Chapter 14: His plans

5.7K 340 27
                                    

Dylan as Lance

Lance's POVNagising ako nang marinig ko ang maingay na tunog sa alarm clock ni Gunter

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Lance's POV

Nagising ako nang marinig ko ang maingay na tunog sa alarm clock ni Gunter. Ginising ko siya para bumangon na dahil may pasok siya ngayon at ako ay wala. Dahil nga suspended ako ng isang linggo. Pabor na rin sa akin to dahil sa susunod na linggo ay school break na. Parang napaaga lang ng isang linggo ang pagpapahinga ko. Tatayo na sana ako para abutin ang maingay na alarm clock pero bigla na lang pumatong sa katawan ko ang kamay ni Gunter na ikinagulat ko. Ang akala ko ay nagloloko lang siya at gising na dahil yung kamay niya marahang humihimas hanggang sa tiyan ko. Tangina, bat ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang nakakaramdam ako ng libog sa ginagawa niya? Alam kong tulog siya kaya wala siyang kaalam-alam sa pinaggagawa niya sa akin. Bago pa man makarating sa maling lugar ang kamay niya ay inangat ko ito hanggang sa dibdib ko. Napaungol naman ako nang haplusin niya ang dibdib.

"Pasalamat ka at tulog ka" hindi ko mapigilang sabihin nang matapos akong umungol sa ginawa niya.

Ang akala ko ay magiging malikot pa ang kamay niya pero kalaunan ay nanatili lang ito sa tagiliran ko at ngayon ay nakayakap lang siya sa akin. Hindi ko tuloy magawang tumayo para abutin ang nakakabwisit na ingay na ginagawa ng kaniyang alarm clock. Nahirapan pa akong abutin ito dahil sa tuwing lalapit ako sa pwesto ng maliit na mesa kung saan nakapatong ang alarm clock ay bigla na lang akong hahatakin ni Gunter palapit sa kaniya. Nakikiliti pa ako sa tuwing tumatama ang bibig niya sa braso ko at nararamdaman ko ang malalim niyang paghinga.

"Ahhh fuck..Ituloy mo pa yan, makakatikim ka talaga sa akin!" sabi ko. Pakiramdam ko kasi ay nanadya na tong si Gunter. Isang beses pa ay napagtagumpayan kong abutin ang alarm clock at pinatay ko ito.

Lalo pang lumala ang pagyakap sa akin ni Gunter dahil nagawa niya pang idantay ang kaniyang hita at nakapatong pa to sa ibabaw ng hinaharap ko. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko dahil bigla na lang talagang nagalit yung akin nang gawin niya yun. Tinulak ko ang kaniyang hita pababa sa hinaharap ko at tinaas ang boxer shorts ko dahil nakita kong dumudungaw na ang ulo ni junior. Napahawak ako sa hinaharap ko nang biglang pumasok si Ate pritz sa kwarto ni Gunter.

"Gon bat hindi ka pa rin...." Hindi na niya natuloy ang dapat niyang sabihin nang makita niya ang ayos naming dalawa. Nakayakap sa akin si Gunter habang ako na may nakatakip sa hinaharap ko. Pilit na ngiti ang pinakita niya sa akin bago pa siya lumabas ng kwarto ni Gunter. Baka isipin ni Ate pritz na may ginagawa kaming mali ni Gunter kaya inalis ko ang kamay niya sa aking katawan. Pagkaalis ng kamay niya ay muling dumantay ang hita niya sa akin at sa pagkakataong ito ay natuhod niya si junior. Namilipit ako sa sakit habang siya ay walang kamalay-malay sa pinaggagawa niya.

"Tandaan mo to. Sisingilin ka namin ni junior sa ginawa mo!" sabi ko habang nakahawak sa hinaharap ko at namimilipit pa rin sa sakit.

