His Attachment

56 9 0
                                        



Friendly Reminders..

THIS IS A WORK OF FICTION, names, characters, events, places, and incidents are only a product of the author's imagination. Any resemblance to actual events, locales, organizations, or persons, living or deceased is entirely COINCIDENTAL ..

PLAGIARISM is a serious offense punishable by LAW..

This story is still on the process of editing. Sorry for grammatical faults and wrong spelling. Hope you enjoy the story 😉..

•••

Sa mga nababasa kong nobela sa iba't ibang klase ng libro ay palaging nagkakatuluyan ang secretary at ang kanyang boss.

Na dahil sa panahon ng kanilang pagsasama ay nahulog na ang kanilang loob sa isa't isa.

Meron ding Personal Assistant na hinire ng boss dahil type niya ito. Tsaka mahuhulog ang babae at magkakatuluyan sila ng lalaki.

Ngunit ibahin ninyo ang takbo ng storya ko.

Halos walong taon na kaming nagsasama ng boss ko at kahit konting pansin at pagkagusto ay hindi namin naranasan.

22 years old na ako siya naman ay 24 nagkakilala kami noon pa noong nag aaral pa ako ng Highschool ..

Second year highschool ako at siya naman ay Fourth year Highschool.

Sa totoo niyan ay mahirap lang talaga ako at nag iisa sa buhay kaya kailangan kong magsumikap para may marating naman ako sa buhay.

Nagworking student ako..

Halos lahat ng trabaho ay napasukan ko na, maliban nalang sa mga trabahong nakakawala ng dignidad.

Oo aaminin kong nang magsimula akong magtrabaho para maging alalay niya ay hindi ko maitangging naggwagwapuhan ako sa kanya. Pero nawala ito dahil sa matinding ugali niya. Ako lang siguro ang taong nagtagal sa tabi niya kaya sa kasalukuyan ay Personal Assistant na niya ako. Ang may pinakamataas na posisyon sa mga trabahante niya.

Dahil na rin na Gwapo siya at usapin sa pinapasukan kong paaralan ay naging popular na rin ako.

Pero sa kasamaang palad popular ako bilang ...

Linta, Malandi, Gold digger, Hampaslupa at kung anu anu pang sinasabi nila. Pero tiniis ko iyon dahil si Boss ang nagsagot sa tuition ko.

Boss ang tawag ko sa kanya. Hindi ko ito gusto dahil parang lalaki akong pakinggan ngunit wala akong choice dahil iyon ang gusto niya.

Meet my Boss Ymmanuel Xyrus Krelin.. a Millionaire since birth

And I am just...

His Attachment

His AttachmentWhere stories live. Discover now