Highschool

1K 5 4
                                    

Ala sais na ng umaga, kelangan bumangon, dapat pala hindi na ako nagpuyat kakapanood ng VCD kagabi,

maganda kasi ang palabas,ang paborito kong pelikula Terminator 2.....Lunes nanaman pala, napakabilis ng araw, parang kailan lang nung biernes, nag gala kami sa mall, naglaro ng Counter Strike at tumambay sa bahay ng tropa...Haay.. nakakatamad pumasok....ang sarap matulog,..mabuti pa si bantay pwede pang matulog,

makaligo na nga.....ano kaya ang pagkain?

Sana ung paborito kong almusal, pandesal na may hotdog at itlog...sarap nun! Naku!

Nakalimutan ko! My project nga pala kami....ngayon na ang pasahan..kung bakit naman kasi di ko naalala..patay nanaman ako nito kay Miss Cruz....napakasungit, kaya siguro tumandang dalaga....matapos maligo at kumain, naghanda na ako sa pagpasok, ano ba yan! Traffic pa! late na nga ako....sigurado doble parusa ako nito kay

Miss Sungit....wala na nga akong project late pa ako..wag nalang kaya akong pumasok? Idadahilan ko may sakit ako...kaso..di ko makikita si Lorna......miss ko na siya... sayang naman....sige papasok ako.......

Badtrip talaga yang si Miss Sungit....pinatayo lahat ng walang project tapos pinakanta...nakakahiya!! Pumiyok pa ako....naku paano ba to?..tawa ng tawa si Lorna sakin.....minus pogi points tuloy....hay makakain na nga, nagugutom na ako..lunch break na.....

Matapos kumain, pumunta ako sa tambayan...

Pre, anong balita? Di ok tol, break na kami ni Shirley....O bakit naman? Napakaseloso ko daw kasi....kahit pinsan pinagseselosan ko...eh close pa naman yun sa mga pinsan nya....

Ikaw naman pala ang may kasalanan eh...Oo nga tol...eto nga ginagawan ko ng paraan...

Dapat lang, sayang naman si Shirley, mabait na maganda pa..ikaw din, ang daming gustong manligaw dun....Wag mo namang sabihin yan pare...lalo tuloy ako na depressed....

Di naman sa ganon, nagpapaalala lang,..sige salamat tol, nga pala, kamusta kayo ni Lorna.....Kami? ayos naman, kaso kita mo ba kanina? Napahiya ako....tawa ng tawa sakin.....

Oo nga kahit ako natawa sayo..bakit naman kasi, pang southborder na kanta pa yung napili mo...eh alam mo naman na paborito ko yun diba? Ayos lang yung gawing idolo, wag nang gayahin...siraulo ka tol....matapos ang kwentuhan...balik classroom ulit....haay..ang bagal ng oras.....tingnan mo tong isang classmate ko, nakatulog na sa haba ng lecture..pati ako inaantok narin..nakakatamad...gusto ko ng umuwi...maglalaro nalang ako ng playstation.....teka..si Lorna nakatingin sakin...ok to magandang senyales...

Uwian......

Sige tol kita nalang tayo mamaya sa bahay....kakausapin ko lang si Lorna....

at sa pag uusap namin..."my sasabihin sana ako sayo"......ano yon??

Bigla akong kinabahan dahil seryoso ang mukha ni Lorna..baka basted ako..wag naman sana....

Tungkol sana kay Shirley at sa kaibigan mo...alam mo naman na bestfriend ko si Shirley di ba?

Pinasasabi lang ni Shirley na wag daw siyang gaanong mag alala , mahal parin nya ang kaibigan mo, kelangan lang muna daw nya ng oras para makapag isip isip....Ah ganun ba?

Buti nalang..akala ko naman kung ano na...Anong ano na? Ah eh wala...sabi ko matutuwa ang kaibigan ko sa balitang yan, yaan mo at sasabihin ko mamaya....sige, salamat ha?

Uuwi na nga pala ako....teka nagugutom ka ba? Kain muna tayo...Ha? Mag gagabi na kasi, papagalitan ako sa amin...

Sayang naman..ang totoo nyan..hindi naman talaga ako nagugutom...gusto ko lang ng dahilan para makasama pa kita ng matagal....naks sana epektib yung linya ko..kakapanood ko lang nung sabado....

Grabe ka naman...namumulang sabi ni Lorna..gusto ko din naman kaso mag gagabi na talaga..kung gusto mo ihatid mo nalang ako...

Talaga? Payag ka? Ayos! Oo pero hanggang kanto lang ha? Baka makita ka kasi ni itay...

Mabait naman yon kaso ayaw nun makita ako na may kasamang lalake.....Ah sige ok lang sakin, ang mahalaga, pumayag ka na magpahatid sa akin...tara na...Pagkadating sa kanto....salamat ha.....bukas nalang ulit...

Umm Lorna..pwede ba kitang ihatid ulit bukas?.....ha? bigla ulit namula ito...ikaw, kung hindi ba ako nakakaabala sa lakad mo ok lang sa akin...hinde, wala akong lakad tuwing hapon,

O sige ikaw ang bahala...oo nga pala..kanina...napasaya mo ako...nung kumanta ka...meron kasi akong iniisip na problema...pero dahil sayo gumaan ang loob ko..salamat ha? Ahh..kaya pla...un ba?

Wala yun,hilig ko lang talaga magpatawa...goodnight Lorna, See you tomorrow ha? Sweetdreams.....Grabe ka talaga..

Ang cute cute nya pag nagbublush......goodnight din sweetdreams.....

masaya akong nakatanaw kay Lorna habang papasok siya ng kanilang bahay..hayy...di naman pala ako sobrang malas ngayon,

buti naman....sa totoo lang, masarap pala ang buhay na ganito...highschool life ika nga..kung pwede sanang humiling...sana din na ito matapos...

ano ba tong iniisip ko....para tuloy akong matanda.....makauwi na nga,..naghihintay na ang tropa at ang magandang balita tungkol kay Shirley......

highschoolWhere stories live. Discover now