First

3 0 0
                                    

(AN : This is My First time so dont judge)

Pumasok sa kwarto ni Pinky si Police Fernandez. Magtatanong ito sa nangyaring patayan sa school nila. Tatlong araw na ang nakakalipas.

"Ms. Pinky Dela Vega" napatingin si Pinky kay Police Fernandez.

"Can I know what happened on your school? I want your statement!" dire diretsung tanong ng Police. Naiyak naman si Pinky ng maalala ang nangyari.

   ~~~

"Kat? Deni?" naglalakad sa madilim na bahagi ng kanilang eskwelahan si Myra kasama ang kanyang flashlight. Habang naghahanap si Myra nagtatago naman sa isang kwarto si Kat at Deni kung saan nalagpasan na ni Myra. Nilabas ni Kat ang cellphone nya.

"Ano yan?" bulong ni Deni kay Kat. Ngumiti naman ng malapad si Kat bago sumagot.

"May sounds dito na kinakatakutan ni Myra" pabulong sagot ni Kat habang mahinang tumatawa. Pinatugtog ni Kat ang isang sounds nang isang music box. Mahina pero matinis at nalamig ito. Nanginginig namang napatingin si Myra sa kwarto na pinanggagalingan ng tunog.

"K-Kat? D-Deni?" magkadapa dapa si Myra na tumakbo habang sumisigaw. Nang mapansin ng dalawa na wala na si Myra. Tumawa sila.

"That stupid Myra. Afraid of this sound?" panglalait ni Deni.

"We know right!" umalis na din sila at bumalik sa room nila naabutan din nila ang apat pa nilang kasama. Si Pinky, Si Tristan, Si Henry at si Jane.

"Nasan kayo galing?" tanong ni Henry sabay yakap kay Kat.

"Nag CR lang" sagot ni Kat.

"Nasan si Myra?" paghahanap ni Jane.

"Di namin nakita" nakangiting sagot ni Deni.

"Tapusin na natin 'to" pag aaya ni Jane. Nag over night kasi ang magkakaibigan para sa ipapasa nila bukas. Habang si Myra ay takbo ng takbo. Lalo siyang natakot sa nakabangga nya may hawak itong itak at maskara.

"S-Sino k-ka?" tanong ni Myra sa nakamaskara.

"Ako?" malamig ang boses nito. "Ang papatay sayo" sigaw ng nakamaskara. Nanlaki ang mata ni Myra at agad tumakbo pero nahawakan ang buhok nito at agad initak ang bibig. Tinanggal ng nakamaskara ang itak at ginilitan ng leeg si Myra dahilan para mamatay ito ng tuluyan.

Hinagis ni Jane ang papel na hawak nya.

"Bakit Nerd?" tanong ni Kat.

"Di ako mapakali, Di pa bumabalik si Myra. Three Hours na syang wala" paliwanag ni Jane.

"Chill Nerd. She will come back" puna ni Deni.

"Hahanapin ko sya" agad tumayo si Jane at sinuot ang jacket nya.

StatementDonde viven las historias. Descúbrelo ahora