Chapter 3

8.4K 172 7
                                    

ELLE's P.O.V.

Arrrgh! Bwisit talaga 'yung lalaking yun! Dapat talaga hindi na 'ko sumama. Kung ano-ano na naman ang pinaggagawa niya.

Unang-una, in-order niya lahat ng pagkain sa menu. Anong akala niya sa'kin, baboy?! Tapos hindi din naman namin nakain lahat. Nung tinanong ko siya kung itatapon niya 'yung natira kasi sayang naman, hindi naman daw niya itatapon. Ewan ko ba sa kanya kung anong ginawa niya dun.

Pangalawa, kung ano-anong tinatawag niya sa'kin. Babe? Sweetheart? Ew. Just ew. Tapos, hinalikan niya 'ko kahit may ibang tao sa paligid namin and worst, lahat sila nakatingin! Arrrgh.

Mas lalo pa 'kong nainis nung sabihin niyang may benefit siyang makukuha pag kinasal na kami, at ako ang benefit na tinutukoy niya. Anong plano niya, gawin akong sex slave? No way! Sasaksakin ko muna siya ng barbeque stick sa 'junior' niya.

'Alam mo naman ayokong nagugutom kayo ng baby natin.' Shit. Bakit naalala ko pa? Hindi ko na nga sinama sa mga kalokohang ginawa niya para naman mabawas-bawasan kahit isa. Tsk.

Hindi ko na siya ulit kinausap. Hindi na din naman siya nagsalita. Nakasandal lang ako sa bintana habang nagda-drive siya. Papunta na kaming mall. Kailangan ko kasing bumili ng stocks sa condo ko tsaka 'yung iba ko pang kailangan.

Bigla kong naalala sila Mom at Dad. Bakit hindi nila sinabi 'yung tungkol sa business namin? I thought na okay ang lahat pero hindi pala. Ayokong mahirapan sila kaya papayag akong magpakasal kay Edge kahit na kapalit pa nito ang kaligayahan ko.

Naramdaman kong tumigil ang sasakyan ni Edge. Nandito na pala kami sa parking lot ng mall. Naunang lumabas si Edge. Ipinagbukas niya ako ng pinto. Hmmm. He's somehow a gentleman.

Lumabas na ako. "Thank you." I said.

"A kiss on my lips would be fine." Inirapan ko ito. Tsss. Lokong 'to! Kaya pala pinagbuksan ako ng pinto ay dahil hihingi ng kiss at gusto pa sa lips.

"Dali na. Kiss mo na 'ko."

"Tumigil ka nga!"

"Dali na kasi. Masarap naman 'tong labi ko ah. Natikman mo na nga 'di ba?" Feeling ko pulang-pula na 'ko ngayon.

"Bahala ka sa buhay mo!" Aalis na sana 'ko nang bigla niya 'kong hilahin pasandal sa pinto ng kotse niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit ako ng mariin ngunit bigla siyang nagsalita.

"Kiss me or I'll rape you? Look, tayong dalawa lang ang tao dito. At pwedeng pwede tayong gumawa ng milagro sa loob ng kotse ko." Seryosong sabi nito. Napadilat ako. At dahil mahalaga ang virginity ko at very tempting din naman ang lips niya, hinalikan ko siya.

"Mmmm..." Naramdaman kong bumaba ang labi niya sa leeg ko. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid ko. Kung saan-saan na rin nakakarating ang kamay niya. Nanlalambot ang tuhod ko sa sensasyong idinudulot ng mga halik niya kaya walang sabi-sabing isinabit ko ang braso ko sa leeg niya. He's sucking my neck. I can't control myself. I want him!

Umangat ang ulo niya at hinalikan ako sa labi. A smack. Nakatingin siya sa mga mata ko. I know he wants me too. Nang biglang pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit ko siya hinalikan. My virginity is important.

Inayos ko ang sarili ko. "Don't worry, honey. Alam kong may kailangan ka pang bilhin." Ngumiti siya sa'kin. "Let's go." Tumango lang ako at iniyakap niya ang kamay niya sa beywang ko.

Eto na naman 'yung kakaibang pakiramdam. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sana ganito na lang siya palagi. I feel safe.

Pagpasok namin ay napansin kong ang daming tao ang tumitingin sa'min, lalo na 'yung mga babae. Hmmmp! Nagtitilian. Tapos nakatingin ng malagkit kay Edge. Leche! Pero mukhang hindi napansin iyon ni Edge. Buti naman.

Dumiretso kami sa supermarket. Kumuha ako ng isang push cart.

"Ako na jan." Sabi niya at kinuha ang push cart sa'kin. Nahihiya ako dahil sa nangyari kanina sa parking lot.

Isa-isa kong kinuha lahat ng mga kailangan ko habang siya ay nakasunod lang habang tulak-tulak 'yung cart..

"Ano pang mga kailangan mong bilhin?" Tanong niya.

Hmmm. Ano pa nga ba? Ay, hotdog pala. Hinanap ko kung nasaan 'yung hotdog at madali ko naman itong nakita. Kumuha ako ng tig-isang kilo ng hotdog at cheesedog.

"Hotdog?" Nakasunod pa din pala siya.

"Yeah."

"Bakit bibili ka pa niyan eh meron naman ako. Buksan mo zipper ko at makikita mo. Mas malaki pa nga jan at mas masarap." Nakangising sabi nito. Pakiramdam ko ay biglang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha.

"Ang bastos mo talaga!" Hinampas ko ito sa braso.

Tumawa lang siya.

"Itikom mo yang bastos mong bibig."

"Joke lang naman. Pero nagsasabi ako ng totoo. Baka lang gusto mo--" Hindi ko na ito pinatapos at sinupalpal ko sa bibig niya yung kamay ko.

Ooops. Wrong move. Dinilaan niya lang 'yung kamay ko.

"Ew! Kadiri ka!"

"Kadiri ka jan. Ilang beses na nga tayong naghalikan."

At dahil sa lakas ng pagkakasabi niya ay napalingon 'yung mga tao sa paligid namin. Shit. Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to!

"Tumahimik ka nga. Wag ka nang magsalita ng mga walang kwentang bagay!" Sabi ko sa kanya.

"Pasensya na po." Hinging paumanhin ko sa mga tao sa paligid namin at hinila ko na siya paalis sa spot na 'yon.

"Bakit ka nag-sorry sa kanila?" Tanong niya.

"Ugh. Ewan ko sa'yo! Manahimik ka na lang, please."

"Fine." Hindi na siya ulit nagsalita.

"Nandun na kami sa section ng mga gulay nang biglang may babaeng lumapit sa'min. Well, I mean, lumapit kay Edge.

"Edge? Is that you?" Mas lumapit pa ito kay Edge. Tsss. "Oh my gosh! It's you!" She gave him a peck on his lips. What the fuck?! "I missed you so much, darling. How are you? May kasama ka ba?" She said. Okay. So hindi niya napansin na kasama ako ni Edge? Sabagay, hindi naman kami magkahawak kamay. How I wish.

Tsss. Ano ba 'tong naiisip ko? Ugh. Naiirita ako sa pagmumukha ng talanding 'to! May pahalik-halik pang nalalaman. Arrrgh! And what, darling? What the eff.

Napapadalas na ang pagmumura ko ngayon ah. Haaay.

Hindi naman nagsalita si Edge. Nakatalikod siya sa'kin at magkaharap sila nung babae.

"Edge--" Hindi ako pinatapos nung babae sa pagsasalita.

"Oh my gosh, Edge, who is she?" Tanong niya. Napayuko ako. Pa'no kung i-deny niya 'ko? Tsk. Ano namang pake ko kung i-deny nga niyang fiancee niya ko? My gosh, Elle! What's happening to you?

Napatunghay naman ako dahil sa sagot niya. "Don't mind her. She's nothing." Ouch. He said nang hindi man lang lumilingon.

"Oooh." Sabi na lang nung babae. Lumingkis agad 'yung malanding babaeng 'yun sa braso ni Edge. Ang sakit sa mata leche! Ang sarap nilang pag-untugin. Ang sarap nilang ingudngod sa tae ng kambing! Geez. Kung ano-anong naiisip ko.

Matapos iyon ay dali-dali akong umalis. Dang.

Marry Who? Mr. Maniac?!Where stories live. Discover now