Huminga siya ng malalim. Hello school! Hello jerks! Grrrr!

Katatapos lamang niyang kunin ang class schedule nang magkita-kita sila ng mga kaibigan niya. As usual, maraming kuentuhan tungkol sa bakasyon. Nakikinig lamang siya. Puro kasi nag-out of town ang mga ito. At siya? At least, e, out of Damien’s sight the whole summer vacation. Pakunsuelo na iyon sa kanya.

    “ Uy, Sarah, mamaya ba nasa party ka ng mommy ni Damien? Invited kasi si Papa, baka sumama ako,” si Zoe habang naglalakad palabas ng school. Wala namang maayos na klase ngayon dahil kuhaan lamang ng mga class schedule kaya nagpasya na lamang silang umuwi muna at magpahinga. At siya naman ay tutulong sa mansiyon.

    “ Alam mo naman ang trabaho ko sa mansiyon, kahit pumunta kayo du’n hindi rin tayo magkikita-kita. Mag-enjoy na lang kayo. Invited din ba ang mommy mo, Gaby?” baling ni Sarah kay Gabrielle.

   “ Parang,”

   “ That’s good. E, di kita-kits na lang kayo mamaya sa party. Busy ako mamaya, e,”

   “ Okay. No problem,” sabay na sagot ng dalawa niyang kaibigan. Kahit alam ng mga ito ang trabaho niya sa mansiyon ng mga Montecarlo ay hindi nila kinahihiyang maging kaibigan siya ng mga ito.

Matagumpay na naidaos ang kaarawan ni Senyora Agatha. Hindi magkamayaw ang pagdating ng mga taong gustong bumati sa mabait na ginang. Mga kaibigan, kamag-anak at ilang mga kasosyo sa negosyo sa kani-kaniyang propesyon ng mag-asawa. Mag-aala una na ng medaling araw nang magsimula ng unti-unting magpaalam ang mga bisita. Habang sila naman ay unti-unti na ring nagliligpit ng mga dapat liligpitin. Pagod na pagod sila nina Ate Merlyn, at Nanay Nita niya. Paano’y walang puknat ang pagsisilbi nila sa mga bisita. Kahit pa sabihing umarkila pa ang senyor ng mga taong maaring magsilbi sa mga bisita’y nakaramdam pa rin sila ng kapaguran.

   “ Oh! Sarah! Hija! Pasado ala-una na. Bakit hindi ka pa natutulog?” tila gulat na puna ni Senyora Agatha nang mapansin siya nitong nagliligpit ng pinaggamitang lamesa sa hardin.

   “ A, e, happy birthday po, senyora. Hindi pa naman po ako inaantok. Tutulong po muna ako kila nanay,” aniyang nakangiti sa napakagandang ginang.

Umiling si Agatha at hinawakan ang magkabilang balikat niya at giniya gilid ng bahay patungo sa maid’s quarter nila. “ No,no! You must rest now. May pasok ka pa bukas, hija. Hayaan mo na sila sa mga ligpitin. Hahayaan ko silang matulog bukas hanggang tanghali. Sige na, umaga na,”

Napangiti siya. “ S-salamat po, senyora,” aniyang kumaway sa iba pang katulong at kay Nanay Nita bago tuluyang nilandas ang daan patungo sa quarter nila.

Papasok na lamang siya ng pintuan nang maramdaman niyang may bumato sa likuran niya. Nagtatakang napalingon siya. Tumambad sa paanan niya ang isang stuff toy. At nang damputin niya iyon ay tsaka lamang niya napag-alamang isa iyon poodle stuff toy. Puting-puti iyon at mahahaba ang artificial fur na parang sa tunay na poodle. Mapula ang karampot na bibig. Itim ang maliit ding ilong na natatakpan ng mga hibla ng balahibo at ang mga mata ay kulay asul. Napangiti siya. “ Saan ka nanggaling?” kausap niya sa laruang nadampot na isinayaw-sayaw pa na parang paslit sa ere. “ Ang cute –cute mo,”

     “ Do you like it, Nerdy?” mula sa dilim ay lumabas ang kababatang ngayon lamang niya muling nakita mula pa kahapong dumating ito galing America.

Ang ngiting kanina ay nakaukit sa mga labi niya ay biglang nahalinhan ng pagtiim ng bibig habang nakatingin sa palapit na binata.

     “ It’s cute. Bianca will surely like it,” sagot niyang hinagis pabalik sa binata ang stuff toy. Batid niyang ginu-good time na naman siya nito. Minsang pinapili siya nito ng isang sleeping bag sa mall, akala niya ay regalo sa kanya ni Damien. Iyon pala’y pinapili lang siya para sabihing bibilhin iyon ng binata para kay Bianca. Peace offering dahil nag-away sila.

