❤Just Do It❤

153 22 1
                                    

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong ang masuyong pagdampi ng labi ni Brian sa pisngi ko.

"Bakit dyan ka natulog baby? Pasyensya na kagabi ha."

Natulog ako na nakaupo sa sahig pero ang ulo ko ay nakapatong sa kama ko.

Si Brian ang nakahiga.

Kasi naman..

Pagkatapos ng halik na un.

That sweet precious first kiss that we had.

E bigla ba namang hinimitay ang mokong.

Akala ko tuloy bad breath ako.

Un pala inaapoy na ng lagnat.

Hindi ko agad napansin na mainit sya dahil sa takot ko o sa kaba ko.

Kahit walang ilaw ay naglakas loob akong pumunta sa kusina.para makuha ang gamot at bimpo.

Kinailangan kong labanan ang sarili kong takot para kai Brian.

Only to find out na may ilaw na pala sa sala.

Sa kwarto wala kasi hindi ko napindot ung switch.

Kaya ayon.

Buti na lang dahil naasikaso ko ng maayos si Brian.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko, nag aalala talaga ko.

"Eto mahal na mahal ka pa rin" sabi niya sabay ngiti.. bago ko pa napigilan e naramdaman ko na ang pag form ng labi ko ng isang matamis na ngiti.

Hinampas ko sya.

"Puro ka talaga kalokohan!" Sabi kong natatawa.

Mukhang nagulat sya sa ginawa ko.

Oo. Katumbas ng pag ngiti ko sa kanya ay ang pagpapatawad at muling pag tanggap

Naisip ko kasi pagkatapos ng halik niya sakin kagabi e pinahihirapan ko lang ang sarili ko ..

Sinasayang ko lang ang mga panahon na dapat masaya na kami kung uunahin kong magtampo at magalit.

Eto na nga sya diba.

Bumalik na sya.

Na tanging dasal ko noon pa.

Bakit pa ko magpapakipot?

E dun din naman ang punta.

"Iloveyou Brian" bulong ko sa kanya. Then he pulled me into a tight hug.

"Iloveyou so much more baby" bulong niya at hinalikan niya ang noo ko. "Thank you for giving me another chance. I promise, I'll never hurt you again. "

"Don't promise me anything Baby" bulong ko din sa kanya.. tumingin ako ng deretso sa mata niya. " just do it" I said then smile.

****Read•VOTE•COMMENT•SHARE****

@chocoaddict:)

follow me on:

facebook account:

https://www.facebook.com/CHOCOaddict12

Twitter account:

https://twitter.com/chocoaddict1122

Instagram:
CHOCO_ADDICT12

Love and Kisses :)

ⓒAll rights reserved ⓒ

Crazy LOve(TAGALOG)Where stories live. Discover now