Omegle: A Stranger?

Start from the beginning
                                    

"Sige, kita nalang tayo sa dorm." Kinawayan naman ni Ara si Jeron, na nakatingin sa kanila ni Mika.

Nakita naman ni Ara na nakatingin din si Thomas sa kanila, pero hindi na niya ito pinansin dahil patulo na ang kanyang mga luha kaya nag madali na siyang umalis.

~

Dinala si Ara ng mga paa niya sa Amphitheater, na kung saan andun yung paborito niyang pagong.

Nag lakad si Ara papunta sa pond nito at umupo sa tabi.

"Hi Amphigong..." bulong ni Ara. "Pasensya ka na at mag bubuhos nanaman ako ng hinanakit sayo ah..." sabi ni Ara kay sa pagong at tuluyan nang napaluha.

"Di ko alam kung bakit pero sobra akong nasaktan... alam ko namang di ako kagandahan, ako pa nga mismo nagsasabi, pero sobrang sakit nung sinabi sakin yun ng kausap ko... para bang ang dali nila akong ijudge kahit di naman nila ako kilala..."

Mas napalakas ang pagiyak ni Ara dahil sa bigat ng emosyon na nararamdaman niya at dahil na din wala namang makakarinig sakanya.

"You don't have to worry about what they think about you kasi you know what's the truth naman..."

Nagulat si Ara nang biglang may nagsalita. Napatayo siya at nagpunas agad ng luha.

"T-Thomas? a-anong ginagawa mo dito..." Sabi ni Ara, nang nauutal, pagkalingon niya.

"It's term break, Ara. Walang due or nakaassign na paper sa atin. Di ko nga alam kung bakit di naisip ni Mika yun." Sabi ni Thomas at natawa ng bahagya.

"Paano mo nalaman?" Tanong ni Ara.

"Mag kaklase tayo. Of course alam ko kung may due sa atin or wala."

"Hindi yan... Ang ibig kong sabihin, paano mo nalaman na nandito ako ngayon?" Tanong ni Ara at namula. Ngayon niya lang narealize na kaharap niya pala yung crush niya.

"Um... actually..." Napakamot si Thomas ng batok niya at namula din. "Madalas kasi kitang nakikita dito... and pansin ko na you usually stay with Amphigong to release your emotions. I'm sorry though that I eavesdropped."

Mas lalo namang namula si Ara dahil ilang beses na palang nakikita ng crush niya ang kanyang pagiyak.

"Okay lang..."

Nagpasalamat nalang si Ara na medyo dumidilim na at hindi ganun kahalata ang pagpula ng mga pisngi niya.

Nagkatinginan sila Thomas at Ara, na binalot ng katahimikan.

"So um..." Basag ni Thomas sa katahimikan.

"Um... Kailangan ko na pala bumalik. Baka iniintay na ako ni Mika sa dorm." Sabi ni Ara at akmang aalis.

Agad namang hinawakan ni Thomas ang braso ni Ara at pinigilan siya. Nagulat si Ara dito at namula.

"Ara, wait lang."

Tinignan ni Ara si Thomas at naghintay na magpatuloy siyang magsalita.

"Can we... um... can we eat lunch together tomorrow?" Tanong ni Thomas. Ikinagulat din ito ni Ara.

"T-Tayong dalawa?"

"Yeah... Tayong dalawa lang. Is that okay?"

Sa totoo niyan, gusto nang tumili ni Ara at mag gulong gulong dahil sa kilig, pero pinigilan niya ito.

"Okay... sige" Sabi ni Ara at ngumiti. Ngumiti naman si Thomas ng malaki dahil sa sagot ni Ara.

"Thank you, Ara! Um... sunduin nalang kita sa dorm mo ng mga..."

"10 am... pwede ako ng 10 am."

"Okay! Thank you!" Sabi ni Thomas at mas lalong lumaki ang ngiti niya.

"Sige, Thomas. Una na ako."

"Sige! Magiingat ka, Ara. See you tomorrow!"

Nginitian ni Ara si Thomas at tumakbo na pabalik sa dorm niya.

~

Pagkatapos ang walang tigil na pag papaliwanag kay Mika sa pagalis niya kanina, nakahiga na din si Ara sa kanyang kama.

Hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwala na may date sila ni Thomas bukas.

"Psh! Ang assuming mo naman, Ara. Malay mo hangout lang yun as friends." Sabi ni Ara sa sarili niya at umirap.

Nag bukas si Ara ng omegle dahil gusto niya maglabas ng kilig dun. Ayaw niyang ikwento kanila Mika dahil alam niyang tutuksuhin siya ng mga ito, at alam niya ding delikado ang sikreto niya sakanila.


Meet strangers with your interests!
dlsu college
dlsu manila |

START A CHAT


You're chatting with a random stranger. Say hi!
You both like dlsu college.

Hey

Hi!! Bago ka mag disconnect, please hayaan mo muna ako mag labas ng kilig dahil hindi ko talaga ito kinakaya!!
NIYAYA AKO NG CRUSH KO NA KUMAIN KAMI BUKAS OMG
KAMING DALAWA LANG
AAAAHHHHHH

Really?
I guess we're the same!
I asked the girl I like awhile ago for a lunch date and she said yes!
I'm so excited for tomorrow!!

Parehas pala tayong swerte, stranger.
Good luck sa lunch date niyo bukas ng crush mo!!! Sana maging kayo
yiieee

hahahaha
Thank you stranger
Sana maging kayo din ng crush mo

HAHAHAHA thank you
thank you din sa pag kinig/basa ng kilig ko
bye stranger

bye :)

You disconnected.

———————————————————

HI!! Finally done with the part 2
and as you can see, there will be a 3rd part of this story

What do you think will happen sa lunch nila Thomas and Ara?

Comment down!!

Also, thank you for your support sa stories ko. I hope you'll continue to read and maybe share it to people din 👉👈

Comment niyo din pala if you have requests or suggestions sa next stories. I'll gladly make it for you.

Lastly, I'm active again (i think) sa twitter account ko na @tctxvsg so if you want, you can talk to me there as well.

Anyways, this is getting long. I hope you guys like the update.

I love you all!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now