Nagpalit siya ng pwesto nang paghiga patalikod sa akin. Tumalikod na rin ako sa kaniya baka bigla niya ulit matuhod si junior. Todo himas talaga ako sa hinaharap ko para lang mawala ang sakit. Nang mawala ang sakit na aking nararamdaman ay muli akong bumalik sa dati kong pwesto. Hindi ako sanay mahiga sa kaliwang direksyon kaya humarap ako kay Gunter. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya para mapigilan ko ang biglaan niyang pagharap sa akin. Hindi pa ako nakontento at mas lumapit pa ako sa kaniya hanggang sa dumikit ang mukha ko sa kaniyang batok. May mga namumuong pawis dito pero hindi ko alam kung bakit inaamoy amoy ko ang kaniyang batok na para bang ito ang pinakamabangong bagay na naamoy ko. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang umatras papalapit sa akin at kalaunan ay bigla na lang siyang humarap sa akin. Pagkaharap niya sa akin ay bigla ko na lang siyang hinalikan sa noo para mang-asar.

"Good morning bunso!" masaya kong sabi at bigla na lang niyang tinulak ang mukha ko palayo sa kaniya habang pinupunasan ang kaniyang noo.

"Gago ka! Ang aga-aga puro ka kalokohan" sabi niya at ako naman ay tumawa para lalo siyang mainis sa akin. Kung alam mo lang kung ano ang pinaggagawa mo kanina ay mas higit pa sa ganito ang ganti ko. Nakita kong tumingin siyasa alarm clock na nasa maliit na mesa sa tabi ng kaniyang kama at bigla na lang siyang napatayo.

"Pahiga-higa ka pa dyan, hindi mo man lang alam na malilate na tayo" inis niyang sabi at bumaba ng kama. Gustong gusto ko nang patulan dahil kung alam niya lang ay kumikirot kirot pa ang mga itlog ko sa ginawa niyang pagtuhod sa akin.

"Sino naman nagsabi sayo na may pasok din ako?" masaya kong sagot. Tumingin siya sa akin nang masama habang nag-aantay ng sasabihin ko.

"Look, I'm suspended kaya wala akong pasok ng dalawang linggo" dugtong ko at kinuha ang unan na ginamit niya at niyakap-yakap habang inaamoy ito. Gustio kong maasar siya at mainggit sa akin.

"Sana ginising mo man lang ako!" sagot niya habang ako ay patuloy pa rin sa pagyakap ng kaniyang unan.

"Ilang beses kitang ginising pero ayaw mong gumising. Ayaw mo ngang bumitaw sa pagkakayakap sakin" pinatong ko ang aking ulo sa ibabaw ng aking mga kamay para ipakita sa kaniya kung gaano ako kakomportable dahil wala akong pasok ngayon at hindi ko kailangang magmadali papasok sa school. Napansin ko namang nakatitig siya sa aking katawan kaya napangisi ako.

"Hayaan mo tuturuan kita kung pano magkaroon nito" dugtong ko pa sabay himas sa abs ko na bunga ng madalas na pagbabasketball. Sa inis niya ay binato niya sa akin ang uniform na hinubad ko na nakasampay sa dulo ng kaniyang kama. Natawa ako sa hitsura niya kaya ganun na lang kalakas ang pagtawa ko hanggang sa makalabas siya ng kaniyang kwarto.

Gusto ko pa sanang makipag-asaran sa kaniya kaso malilate na siya sa klase. Lalabas sana ako sa kaniyang kwarto pero naalala ko na nakaboxer shorts lang ako at baka magalit na naman sa akin si Gunter kapag nakita niya akong palabas-labas sa kwarto niya na nakaboxer lang. Nahihiya din naman ako kay Ate Pritz baka hindi rin siya komportableng makita ako sa ganong ayos. Naghanap ako ng pwedeng mahirap na damit mula sa cabinet ni Gunter. Habang naghahanap ako ng shorts ay may nakita akong mga magazine sa ilalim ng kaniyang mga damit. Kumuha ako ng isa at natawa ako nang makita ko na isa tong playboy magazine. Dito niya lang pala tinatago ang mga pinagjajakulan niya. Hindi ko mapigilang matawa dahil ano na lang kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niyang hawak-hawak ko ito.

