“So… alam mo na pala ang lahat, wala na akong ipapaliwanag. It is for your own good,” he touched her foot. Nang mahawakan niya iyon ay halos maluha siya. She’s real. Totoo ang babaeng nakikita niya ngayon. Akala niya ay nababaliw na siya dahil sa labis na pangungulila at lungkot kaya nagha-hallucinate pero hindi.

“Hindi lang ‘alam’, Grego.” Gumapang si Pauline para makalapit sa kaniya. She grabbed his nape closer to her and claimed his lips.

Pauline became aggressive just like before. Ang mga kamay nito ay naging mapanuklas at tinanggal ang twalyang nakapulupot sa bewang ng asawa.

Tinugon niya ang mga halik nito ng may halong pananabik at gigil. She tastes so much edible right now, lalo na’t may balak siyang kainin ito ng buhay.

Pauline let go of his lips and stared at him right in his eyes. Tears were streaming down her face. Bukod pa roon ay may halong pagtatampo ang mga tingin na ipinupukol nito sa kanya.

“Bakit hindi mo ako binisita? Alam mo ba kung gaano kita na-miss?” She cupped his face. “Three years. Nawalay tayo sa isa’t-isa ng tatlong taon pero bakit gano’n ka? Bakit hindi mo sinabi sa’kin yung totoo? Bakit mo hinayaang mawalay ulit sa’kin ng ilang linggo nang hindi man lang nagpapaalam?”

His heart skipped a beat. "Don’t tell me…" his mind asked hopefully.

She nodded with a smile, na para bang narinig nito ang tanong niya sa isipan. Umaagos pa rin ang luha sa mata ng asawa. “Oo, Grego. Naaalala ko na ang lahat.”

He can’t help but cry, too. Overflowing joy filled him. Natutuwa siya at nagbalik na ang mga alaala ni Pauline. Natutuwa siya na magiging isang buong pamilya na ulit sila.

“Why are you crying?” Kaagad na pinunasan ni Pauline ang mga luha niya sa pisngi.

“I was just happy.” He cupped her face with his palms. “Tell me, nasaktan ka ba noong nakaalala ka? Hindi ba sumasakit ang ulo mo kapag nakakaalala ka? Did you have a hard time remembering, baby?”

Tumango si Pauline at hinaplos ang kanyang pisngi gamit ang hinlalaki nito. “Noong nakaalala ako, mas lalong masakit pero ininda ko. Kasi gusto kong makaalala. Gusto kong maalala ang lahat. I wanted to know everything that I wanted to leave behind for you. Pero mas lalo akong nagulat nang maalala kita.” She sobbed as she locked her gaze into his eyes. Her eyes expresses  longing, happiness, and love. “From the very first day that I rolled my eyes at you because you’re so expressive and sweet.” She cupped his face. “Naalala ko rin kung paano mo ako sinuyo… k-kung paano mo ako hagkan noong unang beses tayong nagkakilala. I remember it all. Lahat, Grego. Lahat.”

Grego hugged Pauline. Tight. Almost afraid to let her go. “I love you, Pau. I love you. And I’m sorry for leaving you wuthout bidding goodbye. I’m sorry.”

Kumalas si Pauline sa pagkakayakap kay Grego para matingnan ang asawa sa mga mata. “Kaya pala. Kaya pala napakadali para sa’kin na mahalin ka. K-Kasi matagal ka nang nakaukit dito.” She placed her palm on her chest. “You are embedded in my heart, Grego. Kaya kahit ilang beses akong magka-amnesia ay maaalala ka nito,” then, she sobbed. “Bakit lagi mo na lang isinasakripisyo ang sarili mo? Tell me, Grego. Bakit ka gano’n? Nasasaktan ka na pero nagawa mong tiisin para maging ligtas ako… para lang hindi ako mahirapan.” Hinaplos niya ang pisngi ng asawa. “Ipinagpawalang-bisa mo ang kasal natin para lang masigurado mong magiging ligtas ako dahil buong akala mo ay pagtatangkaan ko ang sarili ko. Naging sunud-sunuran ka sa akin kahit na nasasaktan ka na. Tell me, Grego. Why on earth do I deserve someone like you?”

He kissed her lips. Banayad iyon at puno ng pagmamahal. “Because I love you, Pau. So much. Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya ka kahit na ang kapalit no’n ay ang pangungulila ko sa’yo. I missed you, baby… and I’m sorry. Sorry dahil nakipag-hiwalay ako sa’yo. I was wrong. Dapat ipinaglaban kita. Dapat ay hindi ko hinayaang maloko ako ni Eve.”

Something About Her (EROTIC ROMANCE)Where stories live. Discover now