Chapter 20: Pain Pain Go Away?

Start from the beginning
                                    

Hindi siya sumasagot at hindi rin siya nakatingin saakin ngayon. Shock pa rin ba siyang nakita niya akong nakatowel lang?

“Hoy! Baka hinuhuburan mo na ako sa isip mo, ah! Itigil mo ‘yan! Manyak ‘to.” Inilapag ko ang towel and naghanap ng suklay pero wala akong nahanap sa suklay kaya naman daliri ko nalang ang pinangsuklay ko. 

“Mahiya ka nga. Kababae mong tao kung anu-ano ang sinasabi mo sa lalaki.” Parang naiinis pa ang pagkasabi niya nito saakin. Sapakin ko na talaga siya! Ako na nga itong nasilipan ako pa rin ang masama? Aba!

“Isipin mo nalang pareho tayong nakainom. Bukas hindi mo na maaalala.” Mungkahi ko pa. Mas okay pa nga yata yung nakatapis ako ng towel kesa naka two-piece swimsuit ako.

“Tell me about your ex-boyfriend.” Out-of-nowhere he then asked. Umupo rin ito sa kama kaya naman umupo na rin ako at kinumutan ang mga binti ko. Maginaw na kasi at hindi naman nakakatulong ang oversized tee ni Damian.

“Well... sinaktan ko siya, used him for my own benefit, treated him like he’s mine and controlled him. I’m a bad girl, I know.” Nakayuko lang ako habang sinasabi ang mga ito habang nilalaro ang mga daliri ko. “Pero alam mo, hindi ko namalayan na sobra pala akong nahulog sakanya. Natiis niya kasi yung ugali kong ‘yon. Kaso nagulat nalang ako noong bigla nalang na iba na yung gusto niya. Yun yung mga panahon na naramdaman kong mahal ko pala talaga siya.”

“Bakit mo pa siya hinabol noon?”

“Dahil mahal ko pa. Isa pa, wala naman bumatok saakin para sabihin na itigil ko na. Or maybe meron nga pero hindi na ako nakinig. Pero huminto rin naman ako dahil wala ng nangyayari. Pero kahit ganoon, mahal ko parin siya.” I explained. Huminga ako nang malalim bago ako tumingin sakanya. Titig na titig lang siya saakin na para bang naaawa siya saakin.

“Ikaw? Bakit kayo nagbreak ni Pauline?”

Humiga siya sa paanan ko at ginawang unan ang mga kamay niya.

“Ayaw saakin ng mga magulang niya kaya nakipagbreak siya saakin. I know what you’re doing. Don’t change the topic. Madami pa akong itatanong.”

“Gee. Fine fine.” I answered in defeat.

“Bakit kahit hindi mo siya nakikita ay mahal mo pa rin siya? Hindi kaya dahil sa guilt nalang kaya akala mo mahal mo pa siya? Kagaya ng sinabi mo kanina, ginamit mo siya.”

“Ewan. Sadyang gusto ko lang siya hanggang ngayon. Akala ko nga okay na, e. Pero masakit pa rin pala.”

“Dapat alam mo ang limitasyon mo.” He said.

“Damian, there was never a limitation.  But, the ones around us thought otherwise”.” Sabi ko naman.

“Kaya ka nasaktan kasi tingin mo wala kang limitasyon.”

“Yeah. Lahat ng ginawa kong pagsunod-sunod ay hindi worth it. Lagi lang akong nasasaktan.” Pinilit ko pang ngumiti pero hindi ko talaga kayang ngumiti.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama kaya naman napaayos ako ng upo. Nakaupo na siya ngayon at nakaharap saakin.

“Then, do you want to get rid of the pain?”

“Of course I do want to get rid of it but I don’t know how.”

“I know how, JL.” Napakunot ako ng noo ko dahil sa sinabi niya. I’m not sure if I could ride this conversation anymore. This is getting weird.

But still, I asked him. “How?”

“I'll kiss it.” He answered, smiling pleasantly.

“What?” I know napataas na ang pitch ng boses ko. Hindi ko na yata siya naiintindihan.

“I said I'll kiss your pain away and make you hate me...” he paused. “...even more. I'll take the blame because I’m also a jerk but I promise... it will make you forget your feelings for him.”

“However, the real question is..., will you grab the opportunity and hate me forever? I'm not so boy next door, Jade. I’m a heartless man and I play around. I won’t take care of you. I'll stop being your friend. I’m also weird, unpredictable and not really approachable as what the others think. So choose now, JL.” All this time ay nakangiti lang siya and he’s closer now than earlier. Damn!


“Y-you’re making me nervous, Damian.” I scooted away because my heart is beating so fast! “I-i don’t get it.” Nag-aalanganin ko pang sabi.


“Don’t make me repeat everything I've just said. If you can’t choose then I'll decide for you.” This is getting out of control! What the fck is he talking about?

“Damian? H-hindi kita maintindihan.”

“I said, I'll kiss you now and will make you hate me forever.” He leaned closer and he really did! He’s now kissing me and not just a stiff kiss! His arm is on my nape and now his lips are parting mine in order for him to go deeper! But before he was able to do that, I shoved him away and slapped him hard for the life of me!

“Damn you, Damian!” I spat. Agad akong tumayo at binato siya ng una kong nahawakan sa table. Hindi ako makapaniwala sa inasal niya. Is he really Damian?

What’s wrong with him? Nakangisi pa talaga siya samantalang paiyak na ako dahil sa ginawa niya.

“With that, you'll forget about him and I'll stick like glue in your memory. Lalabas muna ako. Kunin ko lang yung card key kay Leonna. Isipin mo nalang lasing ka at lasing din ako kaya bukas di mo na maaalala. But hey, I doubt that. Hindi ka naman lasing at hindi rin ako.” Napanganga talaga ako sa sinabi niya at sa lecheng ginawa niya! He kissed me! He freaking kissed me!

Bwisit talaga siya!

Paglabas niya ng kwarto ay agad kong tinawagan si Miyuki. Iniexpect pa ba niyang makikita pa niya ako sa kwarto nila after what he did to me? Fck him! Mapulmunya sana siya!

 **********

bad si sir cardingbels! weird si cardingbels!!!!!!!!!! BAD BAD!!!! kekeke~

follow niyo ko sa twittah! @aril_daine

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Where stories live. Discover now