Chapter 4

7.8K 153 4
                                    

Nothing? Huh! Yeah. Nothing. Bahala sila sa buhay nila. Maglampungan pa sila jan araw-araw!

Pero inaamin ko, nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Edge. Bakit ganito? Ano bang pake ko kung sabihin niya 'yun?

'Gaga ka ba? Malamang fiancee ka niya kaya dapat may pake ka sa sinabi niya. You are not his 'nothing' Elle. Pero ang tanga mo kasi. Masyado kang pa-hard-to-get! Gusto mo din naman ang mga ginagawa niya sa'yo. Oh, anong problema dun? Wag ka na kasing aarte-arte pa jan. Hindi lang 'yung babae kanina ang pwedeng lumingkis kay Edge. Bahala ka pag naunahan ka ng iba. Baka mag-back out pa 'yun sa kasal niyo at siguradong manganganib lalo ang negosyo niyo. At baka magsisi ka.' Sigaw ng isip ko.

Yeah. Gwapo si Edge, matalino, mayaman. Pero manyak. Pero sino nga ba ang aayaw sa tulad ni Edge? Kahit manyak siya, may pagka-gentleman naman siya kahit papano, at mabait din naman. Sino nga bang ayaw mamanyak ng mukhang Greek God na tulad niya? Ako lang naman yata. Pero pakiramdam ko, unti-unti nang nawawasak 'yung pader na ibinakod ko mula nang mangyari 'yung insidenteng 'yun nung graduation namin noong high school.

***FLASHBACK.***

Kakatapos lang ng graduation ceremony namin. Sa wakas! Magiging college na 'ko! Architecture ang kukunin ko. Pangarap ko talaga 'yun. Although si Dad, gustong Business Administration ang i-take ko. Pero ayoko talaga. Pakiramdam ko hindi ko kaya. Parang masyadong malaki ang responsibility na kailangan kong gampanan. Haaay. Wala naman kasi akong kapatid.

Paalis na sana ako nang biglang may humila sa'kin. Pag tingin ko ay si Edge pala. Classmate ko siya nung first year at anak siya ng bestfriend ni Daddy. Pero hindi naman kami ganun ka-close.

"Oy, Edge, anong problema mo? Wag mo nga akong kaladkarin." Sabi ko. Pero hindi naman siya nagsasalita at nagtuloy lang sa paghila sa'kin.

"Hoy! Ano ba?!" Pero hindi pa din ito nagsasalita.

Dinala niya ako sa stage. Mukha siyang iritable at galit. Hinarap niya ko sa kanya at tumingin siya sa mukha ko.

"Why?" Tanong ko. Pero hindi talaga siya umiimik. Lumingon ito saglit sa gawi ng mga tao na hindi pa din nakakaalis. Wari ay may hinahanap. Nakita kong tumitig siya sa isang spot. Titingnan ko sana ang tinitingnan niya nang bigla niya akong hapitin at halikan ng mariin sa labi. Gosh. Hindi ko alam ang gagawin ko. it was my first kiss.

Pinilit kong kumawala sa kanya pero niyakap niya pa 'ko ng mahigpit. Naramdaman kong parang may sumusundot na kung ano sa puson ko.

Tinutulak ko siya pero sadyang ayaw niya akong pakawalan. Nararamdaman ko ang galit at sakit sa mga halik niya. i didn't respond to his kisses. Hindi ko alam kung anong problema ng taong 'to. Humiwalay siya sa akin ngunit hindi pa nakuntento. Hinipuan niya ako sa harap ng maraming tao. Pakiramdam ko, nawalan ako ng dignidad. Ang dami pa ding tao nun sa venue. Pati ang parents naming dalawa ay nandun pa.

Nang tila tapos na siya sa kanyang ginagawa ay dun ako naglakas-loob na sampalin siya. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Akala ko mabuti siyang tao pero bakit niya nagawa sa'kin 'yun? Bakit ako pa?

Marry Who? Mr. Maniac?!Where stories live. Discover now