Tone Kingdom [ Part 1 ]

8 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE : So here's the first two-shot story. Alam 'kong matatawa kayo sa writing style ko, pramis I tried my best. Kahit nga ako natawa, e. Para bang nasa elementarya ang nagsulat. Basahin niyo na lang HAHAHAHAHA! Enjoy reading, babies♡

- bubbles, unicornbijjs

° • ° • ° • °

TONE KINGDOM [PART 1]

By unicornbijjs, bubbles

° • ° • ° • °

Sa isang malakiiiiiiiiiiing palasyo, sa Tone Kingdom, may isang Reyna at Hari. May siyam silang anak. Si Melodina, ang reyna ay siyam na buwan ng nagdadalang-tao. Sa isang gabi, mahimbing na natutulog ang siyam nilang anak pati na rin ang Hari at Reyna. Nang biglang sumakit ang tiyan ni Queen Melodina.

"Ahhhhh, ang sakit ng tiyan ko!!"biglang sigaw ni Queen Melodina. Nagising naman si King Arthur sa ingay ng kanyang asawa.

"Anong nangyayari, mahal 'kong Reyna?!"nag-aalalang tanong ni King Arthur.

"Manganganak na yata ako, Arthur!!"hindi matiis ni Queen Melodina ang sakit na nararamdaman niya. Lumaki ang dalawang mata ni King Arthur at biglang tumalon papalabas, nanghihingi ng tulong.

Samantalang....

Ang pitong mga prinsipe at dalawang prinsesa ay mahimbing na natutulog ay biglang nagising dahil sa maingay nilang Ama. Unang nagising si Prince Dominic, ang pinakamatanda sa magkakapatid.

"Anong nangyayari?"nagtatakang tanong niya sa sarili. Ginising niya si Prince Miguel at Prince Falomeno.

"Bakit, kuya?"tanong ni Prince Falomeno na kinukusot-kusot pa ang mga mata habang nakanguso. Cute.

"Bakit mo ako ginising, Dominic?!"inis na tanong ni Prince Miguel sa kanyang nakatatandang kapatid.

"Parang may nangyayari."ani Prince Dominic na sumulyap pa sa pintuan.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ni Prince Miguel.

"Sumisigaw kasi si Ama kanina."paliwanag ni Prince Dominic.

"Guni-guni mo lang 'yon, kuya."si Prince Falomeno. Hihiga na sana sina Prince Falomeno at Prince Miguel nang marinig nilang sumisigaw ang kanilang ina.

"Si Ina!!"si Prince Dominic. Agad silang kumiripas ng takbo sa pintuan at sumilip, inaalam kung anong nangyayari. Nakita nilang pabalik-balik ang kanilang mga katulong sa kwarto ng kanilang magulang na may dala-dalang tubig at marami pang iba. Lumabas agad sila at pumunta sa kwarto nina Prince Rene, Sony at Prince Lander. Kagaya 'nong tatlo ay sumisilip rin sila sa may pintuan.

"Ano kaya ang nangyayari kay ina?"nag-aalalang tanong ni Prince Sony. Nasa kwarto ngayon sila ng tatlo.

"Puntahan na lang kaya natin si Ina at Ama?"suhestiyon ni Prince Lander. Tatayo na sana sila nang may marinig silang isang napakalakas na sigaw.

"Si Melody 'yon ah?"si Prince Rene. Tumakbo agad sila sa kwarto nina Princess Melody at Princess Harmony.

"Anong nangyayari?"si Prince Dominic pagpasok niya sa kwarto nila. Nakita niya kasing tumatalon-alon si Princess Harmony at tumatakbo naman si Princess Melody.

"Melody, Harmony, anong nangyayari?"pag-uulit ni Prince Dominic, pero gano'n pa rin silang dalawa.

"Aahhhhhhhhhh!!!"sigaw ni Prince Lander, nakaturo sa sahig. Tinignan naman ng lahat ang tinuturo ni Prince Lander at sumigaw na rin silang lahat maliban kay Prince Sony.

Words & SentimentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon