Tutulong sana ako sa pag aayos ng tawagin ako ni Jerome.

"Danica?" Tawag nya sakin, mabilis ang naging lingon ko dito.

"Pwede bang ikaw nalang ang date ko bukas?" Magalang nitong sabi.

"Pe-peroooo"

"Wag ka nang maarte, Wala ka nang magagawa! Ako na bahala sa susuotin mo". Aniya sya na nga tong humihingi ng Favor sya pa tong galit! Akala nya papayag ako!? Bahala sya sa buhay nya! Pero baka magalit sya sakin lalo at pagsalitaan na naman nya ako ng masasakit na salita.!

10:00 na ng gabi at halos hindi ako makatulog! Bukas na yun ano kaya? Papayag o hindi? Pag pumayag kaya ako mag iiba na ang turing nya sakin? Magiging mabait na kaya sya? Pero kung hindi? Nakuu baka maging demonyo na ang lalaking yun! Sana naman magiba na yung turing nya sakin pagkatapos kong pumayag....

Lumabas ako sa aking silid at nagpasyang pumunta sa Harden upang mag pahangin...

Umupo ako sa damo at ninamnam ang malamig at sariwang simoy ng hangin.. Bahagya akong tumingala at inaninag ang nagkikislapang mga bituin kasama ng malaking buwan!

"What are you doing here in the middle of the night?" Aniya at bahagyang umupo sa aking tabi.

"Hindi kasi ako makatulog, Ikaw?" Ani ko sa kanya at bahagyang humarap dito.

"Same too you" aniya at tumingala sa langit.

Kitang kita ko mula sa sinag ng buwan ang mga kislap ng mata nya, matangos na ilong, perpektong hugis ng panga, maninipis at mapupulang labi at shitt ang kanyang adams apol na taas-baba dahil sa kanyang paglunok.

"Are you done?" Tanong nya at tumingin sakin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan.

"A-ano?" Patay malisya kong tanong sa kanya...

Sa halip na sagutin nya ako ay marahan nyang hinawakan ang baba ko at pinihit paharap sa kanya! Napalunok naman ako sa ginawa nya! Bigla nalang namilog ang mga mata ko ng maramdaman ko ang malambot at matamis na labi nyang dumampi saking mga labi! Nabigla ako sa ginawa nya at hindi ko inaasahan na gagawin nya to...

Bahagya ko syang tinulak ngunit hindi sya natinag! Hinapit nya ang bewang ko palapit sa kanya nang maramdaman ko ang bahagya nyang pagbukas sa bibig ko ay buong lakas ko syang tinulak at mabilis na tumakbo sa aking silid.

Ano ba to! Hayss Grabe nakakaluka na... Ano nang gagawin ko? Mabait sya pero hindi ko sya gusto! Shittt bakit sya pa ang nakakuha ng First Kiss ko!! Pinangako ko sa sarili ko na kung sino ang unang hahalik sakin gusto ko sya na din ang huli! Pero pano na to! Hindi ko naman sya gustoo...

Napapitlag ako ng may kumatok sa aking silid.

"Nica?" Malakas na tawag nito at alam kong si Jake ito.

"Sorry sa nagawa ko! Sana mapata--" naputol ang sasabihin nya nang may nagsalita...

"Sorry? Sa ginawa?" Nananantyang na tanong ng isang lalaki sa labas.. Nagdadalawang isip man ako ay binuksan ko pa din ang pinto...

Nakita ko doon si Jerome na nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Jake..

"Wala ka na dun"ani Jake at humarap sakin. "Sorry" dugtong nya.

"Sige na mag papahinga na ako" ani ko sa kanya ngunit hinawakan nya ang braso ko.

"JAKE!" sigaw ni Jerome.

"What?" Iritadong sambit ni Jake.

"Don't touch Her" ani Jerome sabay haglit ng kamay ko mula sa pagkakahawak ni Jake at lagay sa likudan nya..

"Kuya?" Kunot noo na tanong ni Jake..

"I..... I like her" mabilis nyang sagot sabay hila sakin palayo kay Jake, nakita ko pa ang pagkalaglag panga nito.

Nang makarating kami sa Pool ay ka agad nyang winaksi ang kamay ko..

"Anong ginawa nya?" Tanong nya at nagfacepalm patalikod sakin.

"He.... Kiss...Me" sabay tungo ko.

"F*ck" sabay lakad palayo sakin, maya maya ay bumalik ito na halata ang galit at inis.

"Wag mong isipin na gusto talaga kita! Sinabi ko lang yun para mailayo kita sa kanya kanina! Hindi ko type ang kagaya mo!Easy To Get." At bahagya itong tumawa na nakakapanuya."At tsaka wag mo nang isipin pa na magkakagusto ako sayo! At tungkol dun sa date? NO NEED NA!" aniya at lumayo na sakin.

Shittt nalugmok ako dito sa pool at inisip ang mga sinabi ni Jerome! Teka nga lang? Wala naman talaga sa isip ko ang magustuhan nya ako ah! At hindi naman nya kailangan ilayo ako kay Jake, mabait si Jake hindi nya katulad baka nga dapat sa kanya ako lumayo! Teka? Easy To Get daw! Eh di ko nga akalain na gagawin yun ni Jake! At sa date ba ikamo? Naku wag syang mag alala kanina pa yung gumugulo sa utak ko! Buti nalang at kinancel nya... Naiiyak man ay pinigilan ko ito! Dahil From Now On hindi na ako magiging mahina, hindi na ako mag papaapi sa kanya! Lalaban na ako! KAYA READERS ABANGAN NYO ANG REVENGE NG ISANG DANICA RAMIREZ.!!

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Where stories live. Discover now