Hindi pa ngayon ang oras para makibiruan ako sa kaniya kaya binalik ko kaagad ang magazine sa ilalim ng mga damit niya. Mabilis akong nagsuot ng shorts at kinuha ang tshirt para suotin rin sana kaso bago ko pa man ito nasuot ay bigla na lang niya akong pinalabas sa kwarto niya dahil magbibihis daw siya. Nakayuko siya habang pinapaalis niya ako ng kaniyang kwarto na para bang hubo't hubad ako sa paningin nya. Buti na lang at nakasuot na ako ng shorts dahil sakto nasa kusina si Ate pritz at inalok akong mag-almusal. Sinuot ko ang tshirt na hawak ko at saka ako lumapit sa lababo para magmumog at maghilamos. Binigyan ako ni ate pritz ng bagong toothbrush at tuwalya para ipamunas ko. Nang matapos ako ay nagpaalam ako sa kaniya na lalabas lang saglit.

Pagkalabas ko ay mabilis akong nagtungo sa ikatlong bahay na malapit sa kanila. Nakita ko kasing may binibentang bike doon. Ilang araw ko nang nakikita ito pero wala pa ring nakakabili. Kinausap ko ang may-ari na ibenta sa akin ang bike at mamaya ko babayaran ng doble para makumbinse siya. Nagamit ko na kasi lahat ng pera ko sa taxi kaya wala na akong cash ngayon. Nag-alangan pa siya noong una na ibenta sa akin pero nang maalala niyang lagi kong kasama si Gunter ay pumayag naman siya. Napangiti ako nang una kong sakyan ang bike. May magagamit na kami ni Gunter sa pagpasok sa school sa tuwing sa kanila ako matutulog. Pagbalik ko sa kanila ay sakto namang kakalabas lang ni Gunter mula sa pinto. Lumapit siya sa gate habang nakakunot ang noo.

"So dahil wala kang pasok kaya magba bike-bike ka na lang?" tanong niya habang nagbubukas ng gate.

"Ano ka ba? Kinuha ko ang bike na to para mahatid kita sa school" sagot ko at hinarang ang aking sarili sa gate para hindi siya makadaan.

"Malapit lang ang school dito kaya hindi na kailangan" pagmamatigas niya at pinapaalis pa ako sa daan. Hindi ako umalis kahit tinutulak na niya ako. Alam kong bibigay din siya kasi wala rin siyang choice kundi ang umangkas sa bike dahil mas lalo lang siyang malilate kapag naglakad siya. Lumapit siya sa likuran ng bike para umangkas at bago pa man kami umaalis ay muli ko siyang inasar.

"Kumapit ka nang maghigpit. Baka kasi mafall ka" sabi ko sabay kindat sa kaniya. Pigil ako sa pagtawa ng makita kong asar na asar siya sa akin. Hindi ko alam kung napapansin niya ba nagpapagewang gewang ang takbo namin dahil pinipigilan kong huwag matawa.

Sa pagdating namin sa tapat ng school ay muntikan pa siyang masaraduhan ng gate. Bago pa man siya makalayo ay sumigaw ako na susunduin ko siya mamayang uwian. Marami akong oras ngayon kaya mababagot lang ako kapag sa bahay lang ako maglalagi. Ewan ko ba kapag kasama ko si Gunter ay nawawala ang pagkabagot ko at para bang ang gaan lagi ng pakiramdam ko kapag kasama siya. Nang muli akong lumingon sa kaniya ay kitang kita ko na nakikiusap siya sa guard na papasukin siya. Hindi na sana siya papapasukin ng guard pero nang makita ako ng guard ay tinanguan ko ito at nakuha naman niya agad ang gusto kong mangyari kaya pinapasok niya si Gunter.

"Madami ka ng utang sa akin bunso. Sisingilin kita sa susunod" hindi ko mapigilang sabihin. Umiling ako dahil para akong baliw na nagsasalita mag-isa.

Sunod na ginawa ko ay ang umuwi sa bahay. Medyo matatagalan ako sa pag-uwi dahil bike lang ang gamit ko. Naalala ko palang may savings card ako sa wallet kaya ang sunod kong pinuntahan ay ang ATM machine na pwede kong mag withdrawhan ng pera. Pagpasok ko ng ATM card ay hindi ko magawang makakuha ng pera dahil nakadisable daw ang account ko. Sinubukan ko pa ang isa kong card pero ganun din ang lumalabas sa screen. Dinisable na naman ni dad ang account ko. Hindi ito yung unang pagkakataomg ginawa niya to kaya hindi na ako nagulat. Wala akong choice kundi ang umuwi sa bahay gamit ang bike. Medyo matatagalan ako dahil medyo may kaluyuan ang bahay namin mula sa school.

Halos isang oras din ang lumipas bago ko nakarating ang aming bahay. Mabilis akong pinapasok ni manong bert nang makita niya ako sa labas ng gate. Pawis na pawis akong pumasok sa loob ng aming bahay. Dumirecho kaagad ako sa aking kwarto dahil baka makita ko na naman si dad at pagagalitan na naman ako. Pagpasok ko sa aking kwarto ay kaagad kong binuksan ang aircon habang nagpupunas ng pawis sa katawan. Ilang minuto akong nagpahinga bago pumasok sa shower room para maligo. Sobrang dumi ng aking binti hanggang sa aking talampakan. Unti-unting gumaganda ang pakiramdam ko nang mababad ang katawan ko sa tubig. Pakiramdam ko kanina ay sobrang dumi ko at ngayon lang ako muling nakaligo.

Matapos akong maligo ay mabilis akong nagpalit ng aking damit pambahay. Sumilip ako sa labas ng aking kwarto at saktong papalapit ang isa naming maid. Tinanong ko siya kung nasa bahay pa ba si daddy. Ayun sa kaniya ay kanina pa raw umaga umalis si dad at kagabi pa raw akong hinahanap. Hindi ko na masyadong pinakinggan ang iba niyang sinabi dahil ang importante sa akin ay wala si dad sa bahay. Hindi naman sa natatakot ako sa kaniya, ayoko lang talagang pinapagalitan niya ako dahil nauuwi sa pagtatalo ito. Dumirecho ako kaagad sa kusina para kumain. Hindi ko na kasi nagawang kumain ng almusal kanina dahil hinatid ko si Gunter sa school. Sa sobrang gutom ko ay ang dami kong pinalutong ulam pero hindi ko naman naubos lahat.

Nang mabusog ay bumalik ako sa aking kwarto para magpahinga. Imbes na magpahiga ay bigla kong naisipang buksan ang PS4 ko. May hindi pa ako natatapos na quest sa Assassin's Creed na dapat kong ipagpatuloy. Masyado akong natuwa sa paglalaro at hindi ko namalayan ang oras. Pagtingin ko sa orasan ay lumipas na pala ang tanghalian. Bababa sana ako para muling kumain pero bigla akong nakaramdam ng antok nang maihiga ko ang aking sarili sa ibabaw ng kama.


Nagising ako nang makaramdam ako ng matinding gutom. Tumingin ako sa orasan para alamin kong ilang oras akong nakatulog. Mabilis akong bumangon nang makita kong malapit na ang uwian namin sa school. Nagsabi ako kay Gunter na susunduin ko siya ngayon kaya kinailangan kong magmadali. Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magtooth brush. Nagpalit ako ng damit dahil hindi naman pupwedeng pumunta ako sa harap ng school na ganito ang ayos ko. Bago ako lumabas ng aking kwarto ay bigla kong naalala na wala nga pala akong pera kaya bumalik ako sa loob at kumuha ng pera sa drawer ko. Ilang beses nang sinuspend ni dad ang mga cards ko kaya lagi akong handa sa ganitong pangyayari at nakakapagtabi ako lagi ng cash sa drawer ko. Sakto na siguro tong P10,000 sa loob ng isang linggo.

Kanina ko pa hindi mahanap ang susi ng kotse ko kaya ito ang una kong tinanong sa isa sa aming mga maids. Sabi njya ay kinuha daw ni dad ang susi ng kotse ko kagabi nang maiwan ko ito sa aking bag. Napakamot ako sa aking ulo habang padabog na lumabas ng bahay. Pano ko masusundo si Gunter nito kung wala yung susi ng kotse ko? Nag-isip ako nang mabuti at napagdesisyunan kong mag bike na lang dahil alam kong hindi rin naman magiging komportable si Gunter kapag may kotse akong gamit kapag sinundo siya. Nagpahatid ako sa isa naming driver papunta sa school. Alam ko namang hindi nila ibibigay sa akin ang susi ng ibang sasakyan sa bahay kaya nagpahatid na lang ako. Inangkas ko sa likuran ang aking bike at pinasok sa loob ang bag na naglalaman ng ilang damit ko. Balak ko kasing mamalagi ng ilang araw kila Gunte habang mainit parin ang ulo sa akin ni daddy. Ayoko namang hiramin lagi ang damit niya kaya nagdala na ako ng para sa akin.

