Isang umaga.Isang umaga nanaman na nagising akong hindi ko alam kung ano ba talaga ang mga nangyayare sa buhay ko.Ako nga pala si Polly buendia.(pol for short)second year college sa isang hindi kilalang school sa central luzon.
Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nagaaral eh.Kumuha ako ng kurso na hindi ko naman talaga gusto.Gusto ko talagang maging sundalo or kahit anong related tulad ng pagiging pulis ganon.Pero sa tuwing humahawak ako ng baril,may mga nakikita akong mga bagay na hindi ko naman talaga dapat makita. Gusto ko din maging doctor.Pero sa kabaklaan ko, takot naman ako sa dugo. Oo nakakatawa, pag nakakahawak ako or kahit nkakakita ng baril. Nababalisa ako at nakakakita ng kung ano anong bagay. Pag nababahiran naman ako ng dugo agad akong nag p-panic at nahihimatay. Sabay mkakapanaginip ako ng mga pangyayaring hindi ko maipaliwanag.
Kaya ang kinuha kong course? Agriculture. Tamang bungkal dito hukay dyan. Walang bahid ng dugo akong masisilayan. Puro putik at tae nga lang ng hayop.
So, panibagong umaga nanaman. Isang umaga nanaman na nagising akong balisa. Isang umaga na hindi ako makapaniwala. Nagsimula itong kondisyon ko nung dumating ang isang bagong estudyante sa aming paaralan. At sa kasamaang palad, sa pareho ko pang kurso.
Flashback.....
2 weeks ago..
Nakadukdok lang ako sa aking upuan ng marinig ko ang boses ng pinaka paborito kong guro. Pero wala ako pakialam, mas masarap matulog..
Professor Snape:Ok class, let's start this day with a smile on your face. Specifically the boys at the back!(With his evil laugh)
Christian:(Our weirdong class president) Bakit po sir? May event po ba? Sabihin nyo lang po saakin at tutulong po ako.
Prof.Snape:No mr.president.we just have a Guess and i think magugustuhan nyo sya specially the boys!Ok class!Attention please ladies,gents and LGBTQ. Let us all welcome our new student in our university and your new classmate starting for today!
coleen Mercado!
.....
Naghihiyawan ang mga bugok.May mga nagkakalampagan na upuan sa paligid.Ang ingay hanep! May naramdaman akong tumapik sa ulo ko sabay sabing...
"Padaan,sa tabi mo raw ako uupo simula ngayon."
Nag init agad ang ulo ko. Kung sino man ang gumagambala sa tulog ko ay itinuturing kong kaaway.Ganyan ako katapang.(charot lang)
Agad akong bumaligkwas sa aking pagkakadukdok at itinulak yung unang taong nasilayan ko.
"Ano bang problema mo!? Hindi mo ba nakikitang nagpapahinga ako ha!?"
Yan agad ang mga salitang nasabi ko.
Nagulat nalang ako, may babaeng nasa sahig at lumuluha.Sya yung natulak ko. Pero teka? bakit hindi ko ata sya makilala.Sino sya? Tinitigan ko lang sya at nung akma na akong tutulong sakanya at humingi ng tawad, agad nyang hinampas ang kamay ko at mabilis na tumakbo palabas.
Hindi ako makagalaw,hindi ko rin alam kung bakit. Tahimik ang paligid pero rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Sabay may narinig akong nagsalita sa aking likuran..
Paul: Bakit ka umiiyak!? Teka pre, umiiyak kaba talaga!? Eh ikaw nga etong nanakit sa bago nating kaklase!
Agad akong napasabi ng..
" Ha!? Gago kaba!? "
Sabay hawak ko saaking mukha.basa, bakit basa!? Sa diko maipaliwanag na dahilan, bigla ako nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Bigla ako nakaramdam ng labis na kalungkutan at ako ay labis na umiyak sa harap ng aking mga kaklase. Pagkayari non, bigla nalang akong nawalan ng malay.....
YOU ARE READING
Always
Historical FictionLove binds future and past. Pol is just an ordinary student with an extra ordinary talent. Sa tuwing nakakahawak sya ng baril at sa tuwing nababahiran o nakakakita sya ng dugo, nag p-panick sya at nakikita nya yung mga pangyayari na hindi nya dapat...
