CHAPTER 1 Simula

31 17 4
                                    

Chapter 1, simula.

Lalliana's Point of view

Gabi na...

"Mon!" tawag ko sa pinsan ko. "Moanaaaaaa!"sigaw ko ulit, pero wala pa ring sagot. We're neighbors, pero hindi nya ako marinig, ano bang ginagawa nya?

Dahil hindi nya marinig ang pag sisigaw ko ay pinuntahan ko nalang sya sa bahay nila.

"Wa? Asan po si lab lab?" tanong ko sa lola ko, ang tawag namin sa kanya ay "Wawa" at ang pinsan ko naman ay yung nickname nya at "lab lab" pero ang gusto nyang itawag sa kanya ay "Moana".

"Andon siguro sa loob!" sabat nya, pumasok naman ako.

"Lab?" tawag ko sa kanya, andito ako ngayon nakatayo sa labas ng room nya. "Lab?" tawag ko ulit, pero wala pa rin.

'Bubuksan ko, pero baka nag bibihis PA!'

Hindi naman naka lock ang pinto kaya binuksan ko. Nakita kong naka dapa sya sa kama nya na nag ce-cellphone at naka earphones, at ang lakas pa ng sound pati ako ay rinig na rinig pa.

Kinuha ko ang earphones nya nilingon nya naman ako, ng nagtataka.

"Sasama kaba?" tanong ko.

"Nakabihis na nga ako oh?" turo nya sa sout nya, tinignan ko naman yun.

"Dalian mo na baka maiwan tayo, alam mo naman si paps diba? Ang ayaw nya sa lahat na sya ang pinag hihintay!" bulisaw ko, at saka lumabas ng room nya at pumunta naman ako sa lola ko. "Wa hindi po ba talaga kayo sasama?" pag pupumilit ko. Ayaw nyang sumama dahil daw may atritties sya.

"Hindi nga! Oh sige sasama ako pano ako mag lalakad dun?" sabat naman nya.

"Wa! Manonood lang naman tayo ng fireworks dun e." pagpupumilit ko.

"Hindi na, dalhan nyo nalang ako ng pagkain."

"O sige po!" sabat ko nalang at tinignan ulit ang loob ng bahay hindi pa rin naka labas ang pinsan ko. Sa lahat ng kinaiinisan ko ang pinag hihintay parehos kami ng ama ko, naiinis kapag pinag hihintay. "Lab? Ano sasama kaba talaga, iiwan na tayo oh?" inis kong tawag sa kanya.

"Bilisan nyo na oh, ayon na yung paps mo Zhel, baka iwan kayo nyan." salungat ni wawa.

"Halina ka na!" sa wakas lumabas na sya, palagi lang syang naka blush on na ang pula pula, medyo Filipino nose sya pero cute pa rin ang pinsan ko, wala kaya kaming lahing pangit , pagpangit pinapatay haha...Mabilis naman kaming pumunta kina mams.

"Bilisan nyo na, sakay na!" utos samin ni mams.

"Mams asan si Zhelo?" tanong ko kay mams.

"Andon na sa loob, si lovely sasama ba?" tanong rin ni mams sakin napamaang naman ako, "Sige na puntahan nyo na dun habang wala pa si paps mo!" utos ni mams at mabilis naman kaming tumakbo papunta sa bahay ng isa ko pang pinsan.

"Love? Lovely?" tawag ko,

"Huh? Aalis na kayo?" tanong nito tumango naman ako. "Tara hinihitay ko lang naman ang hudyat nyo e, kanina pa kasi umalis sina mama't papa." tugon nito at bumaba sa mataas nilang terrace.

"Sige, bilis!" pagtakbo kong dagdag.

Ng marating namin ang sasakyan at nandoon na ang dalawa ko pang pinsan sina MM at Angel, naunang umakyat si moana, pagkatapos ay ako at si lovely yung huli, ng maka sakay nako ay nilingon ko si paps pababa na sya at pumunta agad sa loob ng sasakyan at pinaandar ang sasakyan.

Fall in love with Mr. fake the sun Where stories live. Discover now