Prologue

72 5 0
                                        

Maganda rin ba sa paningin niyo ang paglubog ng araw?

May kasama din ba kayo tuwing tinatanaw niyo ito?

Mahalaga ba sa inyo ang mga araw na kasama niyo pa ang mga taong mahalaga sa inyo?

Marami ba kayong mga alaalang nabuo tuwing tinatanaw nyo ang paglubog ng araw?

Well, para sa akin masaya kapag may kasama ka tuwing tinatanaw mo ito, lalo na kung may mga alaala kayong nabuo habang magkasabay na tinitingnan ang paglubog ng araw. Pero di natin mababago ang katotohanan na balang araw ay iiwan din tayo ng makakasama natin.

I'm currently watching the sunset near the resort owned by the known family here in our place, ang mga Dela Vega. Nagmumuni-muni lamang ako rito simula kaninang alas 5 ng hapon just to watch my favorite view of the day.

"Ate! Mama is looking for you already!" nakakairitang sigaw ng aking kapatid.

"Didn't I told you to make reasons for me? And I'm not yet done watching the sunset." may pagkairitang sabi ko sa kanya.

"Ate, I think may sasabihin si mama sayong importante." nagulat ako sa sinabi niya. When was the last time she told me something important? I can't barely remember it.

Naglalakad kami ng aking kapatid papunta sa aming bahay. Naikuwento ni Fryam sa akin ang mga nangyari sa kanyang school kahapon. Sobrang comfortable talaga tong si Fryam pag nagkukuwento siya sa akin despite of our differences.

"Zepharine! Saan ka na naman ba nanggaling? Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap. Di ka na naman nagpaalam sa akin." galit na tono ni mama. "And there's one more, why did you let Manang Alice leave? You already know that I can't even handle you both. Right?" aniya.

"First of all ma, I just went near the resort of the Dela Vega's. What's wrong with that? Tapos, why would I force Manang Alice not to leave when in fact it's your reason? Is this the important thing you want to tell me?"naiinis na sagot ko sa kanya. Sino ba kasing anak ang hindi maiinis kung ganyan ang mama mo? Well, buti nalang at napagtiisan ko siya.

"Aba, sumasagot kana ngayon. Hindi kita pinalaking ganyan Zeph. Anong nangyari sayo? Dulot ba ito nang nangyari sayo noong naiwan ka sa Pa-" di ko na siya pinatapos.

"Bakit mo ba isinisisi ang lahat doon? Matagal ko na yong kinalimutan, parang ikaw nalang ang hindi nakakamove on sa nangyari. Excuse me." iniwan ko na siya doon sa living room at pumunta na ako saking kwarto.

Nagooverthink na talaga ako kung bakit biglang nagbago si mama pero di ko siya masisisi naiwan kasi siyang mag isa dito sa Pilipinas.

Pinapakita ko lang kay mama na wala na akong pake about what happened 3 years ago in France, but actually I can't move on. It's still a big mystery for me. Until now there's always a lack of information in every investigation.

It's almost midnight and here I am lying in my bed overthinking about what happened earlier. It's stucked in my mind after the conflict we had ni mama. Malaki parin kasi ang epekto nito sakin kahit na matagal-tagal na rin ito. Bigla nalang dumilim ang aking paningin.

---

Nagising nalang ako na may mga pictures na sa aking kwarto ng iba't ibang sunsets sa mga lugar na gusto kong puntahan. Ang ganda ng mga ito, saan kaya ito nakuha ni mama? Sigurado akong hindi to kinuha sa google ngunit parang professional photographer talaga ang kumuha nito.

"Nagustuhan mo ba anak?" napatindig ako sa aking kama ng marining ang boses ng aking ama.

"Papa!" di na ako nagsalita at bigla ko nalang siya niyakap ng mahigpit. "Easy ka lang anak" aniya.

"I've missed you so much papa. Di ka man lang nagsabi na uuwi ka ngayon, nagpahanda na sana ako kay Nana Ema." oh my si papa ba talaga tong kausap ko?

"No need for that anak. Go take a bath first may pupuntahan tayo." excited na sabi ni papa.

Syempre di na ako nagsayang ng oras, naligo na ako at nagbihis pagkatapos. Ano kayang magandang susuotin? Alin kaya dito ang babagay sakin? Pinili ko nalang ang simple Blue lace dress ko na kakabili lang nung isang araw sa mall.

"Sabi ko naman sayo Izarius diba? Sayo lang yan natutuwa at nakikinig. That's really the problem naman, pinapaboran mo lage at sinosorpresa mo." mahinang sabi ni mama kay papa.

"Ikaw naman ang may problema dito Claudette, palagi mo nalang siyang pinapapagalitan at hindi pinapayagan na gumala nang hindi ka kasama. She's already 20 years old for God's sake at malapit na siyang gumraduate ng college pero binibaby mo parin." diin na sabi ni papa. Di ko na narinig ang mga sumunod na usapan nila.

So pinauwi ni mama si papa para sakin? Ano kayang gustong mangyari ni mama? May point din naman si mama kay papa lang talaga ako nakikinig dahil nasasakal na kasi ako sa kanya.

May kumatok sa pintuan siguro si papa na to. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako nang hindi si papa ang kaharap ko kundi si mama.

"Did you like my peace offering?" bungad ni mama sa akin.

" Of course, sino ba ang hindi makakagusto?" di ko na alam anong sasabihin.

"Happy for you anak, sorry sa mga nasabi ko kahapon." nagulat ako sa sinabi ni mama.

"I've got no problem with that. Let's go?" tinapos ko nalang ang corny baka hahantung pa to sa iyakan.

"Here are my two gorgeous ladies. Di na kailangan itanong kung saan ka nagmana Ryzamelle Zepharine." bola ni papa.

"Tong si papa, napakabolero."
biro ko.

"Naku anak sobra pa diyan nung teenagers pa kami." nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni mama.

"Wag mo ng ipaalala sa mga bata baka kung ano pang isipin nila." sabi ni papa na mukhang may hinahanda.

I can't explain how tremendous I am feeling right now. No words can't explain how I feel. Finally after three years ngayon ko lang to na feel ulit. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nagkasamang apat dahil sa hectic na schedule naming lahat. Parang ang feeling ko noon na may kulang ay para bang napunan na dahil sa pagdating ni papa. I hope this will continue and strengthen our relationship as a family.

A Sunset with YouStories to obsess over. Discover now