PROLOGUE muna TAYO

Start from the beginning
                                    

"Saan ka ba nagpupupunta at hindi kita mahagilap? Dapat ikaw na ang nakikipag-usap dito kay ano para sa apatment."sabi ng matanda. Hindi pa pala niya alam ang pangalan ko.

"Apartment?!"malakas na sigaw ng bakla.

Grabe naman kung maka-react parang may WORLD WAR lang! Ang landi at ang harot pa!

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Hawig lang kay Vice Ganda! Payatot. Sakit sa mata ng suot nitong halos COLOR WHEEL sa dami ng kulay. Super puti ng face sa kapal ng foundation at nagmukhang clown sa super red lipsptick na gamit. Lalong tumangkad ito sa suot na high heels.

"Mamu, may nauna na sa kanya! So, hindi na pwede!"maarte nitong sabi na inirapan pa ako.

Sus! Kala mo naman maganda! Akala ko nga nakawala lang sa aquarium! Finding nemo lang ang peg?

"Anong may nauna na? Hoy, Florentino, wala kang sinasabi sa akin na meron ka na palang nakuhang mangungupahan dito sa apartment na ito?"

Pinigilan kong matawa. Florentino? Nice name! Astig na astig.

Biglang may lumapit sa amin na isang nakangiting binata. Mukhang mayaman dahil sa porma nito.  Tapos abot sa ilong ko ang mukhang mamahaling pabango nito.

"Ay! Halika dito, Joshua! Dali-dali!"malakas at tuwang-tuwang yaya ng bading sa binata na hiwakan pa sa braso ito at niyaka-yakap.

Hala! Si Forentino parang O.A. lang kung makayaya sa lalaking ito! Parang hihimatayin na iwan! Parang isda lang na na iniahon sa tubig at biglang nilagay sa lupa! Kung makagalaw parang ewan!

At nakakasuka silang dalawa ah! Ewww! As in!


Napatitig ako sa lalaki. Ano bang pumasok sa isip nito at pumatol sa bakla? Sayang siya... May hitsura pa naman. Matangkad. Makinis at maputi. Mukha ding mayaman. Ganon na ba talaga siya ka-desperado at nakipag-relasyon siya sa isdang este baklang ito?

"Hello po, tita!"nakangiting bati nito na tinanggal ang suot na sunglass.

Napanganga naman ako sa kanya. Nakakabaliw naman titigan ang kanyang mga mata at  ngiti. As in super gwapo niya! Tapos ang manly pa ng boses na may halong lambing. 

"Mamu, siya si Joshua! Ang bagong mangungupahan sa atin!"masaya at halos kinikilig na pagpapakilala ng bading.

"Wala nang bakante! Siya ang naunang pumunta dito para upahan itong apartment! Hindi mo naman sinabi na meron kang transaction sa lalaking 'yan!"

"What?! No! Hindi ako papayag! Gusto ko si Joshua ang titira diyan!"halos magwala ito na nakakapit pa rin sa binata.

"P-Pero pipirma na ako ng kontrata kaya sa tingin ko ako ang nauna?"sabad ko na hindi maiwasang mapatitig sa lalaki.

"Oo nga naman, pipirma na siya!"sang-ayon ng matanda."At tigilan mo na naman yang kalandian mo, Florentino!"

"Mamu, hindi nga Florentino name ko! I'm Shakira! The Waka-Waka Girl!"inis na sabi nito na kumembot-kembot pa.

"Masasapak kita! Natatandaan ko pa na Florentino ang ibinigay naming pangalan sa'yo ng daddy mo!"

"So, wala na po ba talagang vacant? I need lang po kasi ng bagong malilipatan."sabat ng binata.

"Hay naku, wala na! Nauna na sa'yo itong si miss!"sabi ng matanda.

"Mamu! No! Magwe-welga ako! Ayokong mawalay sa akin si papa Joshua! Waaahhh!!!!"lumuhod pa ito sa ina.

Kung pwede lang sanang tumawa ng malakas ginawa ko na kanina pa! Ngayon lang ako nakakita ng super landing bakla! Mala-teleserye pa ang ginagawang pag-arte sa nanay.

"Mamu, this beautiful creature from heaven above is begging you! I'm your beloved daughter created by the genuine love of yours and dad! Please, let him be the one..."maarte nitong pagmamakaawa sa ina.

"Hay naku, sige sige... Tutal dalawa naman ang kuwarto nitong apatment na ito, silang dalawa na lang ang umupa."biglang sabi ng matanda.

"Ho?"nagulat talaga ako. 

Nagkatinginan kaming dalawa ng lalaki. Nginitian lang niya ako. Nainis ako.

"Mamu?! Silang dalawa together sa house?! Are you kidding me?"malandi at asar na sabi ng bading."Hindi pwede 'yan!"

"Para wala ng problema, sige kayong dalawa na lang tumira diyan. Same price pa rin, 10 thousand for two months deposit at 5 thousand monthly. So, depende na 'yan kung papayag kayong dalawa na kunin. Mag-usap na lang muna kayo."paliwanag ng matanda.

"Sa akin, okay lang po. Kelangan ko lang talaga ng bagong malilipatan."nakangiting sang-ayon ng binata na kinindatan pa ako bigla.

Naasar ako sa kanyang ginawa. Inirapan ko siya. Grabe, hindi man lang nagpaubaya ang kulangot na ito! Ke lalaking tao ayaw mag-give way. Super nakakainis! Ako, kasama siya sa iisang bahay? May kasama akong lalake na stranger na unknown na titira sa bahay? Bakit kasi sumulpot pa ang asungot na ito?... Kung hindi ko lang talaga kailangan ang apartment na ito hindi talaga ako papayag na makasama ang kulangot na ito!

"Ikaw iha, payag ka ba?"tanong ng matanda sa akin."Sa tingin ko wala naman kayong gagawing kababalaghan diyan sa bahay."

"Mamu! You're such! Kainis na you!"sabi ng bading.

"S-Sige po. Payag na po ako."sabi ko na lang.

"Mabuti naman. So, samahan n'yo na ako sa bahay para maibigay ko na sa inyo ang susi. Actually, tatlo ang duplicate kaya hindi na kayo mamomroblema. Tapos pirmahan n'yo na rin ang kontrata."

"Mamu, give me the one key!"singit ng bading.

"Tumigil ka! Hala, bumalik ka na nga rin sa bahay para maasikaso mo na daddy mo, aalis pa kami mamaya."

"Whatever mamu!"mataray na sabi ng bading.

Tiningnan ko ang lalake. Bigla niya akong nginitian.

Kainis ka! Asungot! Sabi ko na lang sa sarili ko.

**********************************************************************************

ABANGAN ang FIRST CHAPTER please...

THANKS!!!

APARTMENT 143 (luv wil kep us 2geder)Where stories live. Discover now