"Whoa!" Pumalakpak sina Wella, hindi ko alam kung dahil ba doon sa lalaki o doon sa pag akyat nina Stan sa stage.

"It's your favorite band, Megan." Sabi ni William na nasa tabi ko parin.

Tumango ako, ngiting ngiti sa pagpasok ni Noah. Seryoso parin ang kanyang mukha, at hindi mo malaman kung kinakabahan ba o para lang siyang nag peperform sa kanilang sala. Si Stan naman ay makapal ang mukha. Habang nag aayos sina Joey at Warren sa likod ay nginingitian niya ng bulgar ang mga audience na siyang dahilan kung bakit tiling tili ang mga ka club ko at ang iba naring naroon.

"Go Stan! I love you!" malakas ang loob na sinigaw ni Wella dahil wala ang kambal nitong si Everlyse dito.

Tinanggal niya ang kanyang t shirt at nakita ko ang caged bandeau na may galaxy print at may nakalagay na Constantine. Sumigaw at tumili ang mga ka club namin sa ginawa ni Wella. May nag tanggal pa sa kanyang malaking eye glasses na agad niyang inalma dahil hindi umano siya makakakita ng maayos pag wala iyon.

Ibang klaseng galak ang naramdaman ko nang nagkagulo na kami sa sigawan at halakhakan habang nagsisimulang tumugtog sina Noah at Joey.

Ang bawat miyembro ng club ay kung hindi tumitili ng pagkalakas lakas ay iwinawagayway ang tarpaulin ng Zeus. Nakita ko pang inakyat ng ilang seniors si Wella sa kanilang balikat. Tawang tawa si Wella lalo na nang tinuro siya ni Stan.

Let's light the fire, Meg. Walang pag aalinlangan kong hinubad ang aking maiksing shorts at winagayway ko iyon sa ere. Abot-abot ang kaba ko nang habang tumutugtog ay bumaba ang tingin ni Noah sa akin.

"Go Noah!" Sigaw ko, winawagayway ang aking shorts nang biglang may iilang kamay ang humapit sa aking hita at inangat ako doon.

Napatili ako sa gulat at takot na baka mahulog ako o ano. Nilingon ko pa ang mga nagtaas sa akin.

"Huwag ka nang lumingon, Meg!" Sigaw ng isang ka club ko na nasa likod at tumulong na rin sa pag angat sa akin.

Napasinghap ako nang nakita kong si William at ang isa pang lalaking kaibigan niya ang naroon at tumutulong sa pag angat sa akin. Nasa balikat ako nilang dalawa, parehong nakahawak sa aking binti.

Nilingon ko kaagad ang stage at sumigaw na lang para kay Noah.

"Go Noah! My Love!" Sigaw ko at tumili ako.

Matalim niya akong tinitigan. Kumaway ako sa kanyang supladong titig. Kinagat ko ang labi ko at tinuro ko ang pantyng suot. Napaawang ang bibig niya at nakita ko ang dahan dahan niyang pag iling at pag pikit ng mga mata.

"Go Noah! I love you!" Sigaw ko.

Tumalikod siya habang tumutugtog at nakita ko pang sa gitna ng pag tugtog ni Joey ay nakuha pa niyang makipag usap kay Noah nang nakangisi bago sumulyap sa akin.

"Gooo Zeus! Go Joey! Go Stan! Go Wareen! Go My Love!" Umalingawngaw ang tinig ko.

Medyo umambon at di ko inalintana iyon. Sa kabuuan ng pag tugtog nila ay naka angat ako at hindi ko man lang tinanong kina William kung ayos pa ba sila. I just want a clear view of Noah while he's out there making his own name in the music industry.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon