"GIRL"friend

1.6K 38 3
                                    

Vic's POV

"Boss, okay na po ba toh?" Tanong sakin ng lalaking may hawak na sandwich.

"Bakit ang onti ng palaman?! Palitan mo yan!!" Utos ko sa lalaki.

"Yes, boss."

"Jeron! Pag napalitan mo na yan, ibigay mo kay Christine! Naiintindihan mo ba?!"

"Yes po, boss." Sabi ni Jeron at umalis na.

Ako si Victonara Salas Galang or Vic for short. Isa akong 2nd year college student at lahat ng studyante sa school ay takot sakin. Pati nga seniors ko, takot sakin.

Nasaksihan kasi nilang lahat kung paano ko ginantihan yung nang bully sakin nung bago pa lang ako dito.

Aba, tatlo silang malalaking lalaki at ako mag isa lang pero napatumba ko silang lahat. Kaya simula nun takot na silang kalabanin ako.

Simula din nun, wala ng may gustong makipag kaibigan sakin. Okay lang actually sakin dahil alam kong gagamitin lang ako ng mga yan kaya okay na yung walang kaibigan.

Pero may isang taong nag lakas ng loob na makipag kaibigan sakin.
Sya si Christine. Isang araw sa canteen...

Break ko na at as usual, wala akong kasamang kumain pero pinapauna naman nila ako sa pila. Hahaha!

Umupo na ako sa lamesa KO. Yes, ko. No one bothered to sit on this table dahil alam nilang dito ako umuupo. That's why I'm claiming it already.

Habang kinakain ang lunch ko, may biglang lumapit saking babae.... hindi... lalaki... hindi... bakla???

Nakangiti syang lumapit sakin.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Hi! I'm Christine!" Sabi nya in a squeaky voice.

"Ulol! Christine ka dyan." Sabi ko at tumawa.

"Okay, fine. Ako si Christopher." Sabi nya gamit ang tunay nyang boses.

Napatawa naman ako ng malakas sa ginawa nya, at ikinagulat yun ng lahat. Minsan lang kasi ako tumawa, at itong baklang toh pa ang may dahilan.

"Vic." Sabi ko at nakipag shake hands.

Simula nung araw na yun, naging mag best friends kami. Ang dami naming similarities kaya ang dali para saamin na maging mag kaibigan.

Sporty sya. Pag 'lalaki' sya, basketball ang sports nya. Pag 'babae' naman sya, volleyball ang sports nya.

Parang ako lang din. Marunong mag basketball at volleyball.

***

"BES!!!!!"

Ito na sya. -__-

"Christine." Pag kaharap ko, agad nya akong niyakap.

Dug dug

Dug dug

Dug dug

Agad naman akong bumitaw sa yakap nya.

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now