Pagkahatid sa akin sa harap ng school ay pinauwi ko na kaagad ang driver namin. Ilang minuto akong tumayo sa harap ng school habang nagkukunwaring may inaantay pero ang gusto ko lang mangyari ay hindi malaman ng driver namin kung saan ako pupunta. Nang makalayo ang sasakyan ay kaagad akong sumakay sa bike at nagtungo sa bahay nila Gunter para ihatid ang damit ko. Muli akong nakapasok sa loob ng kanilang bahay dahil hindi pa rin nagbabago at dun ko pa rin nakita ang susi ng kanilang bahay. Halos ibato ko ang bag ko sa ibabaw ng kama ni Gunter nang makapasok ako. Nagmamadali na kasi akong makabalik sa harap ng school dahil ilang minuto na lang ay uwian na.

Sakto ang dating ko dahil uwian na ng mga estudyante. Pumuwesto ako malapit sa gate kung saan madali akong makikita ni Gunter. Mukha nagkamali pa ako ng pwesto dahil imbes na si Gunter ang makapansin sa akin kaagad ay ang ibang mga estudyante ang nakakita sa akin. Panay ang lingon ko sa paligid habang patuloy ang pagkuha nila ng pictures sa akin na para bang isa akong artista. Nang makita ko siya ay sumigaw kaagad ako para makuha ang atensyon niya. Halos mabingi ako sa mga hiyawan ng mga taong nasa paligid ko. Mukhang hiyang hiya ngayon si Gunter dahil hindi niya man lang ako magawang harapin. Lumapit ako sa kaniya habang patuloy ang hiyawan ng mga tao sa paligid namin.

Nang makalapit ako sa kaniya ay mabilis ko siyang inaya na umangkas sa bike. Hindi ko inaasahang papayag kaagad siya. Ramdam ko ang ulo niya sa aking likuran kaya malamang ay nakayuko siya ngayon. Bago ko patakbuhin ang bike ay ngumiti pa ako sa camera para lalo siyang asarin. Bigla na lang niyang inuntog ang kaniyang ulo sa aking likuran na naging hudyat sa akin na ipatakbo na ang bike dahil napipikon na siya. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nagmamaneho ng bike dahil alam kong inis na inis ngayon si Gunter.

Pagdating namin sa loob ng kanilang bahay ay kaagad niya akong pinaggalitan sa ginawa ko kanina. Kahit na nakauwi na kami ay bakas pa rin sa mukha niya ang pamumula. Hindi ko alam kung namumula ba siya sa inis o naapektuhan na siya sa aking ginagawa. Nakaisip ako tuloy ng pang-asar sa kaniya. Unti-unti akong lumapit sa kaniya habang siya ay patuloy na umaatras hanggang sa mapahiga siya sa ibabaw ng couch. Mabilis akong pumaibabaw sa kaniya para hindi siya makatakas. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso para hindi siya tuluyang makatayo.


"Saglit lang akala ko ba kapatid ang turing mo sa akin?" sabi niya at ako namay lalong nagpapabigat sa ibabaw niya habang unti-unti akong lumalapit sa kaniyang tenga.

"Higit pa sa isang kapatid ang turing ko sayo. Sa tingin mo ginagawa ng magkapatid to?" bulong ko sa kaniya at kinagat ko ang kaniyang leeg.

Wala naman talaga akong balak na kagatin ang kaniyang leeg pero hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para gawin to. Hindi ko inaasahang mapapaungol siya ng malakas sa aking ginawa. Para bang nadadala ako sa kaniyang pag-ungol kaya pinagpatuloy ko ang marahang pagkagat ko sa kaniyang leeg. Ang kaninang malakas na pagtulak niya ay unti-unting humina hangga sa mapahawak na lang siya sa aking balikat. Sinasabayan ko pa ng marahang pagsipsip ang lugar kung saan ko siya kinakagat at pinapasadahan ko rin ito ng aking dila na mas ikinabaliw niya. Nalalasahan ko ang kaniyang pawis na para bang nagawa ko na to dati. Sa bawat pagkagat ko sa kaniyang leeg ay lalong nagkadikit ang aming katawan. Laking gulat ko nang maramdaman ko ang kaniyang hinaharap sa akin at ramdam ko ang unti-unti nitong pagkabuhay. Habang tumatagal ay naapektuhan na rin ako sa aking ginagawa at tinatamaan na rin sa bawat pagkiskis ng aming hinaharap. Inagat ko ang aking mukha para ilapat ang labi ko sa labi niya pero mabilis niyang hinarang ang kaniyang kamay sa kaniyang mga labi. Hinalikan ko na lang ang kaniyang ilong at saka ngumiti.

