Wasted
" Shady! Man ayusin mo naman! Kanina pa maalat man! 'Ba yan! " gigil na sabi ni Razel sakin. Talo nanaman kami sa TSOE (The Stone of Eclicia) isang moba game.
Death anniversary niya ngayon. Antagal na pala mula nung araw na yun. Di ko pa din matanggap—ayokong maniwala.
" Erp sensya na hahaha! " pilit kong tawa kay Razel. " Syado tong seryoso kala mo nasa tournament. " nagkamot ako ng ulo sa banas. I'm 'effin frustrated but I can handle it.
I know. She's alive. She's somewhere.
" Please baby calm my mind. " bulong ko sa sarili sabay tayo sa aking gaming chair.
Tumingin ng masama sakin ang aking best friend.
" Awit sayo man! Di kita mabasa! Siya nanaman ba? " sabay tayo din sa kanyang gaming chair at patay ng kanyang pc. " Tara nalang unwind! "
Sinamaan ko siya ng tingin sabay upo ulit sa aking gaming chair.
" Man di tayo mambababae promise! " pamimilit niya sakin. " Loyal mo sa patay. Masaya na yun sa langit. " sabay tapi sa balikat ko.
Fuck this dude!
" Anong sabi mo?! " angil ko sakanya. " Di patay si Ria! I know she's just somewhere! She's — " natigilan ako sa iniisip ko.
Damn! I'm so frustrated!* nilamutak ko yung mukha ko gamit ng kamay ko sa sobrang inis na nararamdaman habang nakayuko.
" See! I already knew it! Man I know how much you love her. You should let her go man. Mawawalan ka ng peace of mind kung ipagpapatuloy mo yan. Masaya siyang pinapanood ka sa taas. " ani Razel habang tinatapik ang balikat ko.
" Shut up Raz. You're not helping. " angat ko ng masamang tingin sakanya.
Tumayo na ko sabay kuha ng mga gamit at lagay sa bag. Sabi ni ugok pupunta daw kaming bar. Napapadalas na ang pag inom ko dahil sa bangungut na nangyare sa buhay ko. Di ako nakakatulog ng maayos dahilan para uminom ako ng alak para malasing at makatulog.
Nakarating na kami ng bar gamit ng kotse ko. It's already 12:30am kaya siguradong madami ng tao sa loob.
" Next time you should pay for my gas, di ako pinanganak para maging driver mo. " ani ko kay Razel.
Kinuha ko ang belt bag ko sabay labas ng kotse't sarado ng pinto. Lumabas na din si Razel na nakangising aso.
" Man you know what I can do. Aren't you scared? HAHAHAHA! " halakhak ma parang tanga ni ugok.
Sinamaan ko lang siya ng tingin sabay lock ng kotse.
" Yea' right... " bumuntong hininga si Razel habang papasok kami sa bar.
We're at the most exclusive bar in the city. Pagpasok namin ay di na kami tinanong ng mga bouncer. Papasok pa lang kami sa mismong bar ay pinagtitinginan na kami ng mga tao. Si Razel naman ay panay ngisi sa mga nakakasalubong na babae.
" Hi Gab! Nice to see you again here! " bati sakin ng di ko naman kilalang babae
" Yea. " paputol na sagot ko dahil alam ko na kung san hahantong to pag inentertain ko pa siya.
Isa kami sa pinakamalaking streamer\gamer\influencer dito sa bansa. Kaya nakikilala kami ng karamihan dito dahil sa guesting namin sa mga naglalakihang shows at interviews. Lagi din kaming nananalo sa mga tournament mapa international o national sa mga online games. At dito na afford ko ang buhay na meron ako ngayon.
" Man loosen up! Di ka na virgin gago. HAHAHA! " ani ng kaibigan ko na nang aasar nanaman.
We entered the bar with a loud music and laser lights. Nasa VVIP seat kami kung saan makikita ang buong club mula dito. Tinawag ko ang waiter at umorder na ng iinomin namin.
YOU ARE READING
The Gamer's Club
RandomAkala ko laro lang. Di ko alam na seryoso na pala. WELCOME TO THE GAMERS CLUB! Chill and play.