    “ It’s for you,” hindi na siya naiilang kung kinakausap siya ni Damien ng wikang English. Sa loob ng pamamahay ng mga Montecarlo, English is their prime medium to communicate. Isa pa ay as much as possible they are not allowed to speak tagalong inside the classroom. Hindi naman sa tinatakwil ng school management ang sariling wika, subalit iyon ay isang paraan para ma-enhance ang communication ng bawat isa through universal language.At hindi sa hindi marunong mag-tagalog ang pamilya ni Damien,kundi gawa ng lagi ang mga ito sa America kung wala din lang pasok sa school, nakasanayan na marahil ng mga ito ang wikang iyon. Isa pa’y international businessman ang ama at ina ni Damien. So, mostly ang mga kausap ng mga ito ay mga dayuhan.

     “ Thank you,but you don’t have to give that to me. It scares me knowing it’s coming from you. It’s so cute that it keeps a lot of freaking moments behind it. You still can bully me without it,anyway,” aniyang pinag-krus ang braso niya sa dibdib at nanghahamong tinitigan ang binata.

Napangiwi si Damien. Tsaka nilantad sa kanya ang tiyan ng poodle. “ See? I asked someone to embroidered your name here. It’s really yours,” sabay nitong binato pabalik sa kanya ang stuff toy na mabilis naman niyang nasalo habang lalong tumiim ang pagtitig niya kay Damien na hindi rin naman nito inurungan. “ See you later, Nerdy. Don’t freak out for the coming days ahead,” tsaka ito tumalikod sa kanya.

    “ Jerk!” madiing sambit niya habang sinusundan ng tingin ang papalayong binata. Hindi niya namamalayang napahigpit pala ang paghawak niya ng stuff toy. Nagulat pa siya nang may marinig siyang cartoonize voice galing sa stuff toy na hindi niya mawawaan. Muli niyang pinisil ang iba’t-ibang parte ng katawan ng poodle at nilapit sa taynga niya upang maayos na marinig kung ano ang sinasabi nito para lamang lalo siyang mainis. Kasunod ng pagpindot sa isang paa nito’y pumailanlang ang malambing na “ I Miss You” mula sa poodle. Missing bullying me? Nagdadabog na pumasok siya sa loob ng bahay at tumuloy sa silid niya. Binato sa kama niya ang stuff toy na may kalakihan din naman. The size can be a replacement for one pillow. Nami-miss ba nito ang pangbu-bully sa kanya? Ang pang-aalila nito sa kanya sa loob ng campus? Mabuti nga at hindi siya nagsususmbong sa mga magulang nito. at kay Nanay Nita. Ayaw niya kasi ng maraming sasabihin o maraming usapan. Tama lang siguro na alilain siya ni Damien. Paaral naman siya ng mga magulang nito,e. Ang hirap talaga ng mahirap.

As expected. Maingay sa hallway. Kasi’y nariyan na ang mga star player. Maraming ang mga nagpa-pa-cute. Trying hard na mapansin. Kahit alam naman ng mga itong may girlfriend na ‘yung tao. Maraming bumabati kay Damien at Tristan na para sa kaniya’y nakakainis pagmasdan. Kailangan bang samabahin ang mga ito? Life is so unfair, huh? Hindi naman maikakaila kung paano siya tratuhin ni Damien sa harapan ng iba pang estudyante, and still, hinahangaan pa rin siya ng mga karamihang kababaihan. Kinaiingitan pa rin ng ibang kalalakihan.

Kung hindi ka sana na-late magising, hindi mo na makikita pa ang eksenang ganito, sermon niya sa sarili. Sa sobrang pag-iisip niya sa poodle na galing kay Damien kaninang madaling araw ay hindi siya kaagad nakatulog. First time kasi nitong magpasalubong sa kanya. Kaya lalo lamang siyang kinakabahan sa maari pang gawin sa kanya ni Damien bukod pa tawagin siyang nerd sa harap ng kahit sino man. Kapag ba may suot kang salamin sa mata, nerd na agad? Hindi ba maaring malabo lang talaga ang mga mata mo o kaya’y ang tunay na dahilan ng pagkakaroon niya ng salamin? Astigmatism.

Napapailing na lamang niyang pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa klase niya. Wala naman kasing ibang madaanan bukod sa pinagtatambayan ng mga ito sa hallway. At bakit kasi doon pa nag-umpukan ang mga ito? Dati rati naman ay ang school canteen ang HQ ng mga ito. Mapa-umaga man o mapa-tanghali.

Hmmppp…kailangan bang halos halikan na ni Bianca si Damien sa harapan ng iba pang estudyanteng nagdaraan? Kung makayakap ito sa baywang ng binata’y akala mo’y may aagaw sa nobyo. At ang Damien, tila na nag-e-enjoy habang haplos nito ang balikat ni Bianca at masayang nakikipag-usap kay Tristan at iba pang mga kaibigan.

Ang akala niya’y nakaligtas na siya. Hindi pa man siya gaanong nakakalayo’y,: “ Hey! Nerdy!” tawag ng isa pang nagpapakulo ng dugo niya sa araw-araw bukod pa kay Damien.

My Princess Sarah [Completed]Where stories live. Discover now