Buti na lang at nagawang takpan ni Gunter ang kaniyang mga labi. Sa ginawa niyang yun ay napagtanto ko na hindi ko dapat ginagawa sa kaniya ito. Noong una ay ginawa ko lang ito para asarin siya na mukhang effective naman dahil sa naging reaksyon niya pero hindi ko inaasahang ako rin ay maapektuhan sa aking ginawa. Nang makatayo ako ay pilit akong tumatawa para palabasin na nang-aasar pa din ako. Dahan-dahan akong naglalakad habang nakatakip ang aking mga kamay sa hinaharap ko. Pucha, bakat na bakat yung hinaharap ko kaya hirap akong maglakad. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya ngayon habang pilit akong tumatawa patungo sa banyo. Nanatili pa rin siyang nakaupo sa couch nang silipin ko siya bago ako pumasok sa loob ng banyo.

Sa loob ng banyo ay pinilit kong umihi dahil baka sakaling mawala ang paninigas ni junior. Nakaihi na ako pero hindi pa rin ito kumakalma. Naisipan kong buhusan ito ng tubig para mawala ang paninigas nito. Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ko sa loob ng banyo. Narinig ko na lang ang boses ni Ate Pritz na hindi kalayuan sa banyo. Bigla na lang may kumatok sa banyo.

"Gon, bilisan mo naiihi na ako!" sabi niya habang patuloy na kumakatok. Inayos ko ang aking sarili bago ako lumabas ng banyo.

"Ano bang ginagawa mo sa loob at ang tag-" hindi niya natapos ang kaniyang dapat sabihin ng makita niya ako.

"Ay ikaw pala yan Lance. Pasenya ka na naiihi na talaga ako" sabi ni Ate Pritz habang pilit na ngumingiti. Tumabi ako para makadaan siya at kaagad naman siyang pumasok sa loob ng banyo.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Gunter at naabutan ko siyang nagbibihis ng tshirt habang nakatalikod sa akin. Hindi niya ata namalayan ang pagpasok ko sa loob ng kaniyang kwarto kaya patuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa. Muli kong nasilayan ang kaniyang katawan. Bihira lang ako mamangha sa pangangatawan ng isang tao at isa sa mga yun ay kay Gunter. Sa totoo lang ay payat ang kaniyang pangangatawan pero masasabi mo parang sexy ito at hindi masagwa tingnan. Sobrang kinis ng kaniyang balat na tila hindi nakaranas ng galos o sugat sa katawan. Tinitigan ko siya mula sa kaniyang batok hanggang sa pababa ng pababa ang aking tingin. Nagulat na lang ako nang may tumamang damit sa mukha ko.

"Ano na namang binabalak mong kalokohan?" narinig kong sabi ni Gunter habang nasa mukha ko pa rin ang uniform niya. Kaagad kong tinanggal ito at lumapit sa kaniya.

"Ang sexy talaga ng bunso ko" sabi ko habang papalapit sa kaniya para yakapin siya. Bago pa man ako makalapit sa kaniya para yakapin siya ay bigla na lang niyang hinarang ang kaniyang kamay sa aking mukha para pigilan ako. Pilit kong inaabot ang kaniyang braso para mayakap siya pero hindi ko maabot dahil sa pagharang niya sa akin. Bigla na lang niya akong tinulak sa ibabaw ng kama at lumabas ng kaniyang kwarto.

