Dali dali akong pumasok doon upang alamin kung ano ang kailangan nya.

"I like Water" Aniya sakin.

"Kunin ko lang" aniya ko sa kanya at lumabas na sa silid nya. Habang papunta ako sa silid ko upang saraduhan ay nakasalubong ko si Jake.

"Nica pwede mo ba akong ikuha ng Juice?" Aniya at nagbaby face pa.

Tumango ako at bumaba na sa Hagdan...

Kumuha ako sa ref ng maiinom ni Jake .. ng mapadaan ako sa living room kung saan nag gagawa di Joshua ng assignment nya.

"Nica pwede bang pakuha naman nung color orange kung notebook sa bed ko" aniya habang nagsusulat.

"Ok wait lang Josh"at umakyat na ako sa taas para maibigay kay Jake ang hinihingi nya. Pumasok agad sya sa silid nya at kumindat sakin.

Pumasok naman ako sa kwarto ni Joshua upang kunin ang kailangan nya.

Pagkabigay ko sa kanya ay nagpasalamat sya sakin ngumiti lang ako dito at tumungo na ulit sa Dining upang kunin ang kailangan ni Jerome na nawala na sa isip ko.

Paakyat na ako ng hagdanan ng marinig ko ang malakas na tawag nya. Pagka akyat ko ay nakita kong kabubukas lang ng silid ni Jake na parang nabigla sa sumigaw. Pag sulyap ko naman sa baba ay nakita kong napatayo si Joshua....

"Ang kupad kupad mo naman, patanga tanga ka na namang babae ka" ani Jerome na nakasandal sa haligi ng silid nya.

"Pasensya na may inutos lang sina Josh at Jake." Garalgal na sabi ko habang nakayuko... nangingilid na ang luha ko kaya kinagat ko ang labi ko upang magpigil.

"Pasensya na naman! DANICA ilang beses ka pa ba magiging bobo! Kupad kupad kasi" aniya sabay haglit ng baso ng tubig sa kamay ko sabay buhos sakin at pumasok sa silid nya ng padabog..

Rinig ko din ang pagsara ng pinto ni Jake...Kita ko naman ang pa akyat na si Josh kaya lalo akong nagpigil sa pag pagtulo ng luha ko...

"Ni-nica ayos ka lang ba?" Aniya na nag aalangang lumapit sakin.

"A-ayos lang ako" at nag angat ako sa kanya ng tingin sabay bigay ng isang malaking ngiti.

"Sigurado ka ba?" Pagaalala nyang tanong at lumapit sakin.

"Ano ka ba?! Sanay na kaya ako" sabay bigay ko uit dito ng isang malaking ngiti."Palit lang ako ng damit" ani ko sa kanya at humakbang na patungo sa silid ko.

Pagpasok ko ay agad bumuhos ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan... Bakit Mama ganito? Miss na miss na kita! Akala ko makakalimutan ko na ang pag iwan nyo sakin pag nandito na ako pero parang lumalala pa ang pag ka miss ko sa inyo sa tuwing pinapahirapan at pinagsasalitaan ako ng masakit ni Jerome... Mama ayoko na dito! Kunin nyo na ako!

Pagkatapos ng mga linya kong yun ay agad akong pumunta sa damitan ko at nagpalit! Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba para ipagluto sila ng pagkain.

Pag kababa ko ay napansin kong wala na doon si Josh... Dumiretso na ako sa Dining at nag umpisa nang magluto ng hapunan.Nang matapos na ako umakyat na ako upang pababain sila upang kumain na.

Umuna nang bumababa ang dalawa nagpresinta pa si josh na sya na ang tatawag kay Jerome ngunit sumalungat ako dito.. Nang makababa na sila ay katal ang kamay kong kumatok sa pintuan nya...

Kakatok na sana ako ng bigla itong bumukas!...

Nilampasan nya lang ako at tumungo na sa baba... Nagkibit balikat nalang ako at dumiretso sa silid ko. Mamaya nalang siguro ako kakain pagkatapos kong gumawa ng assignments ko...

Napagod ako kagagawa ng Assignments ko kaya di ko namalayang nakatulog na ako...

Ramdam kong may pumihit ng Knob ko sa Pinto ngunit sa sobrang pagod ay di ko na inintindi yun... pinagpatuloy ko na ang aking pagpapahinga...

Nang tumunog ang orasan na inalarm ko ng 9:00pm ay bahagya akong mumulat at tumayo na upang kumain sa baba..

Nagulat ako ng makitang may pagkain na sa aking study table.. at may naka note dito na EAT WELL!!!

Nagkibit balikat nalang ako, si Josh lang naman kasi ang gagawa nito sakin dahil sya lang ang ka close ko.

Nang matapos na akong kumain ay bumaba ako upang kumuha ng tubig bitin kasi yung isang baso sakin..

Nang asa Dining na ako ay marahan kong binuksan ang Ref at kumuha ng tubig ng may tumikhim sa aking likudan kaya naman napaharap ako doon at tanging makislap na mga mata nya lang ang aking naaaninag kaya marahan akong lumapit sa Switch ng ilaw at pinindot ito.

Nakit kong nakasandal sa may Ref si Jerome..

"Nauhaw lang" ani ko sa kanya at humakbang na patungo sa hagdan.

"SORRY" he said

Natigilan naman ako sa pagkakasabi nyang yun... At nang lilingunin ko na sya ay nakita kong lumampas na sya sakin patungo sa silid nya...

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang