Bwisit! Bakit ba laging ako ang target?!



Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang gumapang patungo ang nakakatakot na nilalang patungo sa akin. Nakasuot ito ng duguang Traffic Enforcer attire. Kinapkap ko ng mabilis ang baril ko pero wala kaya dinukot ko na lamang ang Kutsilyo.



Nakahanda na ang kamay ko na saksakin ang leeg niya at nang pinwersa ko ito ay iba ang nasaksak ko.



"AAAHHH!!!" Napahiyaw ako sa sobrang sakit nang naramdaman ko ang kutsilyo na bumaon sa talampakan ko. Naramdaman ko kung paano ito lumubog at naramdaman ko din ang pagkapunit ng mga karne ko sa loob-looban.


Kasabay ng pagsigaw ko ay ang apat na putok ng baril na tumama sa sumugod sa akin kanina.



"Damn! Fuck! Putangina putangina tulungan niyo ako!!" Nagwawala kong tugon at mas lalo akong nag-hysterical nang nakita ko ang kutsilyo na nakasaksak pa rin sa paa ko.



Hindi ko na namalayan ang susunod na nangyari. Sa sobrang paghabol ko ng hininga sa kaba ay bigla na lamang nandilim ang paligid.






PRESENT


"Iyak ka na naman?" Pang-aasar sa akin ni Zach. Inirapan ko na lamang siya.



Bumuntong hininga si Alec. "Look, i'm sorry kung hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari sa iyo." He couldn't stare at me.

"It's not your fault anyway." I said. "Sadyang tanga lang ako at sarili ko mismo ang sinaktan ko."


Napabuntong hininga si Alec at ipinagpatuloy ang pagbabalot ng makapal na tela sa paa ko.

"Hindi ba't masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya?" Singit ni Aliah sa usapan.

"She might get infection." Sambit ni Alec. Napatingin naman ako sa semento kung saan nagkalat ang aking dugo.

Sa totoo lang, I feel so weak. Madami ngang dugo ang nawala sa akin.

"Huh." Natawa si Ian. "Be thankful for still being alive."

I smirked. "Of course, ako pa ba?" We laughed.


Uminom na muna ako ng tubig at biglang nagsalita si Miranda na nasa tabi ni Marga na naghuhugas ng mga sugat. "Nagdidilim na. I think we should really go."


Napabuntong hininga ako at sinubukang tumayo. Nang nakatayo ako ay bigla akong napapikit sa sakit. Parang madami na namang lumabas na dugo.

Inalalayan ako ni Alec pero pinigilan ko siya. "I-I'm fine. Thanks.."


Napatango siya. Naglakad na kami papunta sa van. Bitbit ko ang isang bote na tubig. Hinawakan ko naman ng mabuti ang baril ko.

Nang nakasakay na kaming lahat sa loob ay napasandal ako sa upuan ko. Uminom naman ako ng tubig habang pinapaandar nila Alec ang sasakyan.


Napatingin ako sa labas. Palubog na ang araw. Kitang-kita ko ito dahil nasa taas kami ng bundok.


Napatingin ako kila Alec dahil nagtaka ako kung bakit hindi pa umaandar ang sasakyan.

Fearing The Unknown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon