya.."

"Dok, anong gagawin namin?"

"Karaniwan sa may mga ganitong kaso e bumabalik ang alala kapag nakakita sila ng mga tao o bagay o lugar na mahalaga sa kanila. Kwentuhan niyo lang sya.. malaking tulong iyon para sa kanya.Excuse me"

Mahalagang bagay o tao? Napatingin ako sa pwesto ni Brian.. nakatingin sya kay Dok. Kung wala ng maalala si Jhella,, ibig sabihin, hindi rin niya naaalala si Brian.

Sinenyasan ko sya na lumabas.

******

"Kalokohan! hindi ako papayag Errol. Malaking kalokohan yang naiisip mo! Ipagdadamot mo sa kanya ang nakaraan niya!"

"Bakit Brian? Tingin mo ba gugustuhin ni Jhella na maalala ka pa? Di ko ba naisip na baka kaya nangyayari to e para na din pagaanin ung hirap na nararamdaman niya ng dahil sa kagaguhan mo!? Tingin mo ba nanaisin pa niyang balikan ung araw na un! Oo maaaring nasaktan sia physically, madurog man ung bungo niya dun alam mo sigurdo ako mas gugustuhin pa niya un kesa maaalala ung mga sakit na pinaranas mo. Dahil balewala ung physical pain eh! Paulit ulit mo syang pinatay Brian! Paulit ulit mong dinurog at winasak ang puso niya nong araw na nakita niyang nakikipag sex ka na boyfriend niya sa babaeng kinamumuhian niya buong buhay niya!" Wala na kong pakialam kung nakakakuha na ako ng atensyon. Sa lakas ng boses ko at sa haba ng sinabi ko hiningal tuloy ako.

Crazy LOve(TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon