Chapter 1: Patience

35 4 8
                                    

Traffic.

Oo traffic. Ito ang ayaw ko sa siyudad eh. Ang daming sasakyan at halos usok galing sa jeep ang nasisinghot ko kaya minabuti ko nang isarado ang bintana ng Taxi.

Nakaramdam naman ako ng init nang maisara ko ang bintana. Hay nako! Hindi sapat ang aircon ng Taxi. Pero mas ok na lang to kesa sa usok na may halong sigarilyo.

"Triple kill!!!.... You destroyed the turret!!"

"Hindi mo ba pwedeng hinaan yan?" sigaw ko sa katabi kong bugok na si Menji.

Hindi niya ako pinansin at nagpabingi bingihan lang.

Nakakabwisit talaga to kahit kelan! Sana sa front seat na lang ako umupo!

Ako na mag-a-adjust! Aaghh!! Nakakairita na talaga ang atmosphere!

Padabog kong sinaksak ang earphones sa dalawa kong tenga at tumingin na lang sa labas.

Ba't ba ang daming baliw tsaka badjao ang kumakalat at pagala gala sa siyudad?

At dahil wala akong magawa, pinanood ko na lang ang tatlong batang badjao na may bitbit na balde tsaka lata na tinali pa sa kanilang bewang at leeg habang naglalakad sa daan.

Ako ang nahihirapan sa estado ng nga kabataang iyun! Aba tirik na tirik yung araw oh! Ang init init kaya, mabuti pa sila... rain or shine hindi tinatablan.

Ang cool ng kulay ng buhok nila. Ganyan na ba talaga yan? Kulay brown? Yung isa, sosyal blonde pa talaga ha??

May mga hikaw pa na kulay ginto ang babaeng Badjaw na bata.

May nakasalubong silang babaeng mukhang bayaran dahil sa maikli nitong shorts na pinaresan ng spaghetti straps na top at makapal ang kolorete nito sa mukha.

Nagsimulang tapikin ng batang lalaki ang kanyang bitbit na lata, di umano'y naging drums ito ng bata. Haha!

Sinabayan ito ng kanta ng babaeng badjaw nilang kasama.

Unti unti kong ibinaba ang bintana ng Taxi at tinanggal ang earphones ko.

Ang kanta nila? Hindi ko maintindihan, hindi naman gaano kalayo sakin ang mga iyon kaya naririnig ko ang boses ng batang babae.

Naukit ang pandidiring ekspresyon sa mukha ng babaeng seksi nang ilapit ng batang babae ang kanyang kamay para manlimos.

Ang sunod na nangyari? Di ko na alam.

May pigura ng lalaking nakasuot ng halatang lumang damit ang humarang sa harapan ko. Isa din ata siyang badjao.

Mukhang hindi naman malayo ang edad namin sa pagkakapansin ko.

May bitbit itong gitara na halatang luma na din dahil marami na itong gasgas at halos mabura na ang pangalan ng brand nito.

'Davis' basa ko sa brand name ng gitara.

Wow? Sosyal...

Mahal to ah? Taray naman ni kuya!

Inangat ko ang tingin papunta sa kanyang mukha.

Hindi naman sya kataasan kaya hindi ako nahirapang tingnan siya.

Gifted naman ang badjaw na to! Kasing brown ng kulay ng mata nya ang kanyang buhok. Ang kolked din ng dating ng buhok niya kasi may blonde itong highlight.

Wala akong problema sa mukha niya maliban sa medyo madumi ito. In spite of that, ang kinis ng mukha niya at matangos din ang ilong nito.

Bumungad sa akin ang tila ginamitan ng brackets na ngipin niya sa sobrang pantay at linis.

Destined To A BadjaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon