Eve tears fell. Umiyak ito at hinila ang kamay niya para yakapin. She can’t help but cry, too. Naaawa siya sa kapatid sa tuwing nakakakita siya ng lungkot at takot sa mga mata nito. It is like staring at the scared and depressed version of her self, and it is so heartbreaking.

“Kung sana ay hinayaan mo akong makilala ka nang mas maaga, sana ay mas na-protektahan kita mula sa mga taong iyon. Sana hindi na tayo humantong sa sitwasyong muntik na nating mapatay ang isa’t-isa.” Marahas niyang pinunasan ang mga luha sa mga mata niya. “Ang taong umabuso sa’yo. Siya ang dapat magdusa at hindi ikaw.”

“Natatakot ako, Pau. Natatakot ako na baka balikan ako ulit nung lalake. Natatakot ako.” Eve sobbed and burried her face on Pauline’s palm.

Umikot siya sa table para malapitan ang kapatid. Niyakap niya ito ng mahigpit mula sa likuran.

“Huwag kang mag-alala. Andito ako. Hindi kita hahayaang malapitan ulit ng mga taong iyon. You’ll be safe, Eve. I’ll make sure you will.”

It breaks her heart to see her sister cry. Kahit pa andami nitong nagawang masama sa kaniya ay hindi pa rin niya magawang magalit ng lubos dito. Eve needs her more than anything else in the world.

Ilang buwan na rin itong nasa mental hospital at halos linggo-linggo niya ito binibisita pero ngayon lang ito nag-open sa kaniya ng gano’n. And she’s happy. Dahil sa wakas ay pinapasok na rin siya ni Eve sa buhay nito. Kung sana lang ay nabigyan sila ng pagkakataon para makapag-usap sila ng maayos at mahinahon ay sana hindi na sila humantong sa puntong halos patayin na nila ang isa’t-isa. But now she has the opportunity to make things right. Gagawin niya ang lahat para maging malapit sa kapatid niyang nawalay sa kaniya ng matagal na panahon.

NANG makauwi siya ay hindi niya maiwasang mapangiti habang tinitingnan ang painting na ginawa ni Eve para sa kaniya. Eve really has a genuine heart of a child. Nag-kuwentuhan sila buong maghapon sa visitor’s lounge ng hospital at hinayaan niyang ipinta siya nito.

Eve has an amazing talent for arts. Nagawa siya nitong i-pinta gamit lamang ang watercolor na ni-regalo ng anak niyang si Erin dito. Mukhang ang anak niya ang unang nakapansin na may mata si Eve para sa Arts.

Nang makarating na siya sa bahay nila ni Grego ay nakita niya ang asawa sa salas. Magha-hatinggabi na kaya nakasisiguro niyang tulog na ang mga katulong maging ang anak nilang si Erin. Gayunpama’y hindi na siya nagtaka kung bakit gising pa rin si Grego.Balisa ito at tila may hinihintay at hindi mapakali. When he finally saw her, mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo ito papunta sa kaniya at sinalubong siya ng yakap.

“Ang tigas talaga ng ulo mo, Pauline! Sinabi ko na sa’yo na isama mo ang mga gwardya mo ’pag bibisita ka kay Eve pero hindi mo sinunod.”

Mabilis siyang kumalas mula sa pagkakayakap ni Grego at hinaplos ang pisngi nito. “I’m fine, Grego, really. I am.” Sumayaw-sayaw pa siya. “See? Okay lang ako.”

He heaved a sigh and pulled a stem of rose behind him. “Happy birthday, baby.”

Napangiti na lang si Pauline. Nakasimangot pa kasi ang asawa habang binibigyan siya ng birthday gift. Ngumuso pa ito at parang nagmamaktol.

“Bakit mahaba ang nguso mo? Nagtatampo ka ba?”

Nagtiim-bagang lang ito at nag-iwas ng tingin. “Hindi.”

Pinaningkitan niya ito ng mata. “Weh? Sino ang niloko mo?” Hindi siya naniniwala dito. Grego is expressive and he never fails to make her feel what’s going on inside his head. Kapag naiinis ito o nagtatampo sa kaniya, madalas ay hindi iyon sinasabi ng asawa sa kaniya bagkus ay ipinaparamdam nito iyon. Katulad ngayon, halos magsalpukan ang kilay nito at hindi tinatagpo ang mga tingin niya.

Something About Her (EROTIC ROMANCE)Where stories live. Discover now