Wow ha, parang kahapon palang kami nagkakakilalang lahat, ngayon, manunuod na kami ng movie together? Hay. Ang mundo ay puno na ng mga feeling close. HAHAHA.

"Tinatamad ako." ako.

"Bes, pleaaaaaaaseeeeee?" sabi ni Julia sabay pout.

"Fine! You still owe me, Julia Montes...........Loyzaga."

Nakita kong from a happy Julia, naging angry Julia. Bago pa siya makasagot, tumakbo na agad ako papunta sa CR. Nakakatawa reaction niya kaya ang sarap asarin si bes, pikon eh.

*******

Nandito na ngayon sila Neil, EJ, Diego at Kiray. Wala pa rin sila Sed, Lester, Kats at kung sino pa. Di ko pa kasi sila nakilala kasi epal si DJ. Okay joke lang naman. Hay.

"Juls, asan na ba sila?" Diego.

"Kaya nga gurl, asan na sila?" Kiray.

"Naiinip na ako kakaintay. Gutom na ako." Neil.

"Gusto ko ng manood ng movie." EJ.

"Bes, sabi ko sa'yo eh. Uuw-."

"O, andiyan na pala sila! Tara na!" Julia.

DI AKO PINATAPOS HA. BASTUSAN?

Pumunta na kami sa kanila at yung boys nag manly hug at nag bro fist habang kaming girls, simpleng "hi" lang. Since hindi nga talaga kami nagkakilala pa, they introduced themselves.

"Hi Kath! Ako si Sed." sabi ni Boy Kulot.

"Wassap Kathryn! Ako si Kats." sabi ni Boy Bulag.

"Hello Kath! Ako si Les." sabi ni Boy Itim.

"Oh, hello Boy Kulot, Boy Bulag and Boy Itim!" pangiti kong sabi sa kanila.

"Ano ba 'yan Kath. Walang gamit pagpapakilala namin sa'yo. It hurts. As in sobrang sakit. Parang tinusok-tusok ang aking dibdib." pagdradrama ni Sed.

"Ano bang nagawa namin sa iyo, Kath? Bakit ganyan ka makapagsalita? Oo na, hindi kami perpekto pero ikaw, perpekto ka rin ba? Hindi naman diba? BAKIT?" Kats.

"Tanggap ko naman eh pero wag mo nalang ipamukha dahil masakit Kath, masakit." Les.

Halos mamatay na kami sa kakatawa. Ang galing nila mag-acting. Parang naiiyak na talaga sila. I really think makakasundo ko sila. They're so fun to be with! Grabe talaga. Buti nalang sumama ako kay bes at hindi ko pinairal ka-KJ at katamaran ko.

"Pero since cute naman pakinggan at dahil cute na rin kami, pwede mo kaming tawaging ganun. Cute naman rin ang tumatawag so..... GORA BARBIE!" Kats.

"Hahahaha. Ang cute niyo talaga! Mga loko-loko. Lavet!" ako.

"Ay, brad, ba't tatlo lang kayo? Asan sila Master Tabs?" Neil.

"Ah, oo nga. Asan si DJ?" ako.

Alam mo yung feeling na nakakahiya as in sobra kasi nasa mall kayo tapos maghihiyawan lahat ng kasama mo at hindi mo alam kung bakit. Nagtatanong lang naman ah.

"Ayiiieee. Si Kath hinahanap si DJ." Kiray.

"Miss mo na siya noh?" EJ.

"Grabe Kath. Miss mo na siya? Agad-agad? Eh nagkita palang kayo kahapon ah? What is the meaning of this? You don't say..." Diego.

"Uyyy bebe Kath ha. Don't tell me..." Neil.

Probably KismetWhere stories live. Discover now