Ikalabing Dalawang Kabanata

5 0 0
                                    

-Syrene Aquino-

Tulala akong nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto ko. Pansin ko lang, habang tumatagal mas lalo lang atang nadadagdagan ang mga bumabagabag sa isip ko.

Kanina, pagkapasok ko pa lang sa bahay namin ay sinalubong na agad ako ni mama ng yakap. Nginitian ko siya ngunit alam kong ang ngiting iyon ay pilit lang. Hindi ko din siya nakalimutang batiin. Pagkatapos ay inabot ko sa kanya ang dala kong paper bag na naglalaman ng kanyang dress.

Hindi na ako nag-abala pang magtanong tungkol sa nasaksihan ko kanina sa mall. Ilang minuto lang ng yayain ako ni mama sa kusina. Tapos kumain lang kami saglit. Tahimik lang ako habang kumakain ako ng pansit na obvious naman na handa niya. Then after nun, binati ko lang ulit siya saka ako nagpaalam sa kanya at umakyat na dito sa kwarto ko.

"Ngayon na alam mo na, sana hindi mo ako iwasan Syrene..."

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Paano ko ba hindi maiiwasan si Jach kung sa una pa lang ay nag-iiwasan na kami?

Pero hindi e. Nag-iiwasan kami nung una dahil may hindi kami pagkakaintindihan. Subalit ngayon? Sobrang lalim na ng dahilan para mas lalo akong umiwas sa kanya. Ang bigat sa pakiramdam. At mas lalo lang bumigat dahil sa katotohanan na kadugo mo pa ang kaagaw mo sa taong matagal mo ng minamahal.

Ang gusto ko lang naman ay magkabati kaming dalawa ni Jach pero sadyang malupit lang talaga ang tadhana kaya heto't mas nadagdagan pa ang rason ko para iwasan ko pa siya lalo.

Kung sana ganun lang kadali makalimot ng problema edi sana matagal na akong nagpasyang makalimutan ang lahat ng iyon para sana hindi na ako nahihirapan pa. Akala ko magiging okay na kami. Ngunit alam kong hinding-hindi iyon mangyayari hangga't andyan ang salitang akala.

Ewan ko.

Pero sa natuklasan ko mas lalo pang gumulo ang lahat.

KINABUKASAN

Maaga akong nakaalis ng bahay buhat ng gumising ako ng mas maaga. Nagset talaga ako ng alarm para umalis ng mas maaga pa kesa sa nakasanayan ko.

Hindi ako umiiwas kay mama. Sadyang trip ko lang pumasok ng ganitong oras. Oo, tama. Ganun nga ang rason ko.

Mahina akong napabuntong hininga. Kung suicidal lang ako? Siguro wala na ako ngayon.

Hays.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon habang may nakasalpak na earphone sa tenga ko. Naisipan ko kasing magplay ng kanta para mas feel ko yung moment.

Moment na mag-isa sa gilid ng  kalsada.

Wala pang araw kaya medyo madilim pa. Idagdag na din ang hangin na sobrang lamig sa pakiramdam ko.

Napahinto naman ako ng makita ko ang basurahan kung saan madalas kong nakikita si Edcel na natutulog. Isang ngiti ang nabuo sa labi ko.

Paniguradong mamimiss ko ang batang iyon. Buti nga at nakauwi na siya. At ang mas nagpagulat sa akin ay mayaman pala siya.

Haler? Kapatid lang naman niya si Kenneth. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala.

Sa school...

The Sin of LoveWhere stories live. Discover now