Naiwan ako sa loob ng kaniyang kwarto habang nag-iisip ng kung anong dapat gawin sa mga susunod na araw. Sanay naman na si daddy na nawawala ako sa bahay sa tuwing nagtatalo kami kaya hindi ko na aalahanin kung magtatagal ako ng ilang araw dito kila Gunter. May sapat naman akong pera para umabot sa buong linggong gastos ko. Mag-aabot na lang ako kay Ate Pritz ng pera para pandagdag sa gastusin nila kahit sa pang-ulam lang sa araw-araw. Alam kong mahirap ang kaniyang trabaho at hindi madali para sa kaniya ang buhayin at pag-aralin si Gunter ng mag-isa. Kaya kahit papano ay nahihiya akong kumain at matulog dito ng libre dahil alam kong pangdalawang tao lang ang nagiging budget niya at dumagdag pa ako.

Nang sumapit ang gabi ay palihim akong nag-abot ng pera kay Ate Pritz habang bumibili ng soft drinks si Gunter. Noong una ay ayaw niya pang tanggapin ito pero nagawa niya rin itong tanggapin dahil sa pagpupumilit ko. Nangako siyang magluluto siya ng mga paborito kong pagkain kapalit ng perang binigay ko. Ipinagbilin ko kay Ate Pritz na wag ipaalam kay Gunter ang tungkol sa perang binigay ko dahil alam kong aawayin niya ako tungkol doon. Naging masaya ang aming hapunan na tila isa kaming pamilya. Mas naeenjoy kong kumain ng hapunan kapag kasama ko sila. Kahit na simpleng pagkain lang ang nakahain ay napapasarap ang aking pagkain.

Dumating ang oras para matulog na kami. Sa totoo lang ay maaga pa para matulog pero dahil may pasok si Gunter bukas ay sumabay na rin ako sa kaniya sa paghiga sa kama. Ilang beses ko siyang niyayakap habang nakahiga kami sa kama at ilang beses niya ring tinanggal ang kamay ko. Nagpumilit ako hanggang sa malapit ko nang husto ang aking katawan at mayakap siya nang husto.

"Lance ano na naman ba to? Matutulog na ako at may pasok pa ako bukas" sabi niya habang pilit niyang kinakalas ang pagyakap ko sa kaniya.

"Sige na matulog ka na. Hayaan mo lang na yakapin kita" sabi ko at lalo ko pang hinihigpitan ang pagyakap ko sa kaniya. Ang akala ko ay manlalaban pa rin siya pero hindi na niya ito ginawa. Ilang minuto rin siyang nanahimik kaya inakala kong natutulog na siya. Nilapit ko ang ilong ko sa kaniyang leeg at kakagatin ko sanang muli ang kaniyang leeg pero bigla na lang niyang pinitik ang aking noo. Napaurong ako habang marahang kinukuskos ko ang aking noo at siya naman ay tumawa. Sa inis ko ay kiniliti ko siya hanggang sa magmakaawa siya sa aking tigilan ko na. Halos magpagulong gulong kami sa ibabaw ng kaniyang kama habang skiya ay kinikiliti ko. Kapwa kaming napahiga sa kama nang makaramdam kami ng pagod.

"Anong plano mo sa sembreak?" bigla kong tanong.

"Wala naman. Siguro maglalaro na lang ng mga games sa Nintendo switch ko at tutulong sa gawaing bahay" sagot niya habang inaangat ang kumot para takpan ang katawan.

"Samahan mo ko sa tagaytay" sabi ko at hinila ko ang kumot niya para harapin niya ako.

"Ano namang gagawin natin dun?" tanong niya at hinila niya pabalik sa kaniya ang kumot.

"Lahat ng gusto mong gawin na hindi natin nagagawa dito" mabilis kong sagot habang hinihimas ang dibdib niya.

"Puro ka kalokohan!" sagot niya at tinanggal ang kamay ko sa ibabaw ng kaniyang dibdib at saka tumalikod.

"Pwera biro, may rest house kami dun na pwede nating puntahan para sa bakasyon" sabi ko habang pinipilit siyang humarap sa akin.

"Wala akong pera para pumunta dun. Wala kang kotse na magagamit natin. At sabi mo sakin kanina ay suspended ang lahat ng cards mo kaya wala kang pera kaya papano tayo dun?" tanong niya habang nakatalikod parin sa akin.

"Hayaan mo, makakagawa ng paraan si kuya" sabi ko at niyakap ko siya habang nakatalikod siya sa akin.

"Bahala ka!" ang huli kong narinig na sinabi niya at pinikit ko ang aking mata.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Where stories live. Discover now