Lance

349 7 3
                                    


***

"Ano, brad? Sa sabado na lang ulit?" Malakas na pahabol na sabi ko kay Terrence, ka-team ko sa basketball, dahil nagmamadali siya at kanina pa daw naghihintay 'yung girlfriend niya sa kanya.

"Osige ba! Sabihan mo na lang sila."

Pagkatapos nun ay tuluyan na siyang nakaalis.

Dahil wala naman akong gagawin sa bahay at ayoko pa naman talagang umuwi, nagtuloy lang ako sa pagshoshoot ng bola. Una sa free throw line lang ako nakatayo habang nagshoshoot ng bola pero maya-maya lang ay naisipan kong pagpractisan ang pagshoshoot sa three point line.

Dati, hirap na hirap talaga ako sa paglalaro ng basketball. Mas magaling ako sa paglalaro ng chess. Pinagtiyagaan lang talaga akong turuan ni daddy para magamay ko ang paglalaro ng basketball.

"Nag-improve ka na talaga ah!"

Napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko.

"Ikaw pala, Tony!" Bati ko at nakipagfist bump ako sa kanya.

"Long time no see, insan." Nakangiting sabi nito at kinuha niya ang bola mula sa pagkakahawak ko at nagshoot mula sa three point line.

Bukod kasi sa pagbabasketball at chess, naging abala na rin ako sa pag-aaral ko. Graduating na kasi ako. Kailangan ko talagang galingan. Lalo pa't ibinalita na ni mommy sa pamilya namin na running for cum laude ang anak niya. Doble ang pressure na nararamdaman ko.

"Busy lang. Alam mo na.." Napailing ko na lang na sabi sa kanya.

"Oo nga pala! Congrats ah!" Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

"Wala pa nga eh. Nakakatension masyado kapag naalala ko."

--

Matapos namin pagurin ang mga sarili namin sa 1-on-1 na basketball ay niyaya niya akong tumambay na muna sa kanila.

"Pre, tignan mo 'to." Tawag niya sa akin habang tinotono ko 'yung gitara niya na nakita ko sa ibabaw ng kama.

"Chicks 'no?"

"Sino dyan?"

Tinuro niya yung naka-red na t-shirt na babae.

"Ayos lang. Sino ba 'yan?"

Bigla niya akong tinignan na parang gulat na gulat siya na hindi ko kilala ang babaeng tinuro niya.

"Insan! Seryoso kang di mo kilala 'yan?"

Tinignan ko siya at umiling.

"She's.... Chevy. Laurice. Bueno." Bawat pangalan ay binibigyan niya ng diin na parang it's as if you'll miss half of your life kung hindi mo kilala ang taong 'yun.

"Okay. Oh, ano naman?"

"Dude! Saang bundok ka ba naglalagi at hindi mo kilala 'yan? Ang hirap kasi sa'yo ay masyado ka kasing seryoso eh." Pang-aalaska niya sa akin.

"Tss."

"Pero, ito ah! Kailangan ko kasi ng tulong mo."

Tumango ako sa kanya na indikasyon na ipagpatuloy niya ang sinasabi niya.

At, sinabi na nga niya sa akin ang pabor na hinihingi niya.

--

"Kailangan makatotohanan, tipong hindi halatang scripted ah!" Paulit-ulit na paalala niya sa akin.

"Oo na. Oo na." Naiinis na sabi ko.

Tinalo pa niya ang batang makulit eh.

"Thanks, man! You're the best!"

Bitter sweet endings (COMPLETED)Where stories live. Discover now