Dauntless Warriors

16 3 0
                                        

There's a hope that's waiting for you
In the dark
You should know you're beautiful
Just the way you are
And you don't  have to change a thing
The world could change it's heart
No scars to your beautiful
The stars where beautiful

***

" Ahahaha pangit!" Tuloy lang Aleeyah.

"Uy wag niyong lapitan yan! Engkanto yan!" Wag kang iiyak. Kaya mo pa.

"So ugly....eew"

"Ang pangit niya, yuck"

Ramdam ko ang pagdausdos ng mumunting luha pababa sa pisngi ko. Patuloy lang akong naglakad papasok at hindi na lamang pinansin ang mga mapanuring mata ng mga taong akala kong tatanggap sa akin.

Napangiti na lamang ako ng mapait nang maramdaman kong iwas na iwas sa akin ang lahat ng taong madadaanan ko. Bigla biglang lalayo na akala mo ay may nakakahawang sakit, nakakaabala sa kanila. Ganito na nga pala ang mundo, hindi na uso ang pagkakapantay pantay sa tao.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng may
naramdaman akong malagkit na likidong unti unting bumubuhos mula sa ulo ko pababa sa mukha. Dahan dahan ko itong kinapa atsaka tinignan.. Itlog.. Malansang itlog.. Lalo akong napayuko ng marinig ang boses ng gumawa nito sa akin.


"Aw, poor Aleeyah, sorry akala ko kasi harina kaya binuhusan ko ng itlog" kasunod ng panglalait nito ay ang pagtawa ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Kinuha ko ang panyong siyang dumadamay sa akin sa tuwing punong puno na ako at ipinunas ito sa sarili ko at saka naglakad palayo para umiwas sa gulo. Pero hindi umaayon sa akin ang tadhana.


Hinila ako ng isa sa mga alipores niya.. Atsaka sinampal. "Hoy purita?! Anong karapatan mong talikuran kami ha? Engkanto na nga, ang lakas pa ng loob! Hahaahahah" hinila nito muli ang buhok
Atsaka hinarap ang mukha sa madaming tao.

" Oh? Ngayon nakikita niyo ba ang pangit na mukha ng babaeng to? Nakikita niyo ba? Ibang iba siya sa atin! Hindi siya normal! Kaya dapat mapaalis siya sa school nato!" Bumalatay ang sakit sa ulo at katawan ko ng ibalya ako nito sa pader, dahilan para mauntog ako at tumilapon. Oo nga pala, kapag kakaiba ka hindi ka karapat dapat, kapag kakaiba ka. Wala kang posisyon sa mata ng iba.

Nag angat ako ng tingin at hindi inalintana ang sakit ng ulo at katawan ko para lang matignan ang taong isa sa dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko. Naluluha kong tinignan ang isa sa mga taong akala ko ay mamahalin ako. Dahan dahan akong tumayo at saka siya  nilapitan "A- ate, b-bakit?" Rumehistro ang takot sa mukha nito. Hindi ang takot para sa akin kundi ang takot para sa sarili niya. Takot siyang matanggalan ng repustasyon bilang isang mataas na estudyante. Na kahit sarili niyang kapatid ay kaya niyang itakwil para lamang sa sarili niya.


Mabilis nitong tinabig ang kamay kong hahawak sana sa kanya at sinipa ako nito palayo " Wala akong kapatid na katulad mo! Hindi kita ka ano ano! Alis! Alis" tila isang malaking palaso ang tumagos sa puso ko pagkatapos niyang sabihin ang mga ito. Tuloy tuloy ng umagos ang kanina ko pang pinipigilang mga luha. Luhang sumisimbulo ng pagsuko at ng hirap na dinadanas ko sa mga kamay nila.


Dauntless WarriorsWhere stories live. Discover now