Chapter 3

14.2K 407 12
                                    

ILANG araw ang lumipas simula nang kupkupin si Rin pansamantala ni Mayor Gregorio Perez. Hindi niya ma-kontak ang ina-inahan niya dahil hindi naman niya kabisado ang cellphone number nito. Maliban doon ay hindi siya makakauwi dahil sunod-sunod ang bagyong naitala ng PAGASA at masyadong delikado kung magdedesisyon siyang umuwi kaagad. Masyading maputik ang daanan sa San Rafael kapag umuulan kaya walang masyadong nagba-byahe mula sa bulubundukin papuntang bayan kapag ganoong mga panahon. Kaya rin siguro wala siyang natatanggap na balita na hinahanap na siya sa kanila. Mahirap ang mag-commute lalo na’t sinabi ni Grego na milya ang layo niya mula sa San Rafael. Maliban doon ay masyado pa siyang mahina para b-um-yahe mag-isa kaya sinabihan siya ni Grego na manatili muna sa bahay nitong mukhang palasyo sa sobrang laki.

Sa totoo lang ay nahihiya na siya kay Grego. Ni hindi naman siya nito kaano-ano pero heto siya ngayon at nakikitira sa bahay nito. Maliban doon ay ibinigay na rin ni Grego sa kaniya ang mga lumang damit ng ex-wife nito dahil wala siyang masusuot na damit. Kung tratuhin din siya ng mga kasambahay doon ay parang prinsesa.

You should take a rest. Kailangan mong magpagaling kung gusto mong makauwi na.Naalala niyang wika ni Grego sa kaniya. Ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala.

She felt a sudden burst of joy in her heart. Ang simpleng pagpapakita nito ng concern sa kaniya ay ikinatutuwa niya. Maliban kasi kay Nanang Marta niya ay ito lang ang nagpakita ng concern at malasakit sa kaniya sa oras na walang-wala siya. His hometown is so lucky to have him. Napakabait na Mayor ni Grego at ma-swerte ang Pilipinas dahil nagbabalak daw na tumakbo ng binata bilang senador. He really loves helping people. Kaya labis ang pagtataka niya kung bakit hiniwalayan ni Pauline si Grego. He seems like a really nice guy. Kung sa kabaitan ang pagbabasehan ay wala siyang masasabi. He’s kind… polite… and somewhat… handsome.

Napailing-iling siya at iwinaksi sa isipan ang iniisip. Nagpatuloy siya sa pagkain sa hapagkainan mag-isa. Ilang saglit pa ay may napansin siyang isang maliit na bulto na nagtatago sa likod ng pader na papuntang hagdanan. Nang lingunin niya iyon ay namataan niya ang nag-iisang anak ni Grego na si Erin. Apat na taong gulang pa lamang ito at medyo mailap sa mga tao. Sa ilang araw na paninirahan niya sa mansyon ni Grego ay pansin niyang curious sa kaniya ang bata. Siguro ay dahil sa kamukhang-kamukha niya ang ina nito.

She smiled at Erin. “Hali ka. Kain tayo.” Sinenyasan niya itong lumapit. The kid instantly hid behind the wall. Napangiti siya. Mahiyain din pala katulad niya si Erin. Maybe it runs in our blood?

Malaki ang hinala niyang kakambal niya si Pauline. Ayon kay Grego, ampon lang daw ng pamilya Samonte si Pauline kaya hindi malayong totoo ang hinala niya. She have to know the truth. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nalalaman ang totoo.

Kaya hindi rin niya magawang umuwi pa sa probinsya ay dahil gusto niyang malaman ang katotohanan kung sino nga ba talaga siya. Bakit niya kamukha si Pauline? Bakit nagkahiwalay sila ni Pauline kung totoo ngang kakambal niya ito? Ilan lang iyon sa mga katanungang bumabagabag sa isipan niya araw-araw simula nang ma-aksidente siya.

Sa sobrang lalim ng pag-iisip niya, hindi na niya namalayan na nakalapit na pala sa kaniya si Erin. The kid placed her tiny little hand on hers and looked at her with sympathy. Tila alam nito na bothered siya.

“Huwag ka na pong malungkot, Tita. Hindi po bagay sa inyo ang sad.”

Her brows wiggled in awe. “Ang sweet mo naman,” She smiled. “Kumain ka na ba?”

Tumango ang bata sa kaniya. “Opo, Tita. Hinihintay ko na lang po si Daddy. Sabi niya raw po, pupunta kami sa restaurant ngayong araw.”

“Talaga?”

Tumango ang bata sa kaniya. “Opo. Birthday ko po ngayon eh.”

Natigilan siya. Bigla ay sumakit ang ulo niya. Kasabay no’n ay ang pag-agos ng mga alaalang hindi niya batid kung saan at kung kailan nangyari.

Something About Her (EROTIC ROMANCE)Where stories live. Discover now