Work Of Fiction

411 11 0
                                    

Until Again, Picasso

This book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are product of the writer's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Copyright © 2020 143_pink
Book design by Bianca Santos

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing form the publisher, except by a reviewer, who may quote brief passages in a review.

Visit me on Instagram and Twitter:
biaaaancs_

Add me on Facebook: Bianca Amor Santos

🍁🍁🍁

S I M U L A

Sabi nila, ang bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang dahilan kung bakit nabubuhay. Mga taong patuloy na lumalaban sa hamon kahit paulit-ulit na tayo nitong pinahihirapan dahilan para sumuko tayo. Mapapalad ang mga taong may tibay ng loob para magpatuloy na mabuhay sa marahas na mundong pinagkaitan tayo sa tunay na kasiyahan. Samantalang ang mga taong nawalan ng pag-asa, hindi na kailanman makakabangon sa sakit ng nakaraan.

Ang dating makukulay na ala-ala ay mananatili na lamang ala-ala para kay Celine. Para sa kanya, kahit kailan ay hindi niya na magagawang maranasan na sumaya pa. Sa t'wing naiisip niya ang nakaraan, gusto niyang magwala dahil sa tindi ng kanyang panghihinayang. Mas nanaisin niya na nga lamang na bawian ng buhay kaysa sa humihinga nga siya, pero pakiramdam niya ay wala naman siyang kwenta.

Halos tumapon sa damit ni Celine ang iba't ibang kulay ng pintura. Hindi niya rin namalayan na natabig niya rin ang canvass na sinusubukan niyang pintahan. Nakalikha ito ng malakas na ingay dahilan para puntahan siya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Celestine.

"AYOKO NA! PATAYIN NIYO NALANG AKO PLEASE, AYAW KO NA MABUHAY!!"

Halos mapaos na si Celine kakasigaw. Namamaga na rin ang mata nito kakaiyak. Napayakap nalang si Celestine sa kapatid. Maging siya ay nasasaktan sa masalimuot na sinapit nito.

"Celine, lumaban ka.. Alam kong masakit para sa'yo ang nangyari, pero kailangan mong tanggapin na hindi ka na kailanman makakapagpinta ulit."

"Tanggapin? Ate, sana nga gano'n nalang kadali 'yon!! Sana nga, para hindi ako nasasaktan ng ganito!"

Halos hindi na makahinga ng maayos si Celine kakaiyak. Pero pinipilit niya pa din na magsalita. "Buong buhay ko, ginugol ko ang panahon ko sa pagpipinta. Painting is my life, ate! Pero paano ko ulit magagawa ang bagay na pinakamamahal ko kung... k-kung b-bulag na ako?"

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Celestine sa kanyang kapatid. Damang dama nito ang sakit sa bawat binibitiwan na mga salita ni Celine. Nakita niya ang lahat ng paghihirap nito, minahal talaga ni Celine ang pagpipinta.

Kung hindi lang sana ito naaksidente, makikilala na sana ng buong mundo ang mga kathang nilikha niya.

"Tell me ate? Naging mabuti naman akong tao 'di ba? Kapag may nangangailangan, hindi naman tayo kailanman nagdamot sa biyaya? Pero ba't ganito? Ba't kailangang mabulag ako ate? 'Yong dating mga kulay na minahal ko, hindi ko na sila kailanman makikita. Puro nalang dilim, ang dilim dilim ate!"

"Ayoko na mabuhay ate! Wala akong kwenta! Wala ng saysay ang buhay ko kung hindi na rin naman ako makakapagpinta!"

Nagpupumiglas si Celine habang yakap siya ng kanyang ate Celestine. Hindi siya nito mapakalma kaya tinawag niya na lamang ang kanilang magulang. Pagkadating ng mama at papa nila, agad na tinurukan ng pampakalma si Celine dahilan upang tumigil ito sa pagpupumiglas.

Labis namang awa ang naramdaman ng kanyang magulang. Kung may paraan lamang upang mapagaan ang pakiramdam ni Celine ay matagal na sana nilang ginawa. Hindi kailanman nararapat sa anak nila ang lahat na pinagdadaanang hirap nito ngayon.

Hinalikan ng kanyang mama ang noo ni Celine. "Matulog ka ng mahimbing anak. Pangako, makakakita at makakapagpinta ka ulit gaya ng iyong nais. Mahal na mahal ka namin, 'wag kang susuko."

Until Again, Picasso (COMPLETED)Where stories live. Discover now