First Date With Him

149 2 4
                                        

First Date With Him

“we were strangers starting out on a journey... never dreaming we’d have to go through”

1:30pm;                3rd and last subject;       Research 1;                         COE bldg. Rm 203

September 23, 20**

OFF to UPLB.... yey!!! I’m gonna meet Kuya Harry nah!!! Yahooooo.... ^________^

Paulit-ulit kong binabasa yung schedule ko sa notebook. Aish... sa totoo lang, tanggap ko na naman na ito na yung magastos na part ng thesis. Mamaya kasi pupunta na kami sa mga respondent schools namin at ang first stop..... UPLB!!!

Haaaay!

Napabuntong hininga na lang kami mga kaklase ko pag naiisip. 10 days kami ron para maggawa ng chapters 1 and 2. At kung tatanungin nyo kung anong thesis title namin, di ko rin memorize eh... basta tungkol sya sa mga AKTIBISTA.... yoooohoooo... katakot langs... hoho

Masaya ako.... syempre... may nakilala akong isang tao from UPLB not so long ago... yep, lalaki po sya.. at sya si Kuya Harry. Nagkakilala kami sa wattpad. Pareho kaming writers online and offline. Pano? Editor in Chief po ako ng university publication at sya naman, staffer din pero di ko alam ang position nya. Sabi nya nga, “pareho kaming alagad ng katotohanan”. To make the story short, we became friends. We have a lot of common. Akalain mong pati Anime na paborito ko ay paborito nya rin! At mas marami pa syang alam kesa saken... nakuuu!

Nung birthday ko, binigay nya saken ang cellphone number nya. In fairness... hindi nya hiningi yung saken. Unlike the others na nanghihingi ng numbers. Yan ang tunay na lalaki!!! Sila nagbibigay... haha

At hayun, after so many years, muling nagkasilbi ang cellphone ko.

At dahil dun, lalo ko sya nakilala

What’s so mysterious with kuya Harry is that I never saw his face ever. Sa FB at Wattpad, never pa syang nag-upload ng picture nya.

I do hope, hindi naman sya gangster type na sasakalin ako.. huhu.. at hindi naman sya fratmen.. sure ako dun kasi nabanggit nya na saken once na napanaginipan nya yung mga fratmen na inaway ng nanay nya. Haha...

In short, nakakatuwa talaga si Kuya Harry, para talaga kaming tunay na magkapatid. Mas close pa nga kami kesa sa tunay kong kuya.

At ang maganda pa ron, pareho kaming ayaw sa..... PBB TEENS!

“OK we’re here!!!!” sigaw ni Wendy habang nakatanaw sa campus.... huwaw!!! Anlaki-laki naman nito... ahuhu... samantalang yung school namin, malaki nga pero puro palayan naman...

“WOW!!!!!!! Tara na dali!!!!!! Nakakatuwa naman! First time ko dito nakapunta... pakiramdam ko ayaw ko na umalis!” dagdag pa ni Zyke

Haha.. adik lang Zyke? Nga pala, nasayo yung letter natin di ba? Labas mo na para makapasok na tayo! Excited na kooooo!!!!!” natatawa kong sabi....

Ako? Excited? Oo naman... sobra, naghihintay na kasi saken si Kuya Harry sa loob. Yeeeh.... syempre nga di ba ito yung first time ko na makikita sya? Kaya ayun, ngarag lang.

Pagpasok namin, kinausap namin agad yung chancellor. Bale ok na naman lahat ng transactions namin sa kanila kasi naitawag na namin to para di sayang yung punta namin. Approved ang lahat ng papers namin. Pinayagan kami magcapture ng mga facilities at magikot-ikot ngayong araw. Getting to be familiar ang drama. Haha

Pagkalabas namin, agad kong tiningnan yung phone ko... tsk... 7 messages.

3 mula sa tatay ko.

3 GM, isa from Zyke, isa from Wendy at isa from Frantz, classmate din namin

1 from kuya Harry

From Harry V: Tet! Wahaha... 12:00 vacant ko today. Intay kita dito sa may botanical garden. I am wearing blue shirt. Ingat ka sa byahe... bwahaha. Kitakits maya! Excited na ko!

Eh kung excited sya, mas excited naman ako noh. Dami ko kayang picture sa facebook. At for sure naman nakita nya yun. Eh ako? Di ko pa sya nakikita. Daya kasi sya. Hmft

Tiningnan ko yung wristwatch ko. 3 minutes before 12:00. Lagot. San kaya yung botanical garden?

Eksakto namang may grupo ng mga estudyante na papalabas ng classroom kaya nakapagtanong ako agad.

Sus... layo pala nun dito sa kinatatayuan ko.

Laka-takbo ang ginawa naming tatlo. Syempre kasama ko pa rin sina Zyke at Wendy. In case na maligaw kami, di lang ako mag-isa. Tatlo kaming nganga.... haha

After 10 years, narating namin ang Botanical Garden ng buhay at ligtas... haaaaay!

KAWAIIII!!! Ang kyot ng place!!! Daming plants, malamang garden eh noh????? Munbaliw lang si Tet...

Then....

I saw him sitting. Nakatalikod. Grabe ha? pati ba naman sa una naming pagkikita suspense parin? Kinakabahan ako...

“Tet... sya na ba yun? Grabe, nakatalikod pa lang mukha ng gwapo!” ~Wendy

“loka-loka ka talaga... nakuuu! Baka naman hindi sya yan?”

"Eh di ba sabi mo naka-blue... sya lang kaya nakablue... at take note... sya lang ang TAO dito.. gets?”

Di ako nakinig kay Wendy. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si kuya Harry.

To Harry V:

Andito na ko kuya. May nakita na akong nakablue. Lingon ka kung ikaw nga iyon. :)

please lumingon ka...

First ten Dates With Him (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora