3. Love, lies, and lives.

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ba’t kasama nito si TJ? Tiyak niyang kasama nito si TJ!

Pero hindi siya tinugon nito. Sa halip, tinitigan lang siya nito.

Ano ba? Nasaan si TJ??? Bakit hindi siya sagutin nito???

 

“J-Joice...” Dumako ang tingin niya sa kalalabas lang na babae mula sa isang sasakyan.

Si Joice? Pati ang mommy nito at ni TJ? Kailan pa nakauwi ang mga ito?

 

“J-Joice... Joice... s-si kuya mo? Nasa’n??? Nasa’n si kuya mo?” Niyugyog-yugyog niya pa si Joice.

Pero bakit parang galit na galit sa kanya ang itsura ni Joice? Dahil ba hindi niya pinigilang umalis si TJ? Hindi! Pinigilan niya si TJ! Pabalik na nga si TJ sa kanya, e. Parating na... Kaya lang.... wala pa. Pero pabalik na. Nangako si TJ sa kanya, e.

 

“Joice.... nakita mo ba si kuya mo? Pabalik na siya, e. Nakita mo ba? Kasama n’yo ba??? J-joice.... Joice, sumagot ka.” Bakit ayaw siyang sagutin nito? “Joice, si kuya mo—“

 

*SLAAP!*

 

“Joice!” Hindi niya alam kung sino ang mga napasigaw na iyon.

Ang alam niya lang.... nagulat siya. Oo, sinampal siya ni Joice. Pero nagulat siya hindi dahil doon kundi dahil hindi niya man lang ininda ang sampal nito sa kanya. Manhid na nga ata talaga siya.

Hinawakan na lang bigla ni Joice ang mga braso niya at pilit siyang iniharap sa isang bagay.

 

“Ayan...! Ayan si kuya, Arianna!”

Sinundan ng tingin niya ang mahabang puting kahon na ipinapasok ng tatlong tao sa bahay nila TJ.

Nahigit niya ang hininga niya. Doon? Paano namang mapupunta si TJ doon?

 

“Nandyan si kuya, Arianna! Nakahiga siya dyan...! Walang buhay!”

Nagsisikip ang dibdib niya. Hindi siya makapagsalita.

Ano ba’ng sinasabi ni Joice? Doon niya lang napansin ang mga tao sa labas ng bahay nila TJ. Maraming tao... Mga nakatingin sa kanila.

Bakit maraming tao? At ano’ng sinasabi ni Joice?

Nakahiga doon sa bagay na ‘yon si TJ? No.... Hindi totoo...

 

“H-hindi... Bakit naman hihiga si Troy do’n? Masaya ba do’n? Pagtatawanan ka pa niya kapag narinig ka niya. Bakit siya mahihiga do’n? E, may kama naman siya... Joice, utak nga—“

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon