"Oo nga naman." Natapos ang lunch na inaasar parin nila ako ...
*End of Flashback*
nagkakausap pa rin naman kami pero , iba eh , parang umiiwas siya ...
napapansin din pala nila yun ... di ko rin naman alam kung bakit siya naging ganun ... wala naman ako maisip na ibang dahilan ...
" nakakapag taka lang kasi kung bakit bihira na kayo mag usap ... ayos naman na kayo diba ? "
" oo , wala naman dahilan para mag away kami e .. hayaan nalang natin basta ayos kami ... "
*bzzt.bzzt*
daddy Andrew qo <3
==> mommy , ppnta ba kau ulit d2 ? miss u po ..
kinikilig ako habang binabasa ang text ni Andrew ... infairness sweet pa rin ...
me:
==> opo , ttmbay lng daw po jan sa may bukid , maaga kc awas nmin maya, miss u 2 po
*-*-*-*-*-*-*
nang matapos ang klase namin pumunta na kami sa lugar nila Andrew para tumambay sa may parang bukid doon ...
pagdating doon agad kong hinanap si Andrew , pero sabi ng barkada niya wala daw ....
saan kaya nagpunta yun , di man lang nagpasabi ....
me:
==> daddy , nsan ka ??
naghintay ako sa reply niya pero wala akong nareceive ....
nagkatuwaan pa kami na mag sayaw habang nakatambay ...
nang mapagod kami nag ayaan bumili ng merienda , si Len at Kate ang umalis para bumili ....
pagka alis nila , napansin kong papunta sa direksiyon namin ang isa sa barkada ni Andrew ...
" Maddz , nasa akin ang cp ni Andrew , wala rin naman load to " sabi niya paglapit niya , tapos tumabi pa sa kinauupuan ko ....
ay feeling close c koya ...
" e bakit po nasa iyo ang cp niya ? " tanong ko ...
" hiniram ko kasi kanina sakanya , tapos iniwan na rin niya kasi wala naman daw load " sabay iniabot niya sakin ang cp ni Andrew,
" anong gawin ko dito ? " tanong ko ...
hindi ko naman kasi ugaling makialam ng cp .....
" wala lang , baka gusto mo kasi icheck eh "
" bakit ? meron ba ? " tanong ko na ikinagulat niya ,
" wala naman " simpleng sagot niya ....
ayoko naman mag isip ng kung ano , dahil hindi alam kong wala naman ....
napalingon ako kay Yhallie na nakatingin din pala sakin ....
alam kong narinig niya ang usapan namin ... at kita ko na nag aalala siya ....
binalik ko na ang cp sa kabarkada niya , at nagpaalam na rin siyang aalis na ...
wala naman akong dapat ipangamba diba ??
" ayos ka lang ? " tanong agad ni Yhallie sakin ...
" oo naman , wala lang yun " at ngumiti ako ....
simula ng araw na yun , nagbago na si Andrew .... naging cold na siya sakin ...
bihira na rin siya magtext ... minsan parang umiiwas pa ...
paranoid ba ko ????
tinawagan ko siya ... alam ko kasing wala siyang load ....
sinagot naman niya kaagad ....
[ hello ]
" musta ? "
[ ok lang ]
bakit ganito siya ???
" may problema ka ba ? tayo ? "
[ ............ ]
hindi siya sumagot .... unti unti ng may namumuong luha sa mga mata ko ...
" ayaw mo na ba sakin ? "
[ .......... ]
" dahil ba mataba ako ?? dahil hindi ako maganda ?? " pumatak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ...
[ hindi naman sa ganun , pero kasi si lolo , sinabihan niya ko na pumasok nalang sa seminaryo , gusto niya mag pari ako ]
nagulat ako sa sinab niya .... mag pari ?? san galing yun ??? wow , panibagong kalokohan na naman ...
" ok , sige , goodluck nalang po father " at pinutol ko na rin ang pag uusap namin ....
bitter ??? oo bitter ako ... aminado ako ....
ang sakit .... nakakainis ...
kinabukasan pagpasok sa school , mugto ang mata ko ....
naikwento ko kay Yhallie ang nangyari ... at galit na galit siya ... out of nowhere naman kasi yung rason niya e ...
dumating si Len , kaya kaagad siyang ininterogate ni Yhallie ...
" papasok ba talaga si Andrew sa seminaryo ? " yhallie
" huh ? e-ewan ko s-sakanya " sagot ni Len na hindi makatingin sakin ng derecho ....
may alam si Len , pero wala siyang balak sabihin ...
lumabas ako ng room , tumambay muna ako .... naiiyak kasi ako , ayoko naman na makita nila akong umiyak ....
ang sakit kasi masyado ... yumuko nalang ako , para kung may dumaan man hindi nila ako masyadong mapansin .....
tumulo nalang bigla ang luha ko ....
" huwag ka ng umiyak diyan "
nag angat ako ng ulo at nagulat ako sa nakita ko ....
siya ??????
bakit ????
*-*-*-*-*-*-*-*-
YOU ARE READING
SML2 [ Offline Message: I'm here ]
Teen Fictionpanibagong kwento ng Social Media Love ... ang kwento ng maharot , makulet at pinaka dakilang bestfriend na si Maddie ... alamin ang kwento sa bawat ngiti niya ...
Offline Message 9
Start from the beginning
![SML2 [ Offline Message: I'm here ]](https://img.wattpad.com/cover/1933759-64-k720278.jpg)