Chapter 5

34.2K 1.2K 482
                                    



TWO YEARS AGO.

Hindi ko agad napuntahan si Tamara sa school dahil kailangan ako ni Kuya Jaydee para sa check up niya sa brain tumor niya. Hindi na rin ako nakapag text pa dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Kuya. Pero pinuntahan ko pa rin siya kahit na pagod na ako at wala pang tulog.

Ganoon ko siya kamahal.

Hinintay ko siya hallway malapit na sa parking lot.

"Ano? Kahit isang text wala? Ano ba ako sa'yo, babe? Palamuti lang? May masabi lang na may girlfriend ka!" Namumula na ang buong mukha niya. Wala rin siyang pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Sumagot ka!"

Mahal ko siya pero minsan nalulunod na ako sa mga sigaw at galit niya. Pakiramdam ko mas nagigibabaw na 'yon kaysa sa pagmamahal niya sa 'kin. Parang palagi na lang akong walang nagagawa ng tama.

"Babe, alam mo naman na sinasamahan ko si Kuya sa check-up niya. Minsan natataranta ako sa mga sinasabi ng doktor kaya hindi na ako nakakapag-text. Intindihin mo naman ako."

Hindi nawala ang galit niya. Mas lumala pa.

"Paano kita iintindihin, kung ako hindi mo rin ako maintindihan! Text lang kung nasaan ka pero hindi mo magawa?" Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niya pero inalis niya 'yon agad na parang nandidiri siya. "Paulit ulit na lang tayong ganito!"

"Masyadong mainit ang ulo mo. Ihahatid na muna kita sa inyo pagkatapos tska na lang tayo mag-usap kapag okay ka na."

Nagsimula na siyang umiyak. Ganito naman siya palagi kapag nag-aaway kami. Iiyak siya at ako ang lalabas na masama.

"Konting lambing lang naman ang kailangan ko sa'yo pero palagi na lang na, tska na tayo mag-usap kapag malamig na ang ulo ko. Babe naman, suyuin mo naman ako kahit minsan. Hindi 'yong ako na lang palagi!"

Paano ko siya susuyuin kung halos kainin na niya ako sa mga sigaw niya. Kada magsasalita ako ay mas lalo siyang nagagalit. Pero kung ayon ang gusto niya, ibibigay ko.

Hindi na ako nagsalita, sa halip ay niyakap ko siya. Niyakap ko siya nang sobrang higpit. 'Yong armalite niyang ay tumigil na.

Kung alam ko lang na ito ang kailangan niya, sana unang kita ko pa lang sa kanya ay niyakap ko na siya.

"I'm sorry, babe. Sana intindihin mo rin ang duties ko kay Kuya Jaydee, ngayon lang naman 'to. Alam mo naman na sa lahat ng bagay ikaw ang priority ko, 'di ba?" Bulong ko sa tainga niya.

Humarap siya sa 'kin at may ngiti na sa mga labi niya. Malakas din talaga ang mood swings niya minsan. Pero alam ko naman na hindi niya ako matitiis dahil mahal na mahal niya ako.

"Talaga?" Pa-cute niyang tanong. "Ako lang ang priority mo? Ako lang ang mahal mo? Ako lang ang babe mo sa buong mundo?"

Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya habang idinikit ko ang dulo ng ilong ko sa ilong niya.

"Ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko."

Pumikit ako kasabay ng paglapit ko sa mukha niya. Inilapat ko ang labi ko sa kanya. Isa sa mga gusto kong parte ng katawan niya, maliban sa kamay niya ay ang labi niya dahil ang lambot nito.

Hindi pwedeng lumipas ang isang araw na hindi ko siya hahalikan. Kaya nga minsan inaasar niya akong kissing machine. Dahil adik na adik ako na halikan siya.

Kumawala siya sa halik ko sabay habol ng hininga, "Inagawa mo na nga puso ko pati ba naman hininga ko."

"H'wag kang mag-alala, aagawin mo naman 'tong apelyido ko kapag kinasal na tayo." Kinindatan ko siya kaya namula ang mga pisngi niya. "Ilang buwan na lang at graduate ka na, pagkatapos noon, abangan mo na 'yong proposal ko."

"Sabi mo 'yan, ha? Hihintayin ko 'yan!"

Pagkatapos ng araw na puno ng away, sa huli, natapos pa rin ito na puno ng pagmamahal. Kaya nga mahal na mahal ko si Tamara, dahil kahit gaanong away ang abutin namin, mahal na mahal pa rin namin ang isa't isa.

➖➖➖➖➖➖
PRESENT

HINDI ko alam kung bakit kanina pa ako walang gana kumain. Ilang araw na kasi ang nakalipas pero hindi ko pa rin mawala sa isip ko si Farrah.

"Brad," sabi ni Jameson. "Ayos ka lang ba? Hindi ka pa rin naka move-on sa ex-girlfriend mo?" Kung makapagsalita siya akala mo gano'n lang kadali ang lahat. Palibhasa, hindi siya marunong magseryoso.

"Alam mo ba 'yong three month rule, brad?"

Tumawa siya na nakakaasar. Parang hindi niya siniseryoso 'yong mga sinasabi ko. Anong klase siyang kaibigan?

"Bakit kailangan pa natin ng three month rule? Kung magkagusto na ako sa iba, fuck that rule, brad!"

Kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi ka agad magkakagusto sa iba. Ganoon kapag totoong nagmahal ka.

"Alam mo Jameson, fuckboy ka tapos ako good boy. Hindi talaga tayo magkakaintindihan pagdating sa love life natin. Hayaan mo na lang ako. I-cheer mo na lang ako sa problema ko."

Umiling siya sabay tapik sa balikat ko, "Tatanda kang binata niyan, brad. Enjoy life lang, bata ka pa tska sa estado mo, madami pang babae na magkakagusto sa'yo."

Naisip ko na rin 'yan dati nang maghiwalay kami ni Tamara, na bata pa ako at madami pang magkakagusto sa akin. Kaya nag sumubok ulit ako kay Farrah. Pero nakakapagod na rin pala buksan 'yong puso mo sa iba. Ang hirap mag-invest ng feelings tapos sa huli, wala rin pala.

"Magkakabalikan din kami. Gagawa ako nang paraan kahit ano pa 'yon. Alam kong mahal pa ako ni Farrah, naguguluhan lang siya dahil sa Raide na 'yon."

"Kapag ipinagpalit ka na sa iba ibig sabihin lang no'n nawala na 'yong pag-ibig niya sa'yo. Hindi naman 'yan maghahanap ng iba kung kuntento pa siya sa'yo."

Gusto kong murahin to si Jameson pero totoo naman 'yong mga sinasabi niya. "Pero hindi porket sumuko na siya ay susuko ka na rin."

"Ganyan din naman si Tammy sa'yo 'di ba? Hindi ka niya sinukuan dati pero wala e, sumuko ka pa rin."

Nakaramdam na naman ako ng guilt. Ang laki ng atraso ko sa kanya. Gusto ko naman talaga humingi ng tawad pero palaging hindi nagiging sincere.

"Brad, double date mo nga tayo doon sa assistant ni Tamara. Gusto ko lang sana siyang makausap pero hindi para makipag-date. Gusto ko lang ulit humingi ng sorry."

Ngumisi siya at tila may iniisip siyang kalokohan. Kilala ko na siya at madali siyang ma-bored sa buhay niya kaya kung ano-ano ang ginagawa niya.

"Akong bahala d'yan. Oplan kalimutan si ex."

➖➖➖➖➖➖

Let's not fall in love (Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon