YTOE Part I

9K 58 5
                                    

"No dad! Hindi! Never!"

"But anak, please. It's for your own good. Please bare with me."

"Sabi ng ayoko eh! Dad, how many times would I have to tell you na I don't need those damn bodyguards! I can handle myself!"

"Analice, anak. Alam mo namang marami tayong kalaban sa negosyo at alam nilang may anak akong babae and they're using you against me. Baka anong gawin nila sayo. Alam nilang ikaw na lang ang natitira sakin, anak. Kaya please do bare."

"Dad, I've studied all martial-arts for my safety and protection. What's the use of those kung magkaka-bodyguard lang pala ako?! Dad naman! Ayoko nga!"

Huminga ng malalim si Mr. Cuenco at mukhang sawa na sa pakiki-usap sa anak niyang babae na si Analice kaya di niya napigilang masigawan ang anak.

"I'VE HAD ENOUGH OF THIS! ANALICE, WHETHER YOU LIKE IT NOT, YOU'LL HAVE A BODYGUARD! AND THAT'S FINAL! END OF THE DISCUSSION!"

Kitang-kita sa mukha ni Analice ang pagkagulat sa pagsigaw ng ama niya sa kanya. Yun pa lang kasi ang unang beses na napagtaasan siya ng boses nito. Napayuko lamang siya sa pagsigaw ng ama at nagsimula ng humikbi.

"Oh sh*t! Anak, sorry. Sorry kung nasigawan kita. Pasensya na. Pagod lang talaga si Daddy. Sorry." Pinipilit niyang patahanin si Analice at sinusubukang hawakan ito pero pilit din siyang tinatabig ng anak.

"You may go out, Dad." Sinabi ni Alice sa ama with a very low voice. Boses na malungkot.

"Sorry ta--"

"I said, you may go out." Putol niya sa sasabihin ng daddy niya. Alam niyang magpapaliwanag lang to kaya pinutol na lamang niya ang dapat sabihin ng ama.

"Ana--"

"I SAID GET OUT! OUT! LEAVE ME ALONE!" sigaw ni Analice sa ama. Mukhang naiintindihan rin ng ama ang pinagdadaanan ng anak kaya lumabas na lamang ito sa kwarto ng dalaga. Kahit masakit para sa kanyang nakikitang nasasaktan ang anak niya dahil sa pagpupumilit niyang magka-bodyguard ito, inisip niya na lamang ang kapakanan at kaligtasan ng anak.

***

"Anak, mamaya makikilala mo na ang magiging bodyguard mo. He'll be coming in a few minutes. Siya ang maghahatid sayo sa school." Sabi ng ama ni Analice habang kumakain sila ng agahan. Kahit medyo busy sa trabaho ang kanyang ama ay hindi parin nito nakakaligtaang sumabay sa anak sa pagkain.

'Hell I care.' Nasa isip ni Analice. Naiinis parin siya sa ama dahil sa pagpupumilit nito. Ni hindi nga niya kinikibo ang ama.

"Analice, anak. I know galit ka parin sakin. Pero, please. Intindihin mo naman ako. Para rin to sayo."

"Una na po ako. Wala na akong gana." Sabi ni Analice at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay ng biglang hinarangan siya ng mga bodyguards sa loob ng bahay. Dahil wala siya sa mood, nasigawan niya ito.

"GET OUT OF MY WAY!" Hindi parin natinag ang mga bodyguards kaya nilingon niya ang amang kasalukuyang umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo sa hapag.

You're The Only Exception (Short Story) ~FINWhere stories live. Discover now